Naging maayos naman ang unang buwan ni Delsin sa spa salon. Simula noong kinausap na siya ni Beverly tungkol sa pagiging late nito sa trabaho ay hindi na siya nahuli pa. Minsan, napapagsabihan pa rin naman siya ni Beverly pero dahil na lang iyon sa mga malilit na bagay na kaya namang i-handle ni Delsin. Ngayong araw ang kanilang swelduhan at isa-isa na silang tinawag ng Ma’am Beverly nila. Nauna si Tonyo kaysa kay Delsin na pumasok sa opisina ng boss nila. “Oh Delsin, tawag ka na sa loob ni Ma’am Beverly. Kunin mo na ang sweldo mo,” sabi ni Tonyo kay Delsin. “Ah, sige. Susunod na ako. Maraming salamat,” nakangiting sagot ni Delsin at inayos na ang kanyang sarili pagpasok sa loob ng opisina ni Beverly. Pagpasok niya ay nakangiti si Beverly sa kanya. Muli na naman siyang natunaw sa mga t

