Chapter 84

1209 Words
Masayang umuwi si Cynthia sa bahay niya. Agad niyang tinawagan si Tonyo para ibalita kung ano na talaga ang nangyari kay Delsin. Alam niyang mabubunutan ng tinik ang kanyang kaibigan kapag sinabi niya iyon at mapapatawad na nila ang isa’t isa. ‘’Tonyo, may sasabihin ako sa iyo na tiyak ay ikakatuwa mo,’’ sabi ni Cynthia over the phone. ‘’Oh? Ano naman iyon?’’ tanong ni Tonyo, halata mong stressed na siya dahil sa kung paano niya sagutin si Cynthia. ‘’Oh, huwag ka nang mainis dyan. Talagang matutuwa ka rito sa sasabihin ko sa iyo.’’ ‘’Eh ano nga kasi iyon, ha? Sabihin mo na kasi.’’ ‘’Ito na nga, gusto ko lang naman sabihin sa iyo na nakita ko na si Delsin. Nasa mabuti siyang kalagayan kaya hindi na natin gaanong kailangan pa na isipin siya. Nasa motel siya ng kaibigan ko, doon siya nagta-trabaho sa ngayon,’’ kwento ni Cynthia kay Tonyo. Hindi naman agad nakapagsalita si Tonyo dahil nagulat din siya sa kanyang nalaman. Sobrang saya niya dahil nalaman niyang ayos naman pala ang kalagayan ni Delsin. ‘’Buti naman at okay na siya. Hindi mo na ako kukulitin at sisisihin dahil sa pagkawala niya. Anong sabi niya sa iyo? Kumusta na raw siya?’’ sagot naman ni Tonyo. ‘’Naku, eh pasensya ka na sa akin at nagalit ako sa iyo noon. Hayaan mo na. Ayos na ako dahil nalaman kong okay naman na siya. ‘Yon, ang sabi niya ay nakita daw siya ng kaibigan kong si Selena pagkatapos ay in-offeran siya na mag-trabaho roon sa motel niya. Pumayag naman si Delsin, kaya roon na siya magta-trabaho ngayon,’’ sabi ni Cynthia. ‘’Buti naman, sasama ako sa iyo roon kapag pupunta ka na sa kanya ah? Pwede naman, ano?’’ sabi ni Tonyo. ‘’Oo naman. Walang problema roon. Sige na, magpapahinga muna ako. At least, alam na natin ngayon na nasa maayos siyang kalagayan,’’ nakangiti si Cynthia kahit na hindi naman kita ni Tonyo na nakangiti siya. ‘’Oh sige na, magpahinga ka na at may gagawin pa kami ni Aling Miling dito,’’ paalam ni Tonyo pagkatapos ay binaba na niya ang tawag. Pagbaba niya noong tawag ay hindi niya napigilan na hindi umiyak dahil sa kanyang nalaman. Ilang araw na kasi siayng nag-iisip at kung minsan ay sinisisi niya na ang kanyang sarili kung bakit umalis si Delsin sa poder nila. Noong malaman niya na okay naman pala ito eh parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Sa kabilang banda ay nagkita sina Boyong at Oryang sa kulungan.. Kinausap ni Oryang si Boyong at parang niloko-loko pa niya ito tungkol kay Delsin. ‘’Hoy, mukhang hindi ka na dinadalaw ni Delsin? Baka nakalimutan ka na noon. O di kaya, wala na talaga siyang balak na puntahan ka rito kahit na kailan. Ilang araw na rin kasi ang nakalipas eh,’’ pang-aasar ni Oryang kay Boyong. ‘’Wow, ang lakas mong magsalita sa akin ah? Parehas lang naman tayo. Hindi ka na rin naman pinupuntahan ng asawa mo. Isang beses ka lang pinuntahan noon, pagkatapos ay hindi na ulit. ‘Yon baa ng tunay na asawa, ha?’’ pang-aasar pabalik ni Boyong kay Oryang. ‘’Hoy, wala kang pakialam kung hindi ako pinupuntahan ng asawa ko. Problema ko na iyon, hindi mo na dapat pa sinasabi sa akin iyan!’’ galit na galit si Oryang kay Boyong dahil sa sinabi nito tungkol kay Alexis. ‘’Eh di dapat eh wala ka ring pakialam kung sino ang mga nadalaw sa akin! Ganoon lang ýon,’’ sagot ni Boyong. Dahil napansin sila ng pulis na nagbabantay sa kanila ay tumigil silang dalawa, pero kung hindi pa iyon ginawa noong pulis ay hindi pa rin sila titigil sa pag-aaway na dalawa. Dahil sa nangyari ay nag-isip nang nag-isip si Boyong sa sinabi ni Oryang. Ano nga ba ang gagawin niya kapag hindi na nagpakita sa kanya ang kanyang pinsan? Hindi ba’t pinangako nito na tutulong si Maám Cynthia sa kanila? Napa-isip si Boyong kung bakit tila nawala na nga ang kanyang pinsan. Dahil sa labis na pag-iisip ay hindi niya napigilan na hindi kausapin si Nessa. Nagkabakasakali siya na alam ni Nessa kung nasaan si Delsin ngayon. Tumawag siya kay Nessa. ‘’Oh, Boyong. Anong nangyari? Bakit ka napatawag sa akin?’’ nagtataka si Nessa. ‘’Nessa, may itatanong ako sa iyo. Sagutin mo lang ako nang totoo, ah.’’ ‘’Oh, anong problema? Ano ýong tanong mo?’’ nagtataka pa rin si Nessa nang sinagot niya iyon. ‘’Tinawagan ka ba ni Delsin tungkol sa akin? Ang sabi kasi niya sa akin noon ay tutulungan niya ako sa paglaya ko. Medyo matagal na iyon kaya napapa-isip na ako kung tutulungan niya pa ba ako o hindi na. Mukhang niloloko niya ako eh,’’ kwento pa ni Boyong kay Nessa. ‘’Naku, hindi ka naman niloloko noon. Tinawagan niya ako dati eh. Sabi nga niya, tutulungan ka raw niya sa paglaya mo. Huwag kang mag-alala. Totoo naman ang sinasabi ni Delsin, huwag ka ngang mag-isip nang negatibo dyan,’’ sagot naman ni Nessa. ‘’Naku, siguraduhin lang niya at kapag nalaman ko na niloloko niya ako eh yari ang nanay niya sa akin kahit na nasa kulungan ako,’’ matapang na sabi ni Boyong na kinagulat naman ni Nessa. ‘’Diyos ko. Ano ka ba naman? Huwag ka ngang magsasabi nang ganyan. Alam naman natin parehas na maayos na tao si Delsin at tutuparin niya kung ano man ang sinabi niya. Ang mahalaga lang sa ngayon ay tayo eh maghintay. Baka busy sa trabaho kaya hindi ka pa nababalikan dyan,’’ sabi ni Nessa, todo siya sa pagtatanggol kay Delsin. ‘’Siguraduhin niya lang. Hindi niya magugustuhan ang ganti ko oras na hindi niya tinupad iyon. Kahit na pinsan ko siya, makakagawa ako ng kasalanan sa kanya dahil sa hindi niya pagtupad sa pangako. Bantayan mo siya, Nessa. Ikaw lang ang mapapagkatiwalaan ko dyan sa labas. Gawin moa ng lahat para malaman mo kung ginagawa ba niya ang sinabi niya o niloloko niya lang ako, ha?’’ Bigla namang natakot si Nessa dahil sa sinabi ni Boyong sa kanya. Hindi siya makapaniwala na kayang gawin iyon ni Boyong sa sarili niyang pinsan. Hindi lubos maisip ni Nessa na si Boyong talaga ang kausap niya ngayon. Sobrang laki kasi nang pagbabago nito, lalo na sa pananalita niya. ‘’Oo, ako na ang bahala sa kanya dito sa labas. Basta, hintayin mo at tutulungan ka rin noon. Oh sige na, may gagawin pa ako eh. Sa susunod na ulit tayo mag-usap,’’ paalam na ni Nessa kay Boyong dahil hindi na niya talaga kaya pa. Boyong? Ano na ang nangyayari sa iyo dyan sa loob ng kulungan? Hindi ka naman ganyan dati ah. Mas pipiliin mo nang gumawa ng mali para makamit ang hustisya? Kailan ka pa naging ganyan? Nakakatakot ka na. Hindi na ikaw ang Boyong na nakilala ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD