Pag-uwi ni Delsin sa bahay ay hindi na naman niya mapigilan na hindi mag-kwento kay Boyong tungkol kay Beverly. Kaya si Boyong, irita na sa kanyang pinsan dahil ayaw nga niyang umasa ito sa amo niya. “Sabi ni Tonyo sa akin, marami na siyang manliligaw. Pero ayos lang naman sa akin kasi hindi ko naman siya liligawan. Ayos na ako sa nakikita ko siya araw-araw, di ba, pinsan?” sabi pa ni Delsin na tuwang-tuwa. “Sigurado ka ba dyan, pinsan? Paano kung mahalata niya na gusto mo siya? Anong gagawin mo? Baka paalisin ka noon, di ba sabi ni Tonyo eh masama naman daw talaga ang ugali noon?” sagot naman ni Boyong, nagkukunwari na may paki siya pero wala naman talaga. “Syempre, hindi ko naman ipapahalata sa kanya kasi nakakahiya, ‘no. Saka, alam ko naman sa sarili ko na hanggang dito lang talaga a

