Nagmamadali si Delsin na maglakad papasok sa trabaho. Pagpasok niya ay nakita siya ni Beverly, seryoso siyang tiningnan nito at tumingin naman siya pabalik na para bang humihingi siya ng paumanhin dahil hindi siya maagang nakapasok. Hindi muna kinausap ni Beverly si Delsin tungkol doon. Hinayaan niya muna na makapagtrabaho ito. Tinulungan siya ni Tonyo sa mga customers at sumunod naman siya rito. Ilang oras ang nakalipas ay dumating na ang hinihintay ni Delsin. Hindi siya mapakali, para bang gusto na lang niyang magpakain sa lupa dahil sa sobrang hiya niya kay Beverly. “Pinapapunta ka ni Ma’am Beverly sa loob ng opisina niya, bilisan mo. Mukhang importante iyon,” sabi ni Tonyo sa kanya. “A-Ah, ganoon ba? Sige, salamat.” Nagmabilis siyang mag-ayos ng kanyang sarili at kumatok na sa lo

