Chapter 86

1110 Words
Kinabukasan ay tumawag agad si Nessa kay Boyong para sabihin dito na nakausap na nito si Delsin. Medyo magsisinungaling siya kay Boyong para hindi na sila mag-away pa. Gagawa na lang siya ng paraan. ‘’Boyong, nakausap ko na pala si Delsin tungkol sa kaso mo. Ang sabi naman niya, titingnan daw niya kung paano ka niya tutulungan. Saka, pasensya ka na raw kung hindi ka niya nadadalaw sa ngayon kasi sobrang busy niya raw sa bago niyang trabaho, e.’’ Dahil sa sinabi ni Nessa na iyon ay nainis si Boyong. Alam na niya na ganoon nga ang gagawin ni Delsin sa kanya. Ramdam na niya na mangyayari iyon kaya hinanda na niya ang sarili niya. ‘’Titingnan pa lang niya kung matutulungan niya ako? Aba! Ang tagal na noon ah. Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya naaayos? Aayusin ba talaga niya o nagdadahilan lang siua dahil alam niyang nandito ako sa loob ng kulungan at wala akong magagawa sa kanya?’’ inis na sagot ni Boyong. Napahinga nang malalim si Nessa dahil sa sinabi ni Boyong sa kanya. Kailangan na niyang gumawa ng paraan para hindi na lumala pa ang sitwasyon. Kailangan niyang tulungan si Boyong, Delsin at Nanay Ising dahil ayaw niya ng gulo. ‘’Ano ka ba naman? Syempre, tutulungan ka noon. Anong sinasabi mo dyan? Parang hindi mo naman kilala si Delsin. Siya na kaya ang-‘’ natigil si Nessa sa kanyang sinasabi dahil may sinagot agad si Boyong sa kanya. ‘’Siguraduhin mo lang talaga Nessa na tutulungan ako ni Delsin ah. Naku, kapag hindi niya ako tinulungan ay yari talaga siya sa akin. Hindi niya pa ako kilala. Kahit nandito ako sa loob ng kulungan ay kaya kong may gawin sa nanay niya. Subukan niya lang talaga ako,’’ galit na galit na sabi ni Boyong kay Nessa. ‘’Ano ba naman ýang sinasabi mo eh hindi naman niya sinabing hindi ka niya tutulungan di ba? Ang sabi niya, titingnan niya kung paano ka niya matutulungan. Boyong naman, magdahan-dahan ka sa desisyon mo. Masasaktan mo si Nanay Ising at Delsin kapag ganyan kang mag-isip,’’ sabi ni Nessa, kinakabahan na siya kay Boyong dahil sa mga sinasabi nito sa kanya. ‘’Eh bakit kasi ang tagal-tagal ha? Alam kong pinsan ko siya ha, pero huwag niyang uubusin ang pasensya ko. Talagang hindi niya magugustuhan ang gagawin ko. Oh teka, baka naman nag-uusap kayo ni Delsin at sinasabihan mo siya na patagalin ang kaso ko? Ano? Nakikipag-kuntyaba ka na bas a kanya? Sa kanya ka na kampi at hindi sa akin? Ganoon ba, Nessa?’’ galit pa rin si Boyong nang sabihin niya iyon. Lalo nang kinabahan si Nessa dahil sa sinasabi ni Boyong. Mas nakakatakot na siya ngayon dahil kung anu-ano na ang sinasabi nito. Dati naman, maayos sila ni Delsin pero ngayon ay sobra ang galit ni Boyong sa kanyang pinsan. ‘’Haynaku naman Boyong, kung anu-ano na ang naiisip mo. Siguro, kung anu-ano na ang nangyayari sa iyo dyan sa loob ng kulungan kaya ganyan ka na mag-isip. Ayusin mo nga ang sarili mo. Hindi ako nakikipag-kuntyaba kay Delsin. Kahit kailan, hindi mangyayari iyon,’’ sagot naman ni Nessa, ginawa niya ang lahat para hindi maghalata si Boyong sa kanya. ‘’Siguraduhin mo lang, Nessa. Dahil sa oras na malaman kong may ginagawa ka na hindi ko alam o di kaya ay kinakalaban mo ako eh tinitiyak ko na makakatikim ka rin sa akin. Akala mo, hindi ka kasali? Isasali kita oras na lokohin mo ako,’’ desidido si Boyong sa desisyon niya na lalong nagpatakot kay Nessa. ‘’Haynaku. Sige na. Dyan ka na nga,’’ iyon na lang ang nasagot ni Nessa kay Boyong dahil sa takot at binaba na niya ang tawag. Pagkababa ni Nessa ng tawag na iyon ay lumapit agad siya kay Nanay Ising. Hindi niya alam sa kanyang sarili kung bakit bigla na lang siyang umiyak at niyakap niya ang matanda. Siguro, dahil na rin sa takot na nararamdaman niya kaya niya nagawa iyon. ‘’Oh, bakit mo naman ako niyakap? May problema ka ba? May nangyari bang hindi maganda kay Delsin?’’ nagtatakang tanong ni Nanay Ising kay Nessa, hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ideya kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya at sa kanyang anak. ‘’A-Ah, eh wala naman po, Nanay Ising. May nakausap po kasi akong kaibigan ko. Medyo nagkaroon po siya ng problema kaya naman po nadala ako sa emosyon ko. Hayaan niyo na lang po ako. Titigil din naman po ito,’’ pagsisinungaling ni Nessa kay Nanay Ising. ‘’Ay naku, akala ko naman ay may nangyari nang masama sa anak ko kaya ka naiyak dyan. Dahil lang pala sa kaibigan mo kaya ka umiyak.  Eh, ano na baa ng balita? Tumawag na ba siya sa iyo? Kumusta na daw ang anak ko?’’ may pag-aalala sa tanong ni Nanay Ising. Napalunok naman si Nessa sa gulat dahil sa tinanong ni Nanay Ising sa kanya pero sinubukan naman niya na huwag nang ipahalata kay Nanay Ising na may problema kay Delsin. Ngumiti na lang siya sa matanda kaya hindi nito napansin ang problema sa mukha ni Nessa. ‘’Ah, iyon po. Ayos naman po siya. Kinakamusta nga po niya kayo eh. Nagpadala rin po siya ng sahod niya nitong nakaraan kaya nakabili po ako ng mga gamot ninyo. Marami lang po siyang inaasikaso noong araw na iyon kaya hindi niyo nap o siya nakausap pa,’’ sagot naman ni Nessa, todo ngiti siya roon sa matanda. ‘’Ay naku, sa susunod ay ipakausap mo na siya sa akin ah. Gustong-gusto ko nang marinig ang boses ng anak ko. Ang tagal ko na kasing hindi siya naririnig eh.  Kapag tumawag ulit siya sa iyo, sabihin moa gad sa akin at ako agad ang ipa-kausap mo ah,’’ hiling ni Nanay Ising kay Nessa. ‘’Oo naman po. Gagawin ko iyon. Hayaan niyo po, kapag nakausap ko ulit siya ay sa inyo ko po unang ibibigay ang cellphone ko. Makakausap niyo rin po siya sa susunod. Oh sige na po, magpahinga po muna kayo para may lakas po kayo bukas,’’ sabi ni Nessa, pagkatapos ay tumayo na siya at umalis. Hindi niya maisip kung ano ang dapat na gawin. Sino nga ba ang tama at mali? Kailangan ba talaga ay tulungan niya ang tatlo o may panigan lang siya na isa? Hindi niya alam. Sobrang nahihirapan na siya sa sitwasyon. Naiipit siya roon sa tatlo eh.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD