Chapter 89

1134 Words
Pag-uwi niya ay agad niyang pinatawag si Delsin. Nagulat naman si Delsin dahil doon. Kinakabahan pa nga siya dahil sa itsura ni Maám Selena ay mukhang seryosong-seryoso ang pag-uusapan nila. ‘’Oh, bakit naman kaya ako pinapatawag ni Maám Selena? Nakakatakot tuloy,’’ sabi ni Delsin kay Ray. ‘’Kung may ginawa kang mali, matakot ka nga. Kung wala naman, ayos lang iyan. Sige, ako na muna ang tatao sa motel. Good luck!’’ sabi naman ni Ray. Nanginginig si Delsin nang pumasok siya sa opisina ni Maám Selena. Tahimik lang silang dalawa. Pagkatapos ng ilang minuto ay umupo na si Selena. Pina-upo rin naman niya si Delsin sa tapat niya. ‘’Delsin, huwag kang mag-alala ha? Tutulungan naman kita sa problema mo.’’ Agad na nagtaka at nagulat si Delsin dahil sa sinabi ni Selena sa kanya. Naalala niya tuloy si Maám Cynthia, alam na niya na sinabi nito ang kanyang problema kay Maám Selena. ‘’Po? Ano pong problema? Wala naman po akong problema, ah,’’ sabi ni Delsin, nahihiya pa rin siya kay Maám Selena kaya nagsinungaling siya rito. ‘’Ay, naku. Huwag mo nang itago pa sa akin. Alam ko na ang totoo. Sinabi na kaya sa akin ni Cynthia ang lahat. Alam mo, sa totoo lang ay hindi ako pumayag noong una. Alam ko kasing delikado-‘’ natigil si Selena sa kanyang sinasabi nang biglang sumagot si Delsin. ‘’Eh ano pong nagpabago sa isip niyo? Bakit niyo po ako tinulungan?’’ tanong ni Delsin, halatang hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari sa kanila ni Maám Selena. ‘’Simple lang. Noong nalaman kong may posibilidad na saktan ng pinsan mo ang nanay mo. Ano ba namang klaseng pinsan iyon? Talaga lang? Ganoon siya kasama?’’ inis na inis si Selena, hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili. ‘’Ah, iyon naman po ay kung hindi ko siya matulungan. Nasa isip ko lang po iyon, medyo nagbago na po kasi siya kaya natakot na po ako para sa nanay ko. Pero, sana po ay hindi niya pa rin maisipang gawin iyon. Kundi, magagalit po talaga ako sa kanya,’’ sabi ni Delsin, nasa mahinahon na tono pa rin siya. ‘’Kung may ganoon nga, kailangan natin siyang ilabas sa kulungan sa lalong madaling panahon. Baka mamaya, sa sobrang inip niya ay saktan na niya ang nanay mo eh. Ayaw ko naman noon,’’ nag-aalala pa rin si Selena para kay Delsin. ‘’Salamat po sa pagtulong niyo sa akin, Maám Selena ah? Hindi ko po akalain na gagawin niyo iyon. Akala ko po, iba kayo kay Maám Cynthia. Hindi po pala, mabait po kayo talaga,’’ sabi naman ni Delsin, tuwang-tuwa siya dahil sa kanyang nalaman. Sa sobrang tuwa nga niya, muntik na siyang maiyak eh. ‘’Naku, oo naman. Parehas na parehas kami ni Cynthia kaya walang problema iyon sa akin. Hindi lang naman ako tutulong sa iyo kapag ikaw ang mali sa sitwasyon. Sa nangyayari ngayon, ikaw ang naaapi. Kaya naman, alam ko na kailangan mo talaga kami ni Cynthia,’’ nakangiting sabi ni Selena kay Delsin. ‘’Hinding-hindi ko po sasayangin ang tulong na ibibigay niyo po sa akin.’’ ‘’Pero, tanong lang ah. Paano ba kapag hindi talaga tayo nakatulong sa kanya? Magagalit ka ba sa akin kung hindi natin magawa ang gusto mo? Ito ay tanong lang naman, hindi naman porket tinanong koi to ay hindi na nga mangyayari ýong gusto mo. Syempre, alam mo na, baka hindi kayanin ng powers ko eh,’’ sabi ni Selena, bukas lang siya sa mga posibilidad na sitwasyon. ‘’Ayos lang po. Basta po, sinubukan natin. Ang akin lang naman po eh kailangan kong maligtas ang Nanay Ising ko. Kapag ayos na po siya ay ayos na rin po ako,’’ sabi naman ni Delsin habang nakangiti. ‘’Eh, may idea lang sana ako. Ngayon ko lang naman naisip ito, paano kung kunin na lang natin si Nanay Ising mo sa probinsya tapos dito ko siya patirahin? Ayos lang bas a iyo ýon? Para malayo na siya kay Boyong, nagkikita pa kayong dalawa. Ano? Gusto mo ba iyon?’’ suhestyon ni Selena kay Delsin, hindi naman alam ni Delsin kung matutuwa siya o ano. ‘’Talaga po ba? Sigurado po kayo dyan? Payag po kayo na dito na tumira si Nanay Ising? Hindi naman po ba sobra na yata iyon, Maám Selena? Nakakahiya na po sa inyo,’’ hindi alam ni Delsin kung ano ang dapat niyang i-react. ‘’Oo, kung para naman sa kaligtasan ng magulang mo. Bakit hindi, di ba? Sabihan mo ang nanay mo sa probinsya na rito na kayo titira. Okay? Ako ang bahala sa lahat,’’ nakangiting sabi ni Selena kay Delsin. ‘’Talaga po? Sa lahat talaga, kayo ang bahala?’’ hindi na naman makapaniwala si Delsin sa sinasabi ng kanyang amo. ‘’Oo nga, basta sabihan mo siya, ah? Tutulungan pa rin naman natin ang pinsan mo, pero kailangan ay nandito na ang nanay mo para kung saktan man niya ito ay hindi na niya magawa pa.’’ Hindi lang makapagsalita si Delsin pero tuwang-tuwa siya sa naririnig niya ngayon. Miss na miss na kasi niya ang Nanay Ising niya kaya napakalaking bagay nito sa kanya. Sa sobrang kasiyahan ay hindi na niya napigilan ang sarili. Napayakap na siya kay Selena. Nagulat naman si Selena dahil rito. Hindi siya sanay na may yumayakap na empleyado sa kanya. Ayos lang naman sa kanya, hindi lang siya sanay. ‘’Naku, sorry po. Nabigla lang po ako sa sobrang saya ko. Sa wakas ay makakasama ko na ang nanay ko. Makikita ko na siya at mahahawakan ulit. Medyo matagal na po kasi ýong huli, napakarami pa pong nangyari sa akin na alam kong hindi niya magugustuhan kapag nalaman niya,’’ sabi naman ni Delsin. ‘’A-Ah, ayos lang naman iyon, Delsin. Don’t get me wrong, hindi sa ayaw kong niyayakap ako ng mga empleyado ko pero hindi kasi ako sanay sa ganoon,’’ sagot naman ni Selena. ‘’A-Ah, ayos lang po iyon. O sige na po. Salamat ulit sa tulong niyo sa akin. Tatawagan ko na po si Nanay Ising para sabihin sa kanya na pinapapunta niyo po siya rito sa Maynila,’’ nakangiting umalis sa opisina ni Selena si Delsin. Pagpunta niya sa kanyang kwarto ay agad niyang kinuha ang kanyang cellphone para tawagan si Nessa at ibalita rito ang mga bagay-bagay. May takot man siyang nararamdaman ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na magiging maayos din ang lahat sa kanila.                                                              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD