Dahil ang dami nang nangyari kay Boyong ay naisip na lang niya na magpakamatay para matapos na ang problema niya. Wala na kasi siyang iba pang nalapitan. Walang may gusting tumulong sa kanya kaya nag-suicide na lang siya. Gulat na gulat ang iba pang nasa kulungan. Lalo na si Oryang dahil kilala niya si Boyong. Kahit magkagalit sila ay hindi pa rin niya lubos maisip na gagawin iyon ni Boyong. Matapang ang imahe ni Boyong, malakas ito at hindi magpapakain sa problema. Dahil sa nanagyari ay pumunta si Alexis sa kulungan para makita ang nangyayari doon. Takot na takot si Alexis habang papunta siya roon dahil alam niyang siya ay isa sa mga dahilan kung bakit iyon nangyari sa dating kaibigan. ‘’Alexis, si Boyong,’’ sabi ni Oryang habang kinakabahan siya. ‘’Oo, oo. Titingnan ko muna siya, ha?

