Chapter 88

1119 Words
Sa kabilang banda naman ay dumating na si Selna sa coffee shop. Nakaupo na roon si Cynthia, hinihintay siya. Agad siyang umupo sa tabi nito at nagsalita. ‘’Oh, anong problema? Bakit mo ako pinapunta rito? May kailangan ka ba, Cynthia?’’ may pag-aalalang sabi ni Selena kay Cynthia. ‘’Ah, eh tungkol ito kay Delsin. Gusto ko sannag tulungan natin siya sa mga bagay-bagay sa buhay niya. Ikaw na ang amo niya, kaya dapat lang ay alam mo rin ang mga nangyayari sa kanya. Alam kong magagalit siya sa akin kapag nalaman niyang alam mo na, pero wala eh. Kailangan mong malaman ito,’’ sabi naman ni Cynthia. ‘’Oh, anong nangyari sa kanya? Kaya pala tinanong niya ako kung bakit tayo mag-uusap na dalawa. Involved pala siya rito,’’ sabi naman ni Selena. ‘’Oo eh. Alam ko namang marami kang connections, kaya naman gusto ko sanang tulungan mo rin si Delsin sa problema niya. Paano kasi, may kaso-‘’ natigil sa pagsasalita si Cynthia dahil biglang sumagot si Selena sa kanya. ‘’H-Ha? Si Delsin, may kaso? Ay, naku. Hindi pwede, Cynthia. Alam mo naman na hindi ko gusto ýong mga empleyado ko na may sabit. Hayaan mo, paalisin ko rin siya mamaya pag-uwi ko roon,’’ medyo inis si Selena. ‘’Ay, naku. Hindi naman dahil doon kaya ako hihingi ng tulong sa iyo. Pakinggan mo muna ako. Si Delsin kasi, may pinsan siya. Nakakulong ngayon dahil sa isang kaso. Eh gusto niya, makalaya ýong pinsan niya na iyon kaso lang ayaw naman noong nag-kaso na iurong,’’ malungkot na kwento ni Cynthia kay Selena. ‘’Eh, ayaw naman pala noong nagkaso eh. Anong magagawa natin ngayon? Kung ayaw niya, wala tayong magagawa. Alam mo naman siguro iyan,’’ sagot naman ni Selena, determinado siyang hindi tulungan si Delsin sa problema nito. ‘Selena, please? Tulungan mo naman si Delsin. Alam mo bang marami ang madadamay kapag hindi natin siya tinulungan? You know, you have all your connections,’’ sabi pa ni Cynthia, pilit niyang kinukumbinsi si Selena na tulungan si Delsin. ‘’Eh ano naman ang magagawa ko? Kasalanan nila iyon. Let them pay for it. Hindi mo naman problema iyon, ah. Huwag mong problemahin. Well, you have your connections too, bakit hindi mo gamitin?’’ sagot naman ni Selena, matigas pa rin ang paninindigan niya. ‘’Selena, alam ko namang may connections din ako, pero lalo kong matutulungan si Delsin kung pati ikaw, tutulong din. C’mon, I know that you have a big heart. Please?’’ pagmamakaawa ni pa ni Cynthia. ‘’No, Cynthia. Kilala mo naman ako, hindi ba? Hindi ako tutulong lalo na at alam kong mapapasama ang pangalan ko. Please, huwag mo nang ipilit pa-‘’ natigil si Selena sa kanyang sinasabi nang biglang magsalita si Cynthia sa kanya. ‘’Pwedeng mamatay ang Nanay Ising ni Delsin kapag hindi natin siya tinulungan. Please naman. Tulungan natin siya. Someone’s life is in danger kapag hindi natin ito ginawan ng paraan,’’ nalulungkot na si Cynthia dahil sa hindi pagpayag ni Selena na tumulong kay Delsin. ‘’What? Anong sinasabi mo? Can you tell me more about it?’’ gulat na sagot ni Selena, hindi niya akalain na may buhay palang nakatay rito. Naawa siya kay Delsin. Dahil doon ay sinabi na nga ni Cynthia sa kaibigan niyang si Selena ang bawat detalye. Nang malaman iyon ni Selena ay naawa siya kay Delsin at nangako kay Cynthia na gagawin niya ang lahat para tulungan ang binata. ‘’Bakit naman siya ganoon? Ang sama naman niya. Pinsan niya naman si Delsin ah. Bakit ganoon siya kung mag-isip?’’ galit na galit si Selena nang malaman na niya ang lahat tungkol kay Boyong. ‘’Iyon na nga eh, dati naman daw ay mabait iyon sa kanya. Noong nakulong daw, parang nag-iba na bigla kaya takot na takot si Delsin para sa Nanay Ising niya,’’ sagot naman ni Cynthia. ‘’Hayaan mo, I will do everything para matulungan si Delsin ha? Pasensya ka na pala sa akin kanina kung humindi agad ako sa sinasabi mo without asking anything about it. Pag-uwi ko pala mamaya, kakausapin ko siya para masabi niya sa akin ang lahat. Salamat-‘’ hindi natapos ni Selena ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad si Cynthia sa kanya. ‘’Hindi mo pwedeng sabihin kay Delsin na sinabi ko sa iyo. Sabi niya sa akin ay ayaw ka na niya madamay pa sa gulo na meron siya. Can you just help him silently?’’ pangamba naman ni Cynthia. ‘’Cynthia naman, nagpapatawa ka ba? How can I help him kung hindi ko siya kakausapin ha? Don’t worry, hindi naman siguro siya magagalit sa iyo. Gagawin ko naman ang lahat para ipaintindi sa kanya eh. Saka, mabait naman iyon. He will never be mad at you, you help him a lot, di ba?’’ sagot naman ni Selena pagkatapos ay ngumiti siya. ‘’Eh, basta. Ikaw na ang bahala sa pagpapaliwanag sa kanya. Salamat talaga, Selena. Akala ko, hindi mon a kami tutulungan eh,’’ nakangiting sabi ni Cynthia habang nakatingin kay Selena. ‘’Oo, sige. Sorry din, akala ko kasi ay masama si Delsin. Ngayong malinaw na sa akin, tutulungan ko talaga siya. Promise!’’ sabi pa ni Selena, tinaas pa niya ang isang kamay na para bang nangangako. ‘’Oo naman, ayos lang sa akin iyon. Naiintindihan ko naman. O sige na, ako ay aalis na ah at may gagawin pa ako eh. Salamat,’’ paalam ni Cynthia pagkatapos ay tumayo na para umalis. Umalis na rin si Selena pagkatapos noon. Determinado nman siyang tulungan si Delsin at Cynthia laban sa pinsan nitong si Boyong. Pag-uwi niya ay agad niyang pinatawag si Delsin. Nagulat naman si Delsin dahil doon. Kinakabahan pa nga siya dahil sa itsura ni Maám Selena ay mukhang seryosong-seryoso ang pag-uusapan nila. ‘’Oh, bakit naman kaya ako pinapatawag ni Maám Selena? Nakakatakot tuloy,’’ sabi ni Delsin kay Ray. ‘’Kung may ginawa kang mali, matakot ka nga. Kung wala naman, ayos lang iyan. Sige, ako na muna ang tatao sa motel. Good luck!’’ sabi naman ni Ray. Nanginginig si Delsin nang pumasok siya sa opisina ni Maám Selena. Tahimik lang silang dalawa. Pagkatapos ng ilang minuto ay umupo na si Selena. Pina-upo rin naman niya si Delsin sa tapat niya. ‘’Delsin, huwag kang mag-alala ha? Tutulungan naman kita sa problema mo.’’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD