Nagising lang sa katotohanan si Delsin nang tawagin ulit siya ni Beverly. Nakatulala na kasi ito sa kagandahan ng dalaga. “Delsin, ayos ka lang ba? May problem ba?” tanong ni Beverly, naguguluhan sa nangyayari ngayon kay Delsin. “A-Ah, ayos lang naman po. Pasensya na po, Ma’am. Hindi po kasi ako sanay sa ganito. Saka, ang lamig po dito sa opisina ninyo. Pasensya na po ulit, Ma’am Beverly,” pagsisinungaling ni Delsin. “A-Ah, ganoon ba? Oh sige, umupo ka na para mapag-usapan na natin ang trabaho mo,” sabi ni Beverly na nakangiti kay Delsin, umupo naman si Delsin pagkatapos noon. Doon na nga ay napag-usapan nina Delsin at Beverly ang trabaho niya. Masaya naman si Delsin dahil may pagkaka-abalahan na siya. Isa pa, hindi na siya kukutsain pa ni Oryang na walang kwenta. Pinangako talaga niya

