Napatahimik at tungo na lang si Ray sa kahihiyan pero sa loob-loob niya ay inis na inis na siya kay Delsin. Pangako niya sa sarili niya na pagkatapos noon ay gagawin niya talaga ang lahat para hindi maging maayos ang buhay ni Delsin sa trabaho. ‘’Pasensya na po sa nasabi at nagawa ko kay Delsin, Maám Selena. Hindi ko naman po gusto ýon, ýon lang po ang napapansin ko kaya nasabi ko kay Delsin,’’ sagot naman ni Ray pero inis na inis siya. ‘’Hindi ako ang dapat na hingan mo ng sorry. Si Delsin dapat ýon. Okay? Ýan, mag-sorry ka na sa kanya ngayon,’’ sabi ni Maám Selena. ‘’Sorry na, Delsin. Hindi ko naman sinasadya ang sinabi ko noong isang araw. Sorry na ha?’’ sabi ni Ray pero sa loob-loob niya ay hindi naman iyon totoo dahil ngayon ay inis na inis siya kay Delsin. ‘’Okay lang naman. Haya

