Busy na si Delsin sa mga gawain sa motel. Araw-araw siyang masigasig sa trabaho. Kung minsan nga ay inis na si Ray sa kanya dahil doon pero hindi lang pinapakita ni Ray sapagkat ayaw niyang ipakita kay Maám Selena iyon. Maaari pa siyang mawalan ng trabaho oras na inaway niya ang isa sa mga empleyado roon.
Dahil sa busy nga siya ay hindi na niya nahawakan pa ang phone niya. Tumatawag si Ate Nessa sa kanya pero hindi niya iyon nasagot. Nang matapos ang kanyang trabaho ay nakita niya ang napakaraming tawag ni Ate Nessa sa kanya kaya tumawag agad siya rito.
‘’Hello, Ate Nessa. Bakit po kayo napatawag? May nangyari po ba kay Nanay Ising kaya po kayo napatawag?’’ nag-aalala si Delsin noon.
‘’A-Ah, eh okay naman siya. Kaya lang naman ako napatawag eh may gusto sana akong itanong sa iyo tungkol kay Boyong. Sana ay hindi mo naman masamain ang tanong ko, ha?’’ nanginginig ang boses ni Nessa nang sabihin niya iyon.
‘’Oh, ano naman ang tungkol kay Boyong? May naging problem aba siya sa kulungan na hindi ko alam? Sabihin mo sa akin, Ate Nessa. Baka makatulong ako sa kanya,’’ sagot naman ni Delsin, wala pa siyang ideya kung ano ba talaga ang nangyayari.
‘’Ah, eh kasi gusto ko lang naman malaman kung tutulungan mo pa rin si Boyong na makalabas sa kulungan? Hindi ka na raw kasi nagpapakita sa kanya dyan, kaya pinatanong ka niya sa akin. Gusto ko lang din malaman,’’ nahihiyang sabi ni Nessa kay Delsin.
Natahimik naman si Delsin dahil alam niya sa sariling hindi na niya matutulungan pa si Boyong dahil nakausap na niya si Oryang tungkol dito at hindi nga pumayag ito sa gusto niya.
‘’Ah, eh tungkol doon, baka kasi hindi ko na siya matulungan. Kinausap ko na kasi si Oryang pero ayaw niyang pumayag sa gusto ko eh, pero gagawin ko naman ang lahat para matulungan siya. Huwag kang mag-alala, sabihin mo sa kanya na gagawin ko ang lahat para maayos ito,’’ sabi ni Delsin, nahihiya pa rin siya kay Ate Nessa niya.
‘’Ah, ganoon ba? Sige, ako na ang bahalang magsabi kay Boyong niyan. Hayaan mo, maiintindihan naman ni Boyong iyon,’’ sabi ni Nessa pagkatapos ay binaba na niya ang tawag.
Pagbaba ng cellphone ni Nessa ay kinakabahan na siya dahil alam niya na ang pwedeng mangyari dahil sa nalaman niya. Natatakot siya dahil pwedeng gawin nga ni Boyong ang sinabi niya. Mapapahamak si Nanay Ising kapag sinabi niya kay Boyong na hindi na siya tutulungan pa ni Delsin.
Kahit mahirap sa part niya ay gagawin ni Nessa ang lahat para ma-protektahan si Delsin, Boyong at Nanay Ising. Ayaw naman niya na mag-away away sila dahil lang doon. Isa pa, pwede rin na mapahamak si Boyong dahil sa mga desisyon niya na bigla-bigla na lang niyang ginagawa.
Dahil sa takot niya sa pagtawag ni Nessa sa kanya ay tinawagan agad ni Delsin si Cynthia para kausapin ito nang masinsinan. Nagpaalam siya kay Maám Selena na lalabas mina siya para kitain si Maám Cynthia. Sa awa ng Diyos, pumayag naman ito sa gusto ni Delsin.
Pagdating ni Delsin sa coffee shop kung saan sila magkikita ay nanginginig si Delsin sa takot dahil hindi niya pa rin alam ngayon kung paano kakausapin si Boyong tungkol sa kaso niya. Kailangan niya ng tulong ni Maám Cynthia para matapos na ang problema niya. Alam niyang nakakahiya para sa part niya, pero iniisip na lang niya na kailangan niyang gawin iyon para kay Nanay Ising.
Umupo agad si Delsin nang magkita sila ni Maám Cynthia sa coffee shop. Kitang-kita ang pagiging worried ni Maám Cynthia kay Delsin, halat rin naman kasi na may problema si Delsin, hindi na niya ito naitago pa kay Maám Cynthia.
‘’Oh, Delsin. Anong problema? Napatawag ka sa akin. Anong nangyari, ha? Sige, maupo ka,’’ sabi ni Cynthia kay Delsin.
‘’Maám Cynthia, may problema kasi ako kay Boyong. Hindi ko na po alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Naghihintay po kasi siya na tulungan ko siya eh hindi ko naman na po magagawa iyon dahil hindi nga po pumayag si Oryang, di po ba? Ngayon po, ano pong sasabihin ko sa kanya? Matutulungan pa po ba natin siya sa problema niya o hindi na?’’ nag-aalala si Delsin habang sinasabi niya iyon.
Nagulat naman si Cynthia dahil sa sinabi ni Boyong sa kanya. Akala kasi niya ay tapos na iyon at naayos na niya, pero hindi pa pala. Nakalimutan na niyang ayusin iyon dahil sa sobrang dami ng problema nitong mga nakaraang araw.
‘’Pasensya ka na kung hindi ko na nabalikan ang problemang iyan. Nawala sa isip ko. Hayaan mo, gagawa akong paraan para maayos. Kahit na ayaw ni Oryang na iurong ang kaso, gagawa ako ng paraan. Ako ang kakausap kay Oryang,’’ sabi ni Cynthia kay Delsin, medyo worried siya dahil sa sitwasyon.
‘’Ayos lang naman po sa akin kung hindi niyo naayos agad. Alam ko naman pong busy kayong tao. Sa totoo nga po niyan ay hindi niyo nga problema ito pero tinutulungan niyo po ako. Sa ating dalawa po, ako ang dapat mahiya kasi pinapasa ko na naman po ang problema ko sa inyo, Maám.’’
Napailing si Cynthia dahil sa sinabi ni Delsin. Alam naman nilang pareho na willing talagang tumulong si Maám Cynthia kahit na ano pa ang mangyari.
‘’Naku, wala naman iyon sa akin. As long as I can help you. Gagawin ko ang lahat. Mabuti kang tao simula pa noon hanggang ngayon. Wala namang problema doon,’’ sabi pa ni Cynthia.
‘’Maraming salamat po talaga dahil tinulungan niyo po ako. Oh, sige nap o. Aalis na po ako at baka hinahanap na po ako ni Maám Selena eh,’’ paalam ni Delsin, aalis n asana siya pero may sinabi pa si Cynthia sa kanya.
‘’Ah, pwede ko rin palang sabihin kay Selena ito. Alam ko, matutulungan naman niya tayo. Marami namang connections iyon eh,’’ sabi ni Cynthia na kinagulat naman ni Delsin.
‘’Naku, eh huwag na po. Nakakahiya na po sa inyo ni Maám Selena kung mangyayari pa po iyon. Sana po, huwag niyo na sabihin kay Maám Selena ah. Ayaw ko na po siyang madamay sa gulo eh,’’ sabi naman ni Delsin pagkatapos ay naglakad na siya paalis sa coffee shop.
Napagtanto ni Cynthia na hindi na nga niya dapat pakialamanan pa ang naging desisyon ni Delsin. Tutulungan niya na lang ito kay Boyong, pagkatapos noon ay tapos na. Hindi na niya sasabihin pa kay Selena kung anong problema ni Delsin dahil kung may magsasabi man noon ay dapat si Delsin iyon, problema niya iyon at hindi naman kay Cynthia.