Kahit na sinabi na ni Cynthia kay Delsin na hindi niya sasabihin kay Selena ang problema ni Delsin ay hindi niya na nakayanan pang itago iyon sa kaibigan niya. Alam niyang magagalit si Delsin pero kailangan na kasi ng tulong ni Delsin eh.
Ngayon ay tinatawagan niya si Selena. Sa pangalawang ring ng cellphone ay sumagot ang kaibigan niya sa kanya. Sa una ay kinakabahan siya pero kinaya naman niya. Huminga siyang malalim bago nagsalita.
‘’Hmm. Selena, pwede ba tayong mag-usap? Kahit sa malapit na coffee shop na lang near you. May gusto lang sana akong i-discuss sa iyo,’’ medyo nahihiyang sabi ni Cynthia kay Selena.
‘’Ah, medyo marami akong meetings ngayon pero I can move them naman this afternoon. Tungkol saan ba ang problema natin?’’ nagtatakang tanong naman ni Selena kay Cynthia.
‘’Ah, naku. Kung busy ka naman ngayon, mabuting saka na lang tayo mag-usap. Hayaan mo na ako, hindi naman gaanong importante ýong sasabihin ko sa iyo eh. That can wait,’’ sabi ni Cynthia, nahihiya pa rin.
‘’Ay, naku. Huwag ka nang mahiya pa sa akin. Ayos lang talaga. At saka, mukhang may problema talaga eh. Halata kaya sa boses mo. Sige, I’ll meet you there na lang. Siguro, mga 10 AM? Okay na ýon sa iyo? May aasikasuhin lang ako rito,’’ sabi ni Selena, alalang-alala siya sa kanyang kaibigan.
‘’Sigurado k aba dyan, ha? I mean, maaabala talaga kita eh,’’ sabi ni Cynthia.
‘’Oo nga. Sigurado ako. Oh sige na. See you later na lang ha?’’ sagot naman ni Selena pagkatapos ay binaba na ang tawag ni Cynthia sa kanya.
Pagkatapos ng tawag na iyon ay inasikaso na ni Selena ang mga paper works pagkatapos ay nagpaalam na si Selena kina Ray at Delsin.
‘’Oh, may pupuntahan lang ako ha? Kakausapin ko si Cynthia. May kailangan daw siya sa akin eh. Kayo muna rito, ha? Hayaan niyo, babalik naman agad ako,’’ paalam ni Selena roon sa dalawa.
Dahil sa pagtataka, hindi napigilan ni Delsin na magtanong kay Selena. Baka kasi mamaya, tungkol ito sa kanya eh ang pagka-alala niya ay sinabihan niya si Cynthia na huwag sasabihin kay Selena ang tungkol kay Boyong. Todo dasal si Delsin na iba ang dahilan kung bakit mag-uusap ‘yong dalawa.
‘’Bakit po kayo mag-uusap ni Maám Cynthia? May problema po ba?’’ natatakot na tanong ni Delsin kay Selena.
‘’Ay, naku. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Basta daw, may sasabihin siya sa akin. Hayaan mo, mamaya ay sasabihin ko sa iyo kapag pwede kong sabihin,’’ sagot naman ni Selena kay Delsin, pagkatapos noon ay umalis na siya.
Hindi naman napigilan ni Ray ang kanyang sarili. Inis na inis siya kay Delsin dahil talagang tinanong pa nito si Maám Selena kung bakit siya kakausapin ni Maám Cynthia. Hindi siya sanay na tinatanong ng kapwa niya empleyado kung ano ang gagawin ng boss nila. Para sa kanya, kabastusan ang ginawa ni Delsin kaya pagsasabihan niya ito.
‘’Delsin, ano ka ba naman? Bakit mo naman tinatanong pa kay Maám Selena kung bakit sila mag-uusap ni Maám Cynthia? Sa tingin mo, tamang magtanong ng ganoon kay Ma’am?’’ inis na inis si Ray, halata sa tono kung paano niya pagsalitaan si Delsin.
‘’A-Ah, eh wala naman akong ibigsabihin sa tanong ko. Kaya lang naman ako nagtanong ay dahil-‘’ natigil si Delsin sa pagsasalita nang biglang sumagot na si Ray sa kanya.
‘’Kahit na kailan ay wala pang gumawa niyan kay Maám Selena. Oo, alam kong dati mong boss si Maám Cynthia, pero, parang wala ka naman yatang karapatan na tanungin ang bago mong boss nang ganyan. Ano? Close na kayo? Bestfriends ba kayo?’’ inis pa rin si Ray nang sabihin niya iyon kay Delsin.
‘’Oo, alam ko naman ang pwesto ko. Maniwala ka, hindi naman talaga ako nangingialam sa kanila. May kailangan lang kasi akong malaman. Basta, hayaan mo na itong sinasabi ko sa iyo ngayon,’’ sagot naman ni Delsin, medyo natatakot siya kay Ray dahil mukhang isa ito sa magiging problema niya pagtagal.
‘’Kahit na may gusto ka pang malaman. Kapag ganyan, dapat alam mo rin ang lugar mo. Wala kang karapatan na magtanong. Wala tayong karapatan na magtanong. Boss natin siya, tauhan lang niya tayo. Kung ano man ang mga personal na bagay niya, labas tayo roon,’’ sabi pa ni Ray, pinagsasabihan niya si Delsin nang mabuti.
Biglang natauhan si Delsin at na-realize niya na kahit paano ay tama nga naman si Ray sa sinasabi nito sa kanya. Hindi nga siya dapat nagtatanong kay Maám Selena nang mga bagay-bagay. Hindi sila parehas ni Maám Cynthia na handing sabihin ang lahat sa kanya at walang tinatago. Doon niya lang naisip na nasa bagong trabaho na nga pala talaga siya at wala na sa poder ni Maám Cynthia.
‘’Oo nga, pasensya ka na sa nagawa ko, Ray. Tama ka, hindi nga dapat ako magtanong kay Maám Selena ng mga personal na bagay. Kung sasabihin niya, sasabihin niya. Kung kailangan niya ng tulong natin, tatawagan niya tayo, hindi ba?’’ paghingi ng paumanhin ni Delsin kay Ray.
‘’Huwag kang mag-alala, ayos na iyon. Huwag mo na lang uulitin, ha? O sige na, mag-trabaho na tayo. Marami pa tayong kailangan gawin saka marami rin tayong customer, e. Tara na,’’ sabi naman ni Ray, ngayon ay mukhang hindi na siya galit kay Delsin dahil nakangiti na ito sa kanya.
Tumango na lang si Delsin bilang tugon at nag-trabaho na muli. Hindi na lang niya inisip kung ano man ang pag-uusapan nina Maám Selena at Maám Cynthia. Sabi nga ni Ray, hindi naman niya kailangang malaman ang mga bagay-bagay.
Sa kabilang banda naman ay dumating na si Selna sa coffee shop. Nakaupo na roon si Cynthia, hinihintay siya. Agad siyang umupo sa tabi nito at nagsalita.
‘’Oh, anong problema? Bakit mo ako pinapunta rito? May kailangan ka ba, Cynthia?’’ may pag-aalalang sabi ni Selena kay Cynthia.
‘’Ah, eh tungkol ito kay Delsin. Gusto ko sannag tulungan natin siya sa mga bagay-bagay sa buhay niya. Ikaw na ang amo niya, kaya dapat lang ay alam mo rin ang mga nangyayari sa kanya. Alam kong magagalit siya sa akin kapag nalaman niyang alam mo na, pero wala eh. Kailangan mong malaman ito,’’ sabi naman ni Cynthia.