Chapter 21

1025 Words
Pagpasok ni Delsin ay sinalubong naman agad siya ni Tonyo. Ang sabi ni Tonyo sa kanya, hinahanap daw si Delsin ni Ma’am Beverly kaya nagmabilis naman ang binata na pumunta sa amo niya. “Wala bang sinabi si Ma’am Beverly kung bakit niya ako hinahanap? Wala naman kasi akong maalala na may problema kaming dalawa kasi ayos naman kami kahapon eh,” pagtataka ni Delsin. “H-Hindi ko alam, siguro dahil sa pagyakap mo sa kanya kahapon? ‘Yon lang naman ang nakikita ko na dahilan kung bakit gusto ka niyang ipatawag eh,” sagot naman ni Tonyo kay Delsin. “A-Ah, baka nga. Teka, papasok na ako sa loob para malaman ko na kung bakit niya ako pinapatawag. Maraming salamat,” sabi ni Delsin at nagmadali na pumunta sa opisina ni Beverly. Agad siyang kumatok sa pinto. Kabado siya pero pinipigilan niya ang sarili dahil baka mahalata iyon ni Beverly. Natgtataka siya dahil hindi naman siya pinagalitan kahapon kaya bakit pinapatawag siya ngayon? Nagpalit ba ng desisyon si Beverly at papatawan na siya ng parusa? “Pasok.” Kumatok siya at binuksan niya ang pinto. Agad siyang ngumiti nang makita niya si Beverly. Ngumiti rin naman si Beverly sa kanya bilang tugon. “Ma’am, pinapatawag niyo raw po ako? Bakit po? Kung ito po ay dahil sa-“ natigil si Delsin sa pagsasalita dahil sumagot agad si Beverly sa kanya. “Naku, ano ka ba? Hindi naman ito dahil sa nangyari kahapon eh. Umupo ka muna,” sabi ni Beverly. Kumalma na si Delsin at umupo na lang. “Pinatawag kita kasi gusto ko sanang magpamasahe sa iyo,” nakangiting sabi ni Beverly kay Delsin. “P-Po? Sa akin?” hindi makapaniwalang sabi ni Delsin. “Oo, alam ko naman kasi na magaling kang masahista kaya ikaw ang pinatawag ko. Alam mo kasi, ang sakit kasi ng likod ko. Okay lang ba sa iyo ‘yon?” sabi ni Beverly. Kinabahan si Delsin. Alam naman niya kasing babae si Beverly at lalaki siya. Baka kung anong mangyari kung siya ang magmasahe sa likod ni Beverly. “A-Ah, gusto niyo po bas i Ate Janice na lang ang magmasahe sa inyo Ma’am? Siya po kasi ang babae, mas magiging kumportable po kayo kapag siya po ang nagmasahe sa inyo,” nahihiya si Delsin pero sinubukan pa rin niyang ngumiti para hindi mahalata ni Beverly ang nararamdaman talaga niya. “B-Bakit? May problema ba kung ikaw ang magmasahe sa akin? Wala naman, hindi ba? Sige na, ikaw na lang. Hihiga na ako doon,” nakangiting sagot ni Beverly. Humiga ito sa kama na nandoon sa opisina niya. Nandoon na rin ang mga kailangan na ilagay ni Delsin sa likod niya. Hinubad na ni Beverly ang damit niya. Tila hindi siya nahihiya kay Delsin. “Sigurado po ba talaga kayo rito? Pwede naman pong tawagin ko si Ate Janice. Ma’am, naiilang po kasi ako eh,” sabi ni Delsin, umamin na sa kanyang amo kung ano talaga ang pino-problema niya. “Bakit ka ba kabado dyan ah? Dahil ba gusto mo ako, Delsin?” tanong na lalong kinagimbal ni Delsin. Paano naman niya nalaman na may nararamdaman akong ganoon sa kanya? Nahalata niya kaya sa kilos ko iyon? “Po? Ano pong gusto kita?” pagsisinungaling pa ni Delsin. “Ano ka ba, Delsin? Halata kaya sa kilos mo na gusto mo ako. Sobrang ilang ka sa akin tuwing pinapatawag kita rito. Isa pa, niyakap mo ako kahapon di ba? Ramdam ko na sobrang nahiya ka kahapon dahil sa ginawa mo,” sagot naman ni Beverly sa kanya. “H-Hindi po, Ma’am, hindi ko naman po sinasadya ‘yong kahapon. Aminado naman po ako na nagagandahan ako sa inyo pero alam ko rin naman po na mawawala rin ito pagdating ng tamang panahon. Kung ano man poi to, tatanggalin ko rin po. Pangako ko iyan sa iyo,” nahihiyang sabi ni Delsin. “Ayo slang naman iyon. Crush mo lang naman ako eh. Oh siya, masahe na. Huwag ka mag-alala, dadagdagan ko na lang ang sweldo mo para lang gawin mo ito sa akin. Please? Ang sakit na kasi talaga ng likod ko,” pagmamakaawa pa ni Beverly kay Delsin. Wala nang nagawa si Delsin kundi ang masahihin si Beverly. Nilagyan niya ng oil ang likod nito kahit na labag naman sa kalooban niya. “Okay na po ba ma’am, ‘yong ganito kadami?” nanginginig si Delsin nang tanungin niya si Beverly tungkol dito. “Oo, ayos na iyan. Sige, masahe na,” malumanay na sagot ni Beverly. At iyon na nga, minasahe na ni Delsin ang kanyang amo. Pero, may ginawa si Beverly na labis na kinagulat ni Delsin. Hindi niya rin ito nagustuhan. Paano kasi, halos ilabas na ni Beverly ang kanyang dibdib para kay Delsin. Noong una ay hindi iyon pinapansin ni Delsin pero noong tumagal na ay naging malala pa ang sitwasyon nilang dalawa. “Ma’am, kung ano man po ‘yang binabalak niyo ay huwag niyo na pong ituloy. Nirerespeto po kita at ayaw ko po ng gulo. Sige na po, ayusin niyo na po ang sarili ninyo Ma’am, huwag na po kayong gumanyan pa,” pagmamakaawa nan i Delsin. “B-Bakit? Hindi ba’t gusto mo naman ako? Kaya siguro naman ay ayos lang ito. Ang swerte mo nga dahil pinapansin kita at pinapayagan kitang makita ito,” sabi ni Beverly, ni hindi man lang nahihiya sa mga sinasabi niya kay Delsin. “Opo, Ma’am. Nagagandahan po ako sa inyo. Aminado po ako doon pero hindi naman po ako aabot sa ganito. Grabe na po iyan, hindi na po tama,” pagmamakaawa pa ulit ni Delsin. Hindi tumigil si Beverly sa pangungulit kay Delsin. Pinilit niyang ipahawak ang kanyang dibdib at doon na nagising sa katotohanan si Delsin. Agad siyang nag-ayos ng sarili bago lumabas sa opisina ng kanyang amo. Hindi naman makalabas si Beverly dahil nakahubad siya. Alam niyang magiging malaking eskandalo pa kapag pinilit niyang habulin si Delsin. “Delsin! Delsin! Ano ba? Bumalik ka rito!” sigaw niya, hindi makaalis sa pwesto niya. Agad niyang tinakpan ang dibdib niya at nagbihis siya. Sa labas naman ng opisina ay tumatakbo si Delsin palabas ng spa salon dala na ang lahat ng gamit niya. Ni hindi na nga siya natanong ni Tonyo kung ano ang nangyari. Basta, tumakbo na lang siya sa takot dahil ngayon lang iyon talaga nangyari sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD