Chapter 91

1094 Words
Pagkatapos mag-ayos ni Nessa ng mga gamit ni Nanay Ising ay bigla namang tumawag si Boyong kay Nessa. Gulat na gulat siya pero kailangan naman niyang sagutin ito dahil baka magtaka kung bakit hindi siya nasagot. Ayaw niya namang malagot, lalo na at nag-uumpisa pa lang ang lahat. Kailangan niya munang magsinungaling sa ngayon. ‘’Oh, ano na naman ýon? May problema ka ba ulit?’’ tanong ni Nessa, medyo pansin ang pagkainis sa boses niya kaya pinuna agad iyon ni Boyong. ‘’Oh, mukhang inis ka na tumawag ako ah? May problema ka ba sa akin Nessa? Parang may hind ako alam tungkol sa iyo, ah,’’ para bang naiinis si Boyong sa sinabi niyang iyon. ‘’Ah, eh wala naman. Ang init kasi ng panahon, naiinis ako. Pasensya na,’’ sagot ni Nessa, nagising siya sa katotohanan na kailangan niya nga palang magpanggap. ‘’Ah, buti naman. Akala ko, sa akin ka na may problema eh. Oh, kumusta nga pala ýong pinapa-trabaho ko sa iyo? Ayos na ba?’’ Anong balita na roon?’’ Biglang kinabahan si Nessa pero wala naman siyang magagawa dahil kailangan niyang sagutin kung ano man ang tanong ni Boyong dahil kung hindi niya sasagutin ito ay pare-parehas silang mayayari nina Nanay Ising at Delsin. ‘’W-Wala pa, pero nakausap ko naman na siya. Ang sabi, tutulungan ka raw noong bago niyang boss ngayon. Hintayin na lang natin, ha? Pwede ba iyon?’’ hiling ni Nessa kay Boyong. ‘’Paano kung hindi na ako makapaghintay? Ano na ang mangyayari? Anong gagawin mo?’’ may pananakot sa boses ni Boyong nang sabihin niya iyon. Natakot bigla si Nessa. Paano nga ba kung gawin iyon ni Boyong? Ano na ang mangyayari sa kanilang lahat? Lalo pa sigurong lalaki ang problema, dadagdag pa iyon sa kaso ni Boyong kapag nagkataon. Iniisip ni Nessa ngayon kung ano ang maitutulong niya sa kanila para hindi na lumala pa ang sitwasyon. ‘’Ano ka ba naman? Kung anu-ano na lang ang naiisip mo. Kung ayaw mong maniwala sa akin, lumabas ka dyan sa kulungan at ikaw na ang magsabi kay Delsin sa mga bagay na gusto mo. Ayaw mo kasing maghintay eh pwede naman,’’ naiinis na si Nessa, nilalakasan na lang niya ang loob niya pero ang totoo ay takot na takot na siya kay Boyong. ‘’Puro ka na lang hintay dyan eh. Wala na bang bago ha? At saka, inaasar mo ba ako? Anong ako na lang ang magsabi kay Delsin? Eh alam mo namang nasa loob ako ng kulungan di ba? Ay naku, mukhang makakatikim ka sa akin. Pangako, Nessa. Hindi mo magugustuhan kung ano man ang naiisip ko ngayon,’’ may inis na rin sa boses ni Boyong. ‘’Eh sa kailangan mo munang maghintay eh. Anong magagawa ko? Alam mo, ang hirap mo namang kausap eh. Nahihirapan na ako. Sobrang laki na ng pinagbago mo simula noong makulong ka. Alam mo iyon? Imbes na maging mabait ka dyan sa loob, lalo ka yatang gagawa ng masama. Ano bang nangyayari sa iyo, ha? Hindi na ikaw iyan. Alam mo sa sarili mong hindi na ikaw iyan,’’ hindi na napigilan ni Nessa ang kanyang sarili at nasabi niya iyon kay Boyong. Napatawa si Boyong sa narinig niya, asar na asar siya. Rinig ni Nessa ang tawa niya. Alam ni Nessa na lalong galit na galit si Boyong noon. ‘’Sinasabi ko na nga ba! Kay Delsin ka kampi ano? Hindi sa akin? Bakit? Ako ang dapat mong pakinggan. Sa tingin mo ba, gusto ko na narito ako? Hindi naman ah. Alam mong hindi dapat ako ang nandito kung hindi si Delsin!’’ galit na galit na si Boyong na hindi na niya napigilan na hindi sumigaw. ‘’Si Delsin? Alam mo sa sarili mong ikaw ang may kasalanan niyan. Ikaw ang nakipag-kuntyaba kay Oryang hindi ba? Tapos ngayon, ipapasa mo sa kanya dahil hirap na hirap ka na? Ano ba namang klaseng pag-iisip ýan, ha? Ayusin mo nga,’’ sabi naman ni Nessa, inis na inis na rin siya. ‘’Alam mo, isa lang ang natutunan ko sa pagtulong ko dyan sa Delsin na iyan. Sana pala, hindi ko na lang siya tinulungan na makapunta rito sa Maynila. Siya lang pala ang magiging dahilan kung bakit ako mapapahamak. Kung alam ko lang iyon noon, hindi ko na siya niyaya pa na mag-trabaho kaming dalawa rito,’’ inis na sabi ni Boyong. ‘’Kung may dapat kang kainisan, sarili mo iyon at wala nang iba pa. Desisyon mo ýan, alam mong mapapahamak ka sa ginagawa mo pero ano? Ginawa mo pa rin? Dyan ka na nga! Nag-iinit lang ang ulo ko sa iyo e.’’ ‘’Aba at ganyan pa nga ang sasabihin mo-‘’ naputol si Boyong sa kanyang sinasabi dahil pinatay na ni Nessa ang tawag niya. Inis na inis naman siyang umalis. Sa totoo niyan, kung pwede lang ay magwala na siya roon dahil sa galit pero hindi lang niya magawa dahil nasa kulungan siya. Gusto na lang niyang lumabas doon at gerahin si Delsin kung pwede lang. Sa kabilang banda naman ay kabadong-kabado si Nessa nang ibaba niya ang tawag. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil hindi natuloy ang plano niya. Imbes na magpanggap ay napakita niya ang totoong saloobin niya dahil sa hindi na niya kaya ang mga sinasabi ni Boyong tungkol kay Nanay Ising at Delsin. Nagpahinga muna siya pagkatapos noon. Kinagabihan ay nag-text na si Delsin na bukas ay pupunta na si Nanay Ising sa Maynila. Agad namang pumunta si Nessa kay Nanay Ising para sabihin ang magandang balitang iyon. Pumunta siya sa kwarto nito at kumatok doon sa pintong nakabukas. Agad na tumigin si Nanay Ising sa kanya at ngumiti ito. ‘’Oh, bakit ka nandito?’’ tanong naman ni Nanay Ising, pagkatapos ay umpo na si Nessa malapit kung saan naka-upo si Nanay Ising san at kama niya. “Nanay Ising, di ba po, gusto niyo na makita ang anak niyo pong si Delsin?’’’nakatinging tanong ni Nessa sa matanda. ‘’Oo naman. Andyan na ba siya ngayon? Nasaan?’’ excited na tanong pa ng matanda, patayo na ito nang biglang pinigilan siya ni Nessa. ‘’Naku, wala po siya rito. Kayo po ang pupunta sa kanya. Pupuntahan niyo po siya sa Maynila,’’ nakangiting sagot ni Nessa. ‘’Maynila?’’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD