Chapter 12

1222 Words
Pag-uwi nila Boyong at Delsin ay kwinento na nito ang paghanga niya kay Beverly. Nagulat naman si Boyong dahil para sa kanya ay bata pa si Boyong pagdating sa mga ganitong bagay. Ang nasa isip niya ay baka nagugulat lang si Delsin dahil iba talaga ang ganda ng mga tao sa Maynila. “Alam mo iyon, pinsan? Ang ganda niya eh, parang anghel siya noong nakita ko kanina. Nakakahiya pa nga at napatulala ako sa kanya,” maayang sabi ni Delsin. “Ano ka ba naman, Delsin? Bata ka pa naman, para isipin ang mga ganyang bagay. Isa pa, tiyak na matanda na si Ma’am Beverly kaysa sa iyo o di kaya ay may asawa na iyon, hindi niya lang pinapahalata,” sabi ni Boyong sa kanyang pinsan. “Ha? Sa ganda niyang iyon, may asawa na siya? Sa tingin ko naman ay wala pa. Mukhang ang bata niya pa para mag-asawa eh,” sabi naman ni Delsin. “Eh ganoon naman talaga dito sa maynila. Kahit may asawa ka na, mukha akng walang asawa sa sobrang dami ng gamot na iniinom ng tao para maging bata ang kanilang itsura,” kwento pa ni Boyong. “A-Ah, ganoon ba rito sa Maynila?” pag-iisip ni Delsin, hindi kasi niya matanggap na may asawa na si Beverly. “Oo, kaya sa tingin ko ay may asawa na ‘yong si Ma’am Beverly mo,” sagot naman ni Boyong. “Ah, ayos lang naman kung ganoon. Nagagandahan lang naman ako sa kanya, hindi ko naman balak na ligawan siya,” sabi ni Delsin. “Naku, huwag mo nang tangkain na manligaw pa roon. Tiyak ko na marami na siyang manliligaw kung sakali man na wala pa siyang asawa sa ngayon. Saka, bata ka pa para sa ganoong mga bagay. Unahin mo muna ang trabaho kaysa sa puso mo,” sabi ni Boyong. “Kung sabagay, tama ka. Hayaan mo na ‘yon, inspirasyon ko na lang siya sa trabaho. Hanggang doon lang iyon,” sagot naman ni Delsin at tumango si Boyong sa kanyang pinsan. Pagkaalis ni Boyong ay humiga si Delsin sa kama, hindi niya naiwasang mag-isip. Medyo nainis din siya kay Boyong dahil sa sinabi nito sa kanya. Oo, alam naman niya na wala naman talaga siyang pag-asa sa amo niya. Pero sana, hindi na lang ito nagsalita na para bang ang baba niyang tao. Dahil pagod din naman si Delsin ay naulog na lang siya. Ang importante naman para sa kanya ay naging makabuluhan ang araw na iyon. May nagawa siyang maayos para sa kanyang sarili. Ginising naman siya ni Boyong nang maluto na nito ang ulam nila panghapunan. Niyugyog pa ni Boyong ang kama dahil ayaw magising ni Delsin dahil sa sobrang pagod. “Huy, Delsin! Halika na, baka mamaya ay magalit na naman si Oryang sa iyo. Nakahain na ang pagkain natin sa labas, bumangon ka naman na dyan. Mamaya ka na matulog ulit pagkakain natin,” sabi ni Boyong. “Hmm, mauna ka na kumain, Boyong. Hindi pa naman ako gutom eh,” sabi pa ni Delsin habang nakapikit at antok na antok pa ang boses. “Naku, hindi na pwede mamaya. Ang kailangan dito sa bahay, sabay-sabay nakain. Hahanapin ka ni Alexis sa akin tapos gigisingin ka rin naman noon kaya halika na,” pangungulit ni Boyong sa kanyang pinsan. Wala nang nagawa pa si Boyong kundi tumayo na at ayusin ang kanyang higaan. Inis na inis pa ito sa kanyang pinsan dahil sa paggising nito sa kanya ngunit hindi na lang siya sumagot dahil alam niya na mag-aaway lang sila kung papatulan pa niya ito. Nang maayos na niya ang kanyang sarili ay lumabas na siya. Nakita naman niyang naghahain na si Boyong. Dahil sa inis niya rito at bagong gising pa talaga siya, hindi niya ito tinulungan sa paghahain ng pagkain. Pagkahain ni Boyong ay umupo na rin siya sa tabi ni Delsin. Gusto man tanungin ni Boyong ang kanyang pinsan kung bakit hindi siya tinulungan nito ay hindi na lang rin niya ginawa. Alam kasi niya na bagong gising ito kaya bawal pang kausapin masyado. Lumabas na rin sina Oryang at Alexis kasama ang anak nila at umupo na sa hapagkainan. Napansin ni Alexis ang itsura ni Delsin kaya nabasag ang tahimik na paligid. “Oh, Delsin. Mukhang pagod na pagod ka sab ago mong trabaho ah. Ayos ka ba doon? Wala naman bang nagiging problema?” tanong ni Alexis sa kaibigan. “Ah, wala naman. Maayos na maayos nga ang mga naging customer ko, mababait naman sila sa akin. Iyon nga lang, medyo nakakapagod talaga ang trabaho na napasukan ko. Pasensya na kayo kung natulog ako pag-uwi ko kanina,” sabi ni Delsin. “Wala namang trabaho na hindi nakakapagod, Delsin. Saka mabuti iyan at makakatulong ka na sa mga bayarin sa bahay. Mas maigi kung maaga pa lang ay makatulong ka na sa amin. Ilang araw ka na ring nakiki-kain dito, e,” pagtataray pa ni Oryang kay Delsin. “Oryang, ano na naman ba ‘yang problema m okay Delsin? Ang ayos-ayos nang usapan naming dalawa tapos sisingit ka nang ganoon? Aba, wala ka ng galang doon sa tao ah. Ayos pa ba ‘yang isip mo?” inis na sabi ni Alexis sa kanyang asawa. “Aba, masama na bang magpaalala ngayon ng mga bagay? Pinapaalala ko lang naman sa kaibigan mo ang mga dapat niyang bayaran oras nan aka-sweldo na siya sa trabaho niya, ano?” pagtataray ulit ni Oryang sa awawa niya. “Ano ka ba naman? Unang araw pa lang noong tao sa trabaho. Pinagbabayad mo na agad ng mga nagamit niya? Saka, ilang araw pa lang naman sila dito ah. Isa pa, simula naman ng nandito na sila ay sila anng abala sa bahay at sa pagluluto. Hindi ba dapat ikaw ang magpasalamat sa kanila?” sagot naman ni Alexis na lalong kinagalit ni Oryang. “Aba! Talaga namang sa kanila ka pa papanig at hindi sa asawa mo-“ natigil ang pagsasalita ni Oryang nang magsalita si Boyong sa kanilang mag-asawa. “Ano ba kayong dalawa? Itigil niyo na nga ang pag-aaway. Nasa harapan kayo ng pagkain at kitang-kita pa ng anak ninyo ang away niyo. Hindi ba kayo nahihiya?” medyo may inis na sa boses ni Boyong nang sabihin niya iyon. “Oo nga, huwag na kayong mag-away na dalawa. Nakakahiya sa anak niyo. Gusto niyo ba na nakikita niya kayong nag-aaway? Bata pa siya, baka makasanayan niya iyan at paglaki ay akalain niyang ayos lang ang magsigawan dahil nagsisigawan rin naman ang mga magulang niya.” “Isa pa, Oryang, sinabi ko na sa iyo na babayaran ko kung magkano ang magagastos ninyo sa pagtira namin ni Boyong dito hindi ba? Huwag ka mag-alala dahil tutuparin ko pa rin naman iyon. Ang kailangan mo lang ngayon ay ang maghintay sa sweldo ko. Aalis rin naman ako oras na may malipatan na ako, e.” Dahil sa sinabi ng magpinsan ay nahiya naman na ang mag-asawa. Kaya kumain na lang silang lahat at tumahimik. Hindi na rin gumana ang pagtataray ni Oryang dahil nahiya na rin siya sa kanyang anak. Naisip niya na tama nga sina Delsin at Boyong, hindi dapat naririnig ng anak nya kung ano man ang away na meron silang mag-asawa dahil nakakasira iyon sa bata.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD