Sa kabilang kwarto naman ay nag-usap sina Boyong at Delsin tungkol sa sinabi ni Boyong noong nasa hapagkainan silang dalawa. Ayaw kasi ni Delsin kung ano ang narinig niya kanina galing sa kanyang pinsan. “Boyong, bakit mo naman sinabi iyon kay Oryang? Alam mo naman na kaya kong bayaran iyon, kailangan niya lang maghintay na sumweldo ako ulit,” sabi ni Delsin. “Alam ko naman, kaso lang ay ayaw ko lang na sinasabihan ka niya ng ganoon kaya ko sinabi iyon. Pinsan kita, hindi ko hahayaan na sabihan ka ng ganoon basta-basta lang,” sabi ni Boyong, seryoso siya sa kanyang sinasabi. “Kilala naman na natin si Oryang. Sanay na ako na sinasabihan niya ako ng ganoon,” sabi ni Delsin. “Hindi ka dapat masanay. Hayaan mo at ako na ang bahala doon sa dalawang libo na utang mo sa kanya,” sagot naman ni

