Chapter 101

1100 Words

Nagkaroon ng pag-asa si Boyong na may tutulong na sa kanya ngayon. Ngayon, sigurado na siya rito. Pagkatapos ng isang oras ay dumating na si Alexis. Pumunta muna siya sa kanyang asawa na si Oryang. Umupo silang dalawa at nag-usap. ‘’Oh, nandito ka pala. Buti naman at naisipan mo akong puntahan, ano?’’ may inis sa boses ni Oryang pero umupo pa rin siya sa tapat ni Alexis. ‘’Oo naman. Pasensya ka na sa akin kung ngayon lang ako nakabisita ulit sa iyo. Medyo busy na ako sa buhay ko sa labas. Alam mo naman, mag-isa na ako sa bahay. Kahit nandoon si Mama, ako pa rin naman ang nag-aasikaso sa anak natin eh,’’ sagot naman ni Alexis kay Oryang. ‘’Oh, baka naman may iba ka nang kasama sa labas kaya ang tagal mong bumisita,’’ sabi ni Oryang, ramdam na ramdam ni Alexis ang galit ng kanyang asawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD