Pagbaba ni Delsin sa tawag ay agad niyang inayos ang kanyang sarili. Humarap siya sa salamin bago lumabas ng kwarto. Nakita niya na nandoon sina Alexis, Boyong at Oryang sa hapagkainan. “Oh, gising ka na pala Delsin. Tara na at kumain. Hindi kita ginising agad at alam ko naman na pagod ka sa trabaho kanina. Oo nga pala, tumawag na ba si Ate Nessa sa iyo? Okay na ba ang padala mong sweldo sa kanila?” sabi ni Boyong, umupo naman si Delsin doon para sabayan sila sa pagkain. “Oo, kakatapos lang nga noong tawag namin ni Ate Nessa. Natanggap na raw nila ang padala ko,” masayang sagot ni Delsin, nahihiya siya dahil katapat niya si Oryang. “Oh, may sweldo ka na pala. Baka naman kalimutan mong magbayad sa akin? Aba, isang buwan ka na rito ah,” pagtataray na naman ni Oryang sa kanya. “Oo, nagtir

