Makaraan ang ilang araw ay tumawag naman si Boyong kay Nessa para sabihan na ito na alam na niya ang nangyari kay Nanay Ising. Sa huling pagkakataon ay susubukan niya kung matatakot si Nessa sa kanya. Nakailang araw na din kasi simula noong malaman niya na hindi na nakatira si Nanay Ising sa poder nila. Kaya nakaisip na siya kahit papaano ng gagawin niya para makahiganti. ‘’Nessa, kumusta ka?’’ tanong niya, seryoso ang tono. ‘’H-Ha? Bakit mo naman ako kinakamusta? Galit ka sa akin, hindi ba?’’ pagtatakang tanong ni Nessa kay Boyong. ‘’Bakit? Hindi na ba pwedeng mangamusta sa ngayon? Porket magkagalit ba tayong dalawa eh hindi na ýon pwede? Nessa naman, parang hindi mo ako kilala ah?’’ para bang nainsulto si Boyong. ‘’Oh, eh ano iyon? Bakit mo ako tinawagan? Huwag kang mag-alala, ayos l

