Chapter 90

1160 Words
Pagpunta niya sa kanyang kwarto ay agad niyang kinuha ang kanyang cellphone para tawagan si Nessa at ibalita rito ang mga bagay-bagay. May takot man siyang nararamdaman ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na magiging maayos din ang lahat sa kanila. ‘’Hello, Ate Nessa. May ginagawa ka ba ngayon? Kung wala, pwede ba tayong mag-usap? May importante lang akong sasabihin sa iyo,’’ hindi mapigilan ni Delsin ang kanyang ngiti sa labi. ‘’Oh? Ano iyon? Ayos lang naman, huwag kang mag-alala. Sabihin mo lang sa akin,’’ sagot naman ni Ate Nessa sa kanya. ‘’Gusto ko sanang sabihin sa iyo na kukunin ko na dyan si Nanay Ising sa iyo. Dito na siya titira sa akin. May susundo sa kanya dyan,’’ sabi ni Delsin, tuwang-tuwa siya. ‘’Ha? Bakit naman? May problema ka ba, Delsin? Ayos naman ang pag-aalaga ko sa kanya, hindi ba?’’ pagtataka ni Ate Nessa. Nalulungkot siya dahil bigla na lang naging ganoon si Delsin. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang pupunta si Nanay Ising sa Maynila. Para sa kanya, isa lang ang ibigsabihin noon. Hindi okay kay Delsin ang pag-aalaga niya rito. ‘’Uy, oo naman. Okay naman ang pag-aalaga mo kay Nanay Ising. Kaya lang, miss na miss ko na siya kaya gusto ko na siyang makasama. Buti na lang nga, pumayag si Maám Selena sa gusto ko eh,’’ pagsisinungaling naman ni Delsin. Nagsinungaling siya sapagkat hindi niya alam kung kakampi ba niya o kaaway si Nessa. Hindi naman siya pwedeng magtiwala na lang basta rito dahil buhay ni Nanay Ising ang nakataya. Mabuti na para sa kanya ang magsinungaling kahit hindi bukal sa loob niya. ‘’Ah, ganoon ba? Akala ko naman ay may problema ka sa pag-aalaga ko kay Nanay Ising. Buti naman at wala. Nakakapagtaka lang na gusto mo na siya dyan sa Maynila tumira eh,’’ sabi naman ni Nessa na nagpakaba kay Delsin. ‘’Ah, wala namang ibang dahilan na. Oh siya, sabihan mo na siya na pupunta siya sa Maynila, ha?’’ sabi ni Delsin. ‘’Oo, sasabihin ko. Tiyak na matutuwa iyon. Noong huling nakausap ko kasi siya ay gusto ka na niyang marinig ulit daw ang boses mo. Naaawa na nga ako eh, hindi ko alam kung anong sasabihin ko para hindi ka niya hanapin sa akin,’’ sabi naman ni Nessa. ‘’Hayaan mo, ngayon ay hindi na siya mag-iisip ng mga bagay na ganyan. Lagi na niya akong makikita dahil magkakasama na kami,’’ sabi naman ni Delsin, tuwang-tuwa pa rin siya. ‘’Masaya ako para sa inyo ni Nanay Ising. O siya, sige na. Sasabihin ko na sa kanya na may susundo sa kanya para pumunta dyan,’’ pagkatapos noon ay binaba na ni Nessa ang tawag. Pagbaba ng tawag ay bumalik na si Delsin sa kanyang trabaho. Napansin ni Ray na sobrang saya niya kaya hindi niya maiwasan na hindi tanungin si Delsin tungkol dito. ‘’Aba, noong pumasok ka sa opisina ni Maám Selena ay takot na takot ka ah? Paglabas mo, tuwang-tuwa ka na? Bakit? Anong meron?’’ tanong niya. ‘’A-Ah, eh paano kasi ay pupunta na si Nanay Ising dito sa Maynila Sinabi niya sa akin kanina. Hindi kasi ayos ang lagay niya roon kaya kailangan na niyang pumunta dito,’’ sagot naman ni Delsin sa kanya. ‘’Ah, ganoon ba? Ayos iyan. Buti naman sa iyo,’’ nakangiting sagot ni Ray. Sa isip-isip ni Ray ay medyo naiinis na siya dahil ang bilis na napagbigyan ni Maám Selena si Delsin. Dati naman, hindi naman siya ganoon kabilis magtiwala sa mga tao niya. Gulong-gulo si Ray kung bakit pagdating kay Delsin ay lumambot na agad ang puso ni Maám Selena. ‘’Salamat,’’ maikling sagot naman ni Delsin, ngumiti siya at nagpatuloy na sa kanyang trabaho sa motel. Sa kabilang banda naman ay hindi na tinawagan pa ni Nessa si Boyong dahil alam naman niya na mas magiging magulo ang mga bagay kapag ginawa niya iyon. Isa pa, gusto niyang maging masaya si Delsin at si Nanay Ising kaya hahayaan niya na lang na makatakas ito sa kamay ng malupit na si Boyong. Hindi naman ako kasing sama ni Boyong para hindi ko pakawalan si Nanay Ising. Wala namang masamag ginawa sa amin si Delsin kaya hindi dapat siya mahirapan sa amin. Ayos lang kung ako na lang ang sumalo sa mga galit ni Boyong kay Delsin. Kaya ko naman ýon eh, kakayanin ko. Huwag lang may masasaktan sa kanila o mapapahamak. Ilang minuto pa ay hinanda na ni Nessa ang gamit ni Nanay Ising. Habang tinitingnan niya iyon ay hindi niya alam kung matutuwa siya o malulungkot. Halo ang nararamdaman niya eh. Pero, hinayaan niya na lang dahil ayaw naman niyang ipahalata kay Nanay Ising iyon. Pagkatapos mag-ayos ni Nessa ng mga gamit ni Nanay Ising ay bigla namang tumawag si Boyong kay Nessa. Gulat na gulat siya pero kailangan naman niyang sagutin ito dahil baka magtaka kung bakit hindi siya nasagot. Ayaw niya namang malagot, lalo na at nag-uumpisa pa lang ang lahat. Kailangan niya munang magsinungaling sa ngayon. ‘’Oh, ano na naman ýon? May problema ka ba ulit?’’ tanong ni Nessa, medyo pansin ang pagkainis sa boses niya kaya pinuna agad iyon ni Boyong. ‘’Oh, mukhang inis ka na tumawag ako ah? May problema ka ba sa akin Nessa? Parang may hind ako alam tungkol sa iyo, ah,’’ para bang naiinis si Boyong sa sinabi niyang iyon. ‘’Ah, eh wala naman. Ang init kasi ng panahon, naiinis ako. Pasensya na,’’ sagot ni Nessa, nagising siya sa katotohanan na kailangan niya nga palang magpanggap. ‘’Ah, buti naman. Akala ko, sa akin ka na may problema eh. Oh, kumusta nga pala ýong pinapa-trabaho ko sa iyo? Ayos na ba?’’ Anong balita na roon?’’ Biglang kinabahan si Nessa pero wala naman siyang magagawa dahil kailangan niyang sagutin kung ano man ang tanong ni Boyong dahil kung hindi niya sasagutin ito ay pare-parehas silang mayayari nina Nanay Ising at Delsin. ‘’W-Wala pa, pero nakausap ko naman na siya. Ang sabi, tutulungan ka raw noong bago niyang boss ngayon. Hintayin na lang natin, ha? Pwede ba iyon?’’ hiling ni Nessa kay Boyong. ‘’Paano kung hindi na ako makapaghintay? Ano na ang mangyayari? Anong gagawin mo?’’ may pananakot sa boses ni Boyong nang sabihin niya iyon. Natakot bigla si Nessa. Paano nga ba kung gawin iyon ni Boyong? Ano na ang mangyayari sa kanilang lahat? Lalo pa sigurong lalaki ang problema, dadagdag pa iyon sa kaso ni Boyong kapag nagkataon. Iniisip ni Nessa ngayon kung ano ang maitutulong niya sa kanila para hindi na lumala pa ang sitwasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD