Napatahimik na naman sa isang tabi si Delsin at nag-isip na naman ng paraan para malaman niya kung sino nga ba ýong kumakausap kay Oryang ngayon. Ilang minuto pa ang nakalipas ay naka-isip na siya ng paraan para malaman niya kung sino ang babae na iyon.
Lumapit muli siya roon sa nagbabantay at nagtanong.
‘’Mukhang mayaman ba ýong babae o hindi naman? Pasensya ka na, roon ko lang kasi malalaman ang sagot sa tanong ko,’’ sabi ni Delsin.
Kahit nagtataka ay ginawa pa rin noong pulis ang sinabi ni Delsin, tiningnan niyang muli ang babaeng kausap ni Oryang. Nang makumpirma na niya ay agad siyang bumalik kay Delsin.
‘’Sa nakita ko po, mukhang mayaman ang dumalaw sa kanya,’’ sagot naman noong pulis kay Delsin.
Doon na parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ni Delsin, nakumpirma na niya na si Maám Cynthia nga ang bumisita kay Oryang. Ang unang naisip niya ay ang kaibigan na si Tonyo. Paano niya sasabihin ngayon na naroon si Maám Cynthia at kausap si Oryang? Tiyak niya na mapapagalitan na sila ngayon ni Maám Cynthia. Wala na silang takas, hindi na sila makakatago pa.
Ngayon ay pupuntahan sana niya si Tonyo para sabihin na nandoon si Maám Cynthia, pero alam niya na hindi niya magagawa dahil madadaanan niya si Maám Cynthia bago niya mapuntahan si Tonyo.
Muli niyang tiningnan si Maám Cynthia sa di kalayuan, sa pagkakataon na iyon ay napansin siya ng ginang. Napaatras siya at napapikit na lang sa inis dahil sa nangyayari. Paano niya sasabihin ang lahat? Eh mukhang nakita nga talaga siya ng ginang dahil ngumiti pa ito sa kanya noong napatingin siya.
Ang hindi niya alam, tumayo pala si Maám Cynthia mula roon sa inupuan niya kasama si Oryang. Nagulat na lang si Delsin nang magkita sila ni Maám Cynthia.
‘’Oh, Delsin. Ikaw nga ýong nakita ko kanina. Akala ko, namalikmata lamang ako. Eh, halika. Puntahan natin si Oryang, kinakausap ko na kasi siya tungkol sa problema mo. Buti na lang, kakasimula lang naman namin. Hindi ka pa huli,’’ sabi ni Maám Cynthia at hinihila na paunti-unti si Delsin para makapunta sa pwesto ni Oryang.
‘’E-Eh, huwag na po. Napadaan lang naman ako rito kaya niyo po ako nakita. Ako na lang po ang kakausap kay Oryang sa mga susunod na araw,’’ kinakabahan si Delsin habang sinasabi niya iyon, pinapanalangin na lang niya n asana ay hindi mahalata ni Cynthia ang kaba na nararamdaman niya.
‘’Ano ka ba naman? Nandito na tayo eh, bakit hindi mo pa kausapin ngayon? Nandyan lang naman siyam naghihintay sa atin,’’ sabi ni Maám Cynthia, natingin pa sa gawi ni Oryang, iyon naman si Oryang sa upuan, tahimik na naghihintay pero sa loob-loob niya ay inis na rin sa nangyayari.
Wala nang nagawa pa si Delsin kundi ang sumama kay Cynthia at umupo sa lapit ni Oryang. Si Oryang naman ay nakasimangot kay Delsin, pero hindi niya pinahalata kay Maám Cynthia dahil ayaw niyang mapahiya sa ginang.
Isa pa, iniisip niya na baka si Maám Cynthia na nga rin ang makatulong sa kanya para makalabas mula ritosa kulungan na ito. Ang nasa isip niya, kung nakaya niya na lokohin si Maám Beverly noon, kaya niya rin ýon ngayon. Lagi naman niyang napapaikot ang mga tao sa paligid niya eh.
‘’Oh, Delsin. Nandito ka pala ulit, anong kailangan mo sa akin? Anong kailangan niyo sa akin?’’ sabi ni Oryang sa malumanay na boses, akala mo ay anghel dahil sa kanyang inaasta.
Eh alam naman na niya ang dahilan kung bakit nandito sa harapan niya ýong dalawa. Nagbabait-baitan nga lang talaga siya para kay Maám Cynthia, pero sa loob-loob niya ay inis na inis na siya sa dalawa.
Sa loob-loob naman ni Delsin ay inis na inis siya dahil sinabi ni Oryang iyon sa harapan ni Maám Cynthia. Kitang-kita tuloy niya ang pagbabago ng mukha ng ginang at hindi maipaliwanag ang reaksyon nito. Para bang gulat na gulat siya dahil sa sinabi ni Oryang.
‘’Pumunta ka na rito, Delsin? Akala ko, hindi pa. Sabi mo sa akin iyon ah. Bakit ngayon eh iyan ang maririnig ko?’’ may inis na pagtataka ni Maám Cynthia kay Delsin.
‘’A-Ah, eh, nahihiya po kasi ako na sabihin sa inyo na pumunta na po ako at nakausap ko na po si Oryang. Alam ko po kasing marami kayong ginagawa,’’ pagsisinungaling ni Delsin kay Maám Cynthia.
‘’Eh, naku. Bakit ka naman mahihiya? Ang pag-uusapan ba natin ay ýong pinag-usapan pa rin natin noon?’’ sabat naman ni Oryang sa kanila.
‘’Oo, sana,’’ mailing sagot ni Delsin kay Oryang.
Tumahimik nang ilang saglit si Oryang, para bang nag-iisip kung ano ang sasabihin niya sa dalawa. Kaya naman, nagkaroon ng oportunidad si Maám Cynthia para magtanong kay Delsin.
‘’Delsin, sagutin mo ang tanong ko ha. Gusto ko, ýong totoong sagot lang, ha?’’ may bait pa sa boses ni Maám Cynthia, para bang kung ano man ang maging sagot ni Delsin ngayon sa kanya ay maluwag niyang tatanggapin.
‘’O-oo naman, po. Ano po ba ýong tanong niyo, Maám Cynthia?’’ kabado si Delsin.
‘’Ano ang ginawa mo rito? Bakit ka nandito noong nakaraang araw?’’ deretsahang tanong ni Cynthia.
‘’A-Ah, iyon nga po. Pumunta ako kay Oryang para tanungin kung gusto niya ba akong tulungan sa kaso ni Boyong. Ang sabi naman po niya ay hindi kaya hindi na po ako nagsalita pa,’’ sabi naman ni Delsin.
‘’Eh bakit ka narito ulit kung umayaw na pala si Oryang noong una sa iyo na tulungan si Boyong?’’ tanong muli ni Cynthia.
‘’Susubukan ko po ulit, baka kasi nagbago na po ang ihip ng hangin at pumayag na si Oryang sa gusto ko,’’ sagot naman ni Delsin.
Hihinga na sanang malalim si Delsin dahil akala niya at tapos na ang tanong ni Maám Cynthia ngunit gulat na gulat siya nang may itanong na ito tungkol kay Tonyo.
‘’Eh, nasaan si Tonyo noong mga oras na pumunta ka rito? Sino ang nagbabantay sa kanya sa bahay niya?’’
Noong mga oras na iyon, ang gusto na lang ni Delsin ay lamunin na lang siya ng lupa dahil sa takot mula sa tanong ni Maám Cynthia. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya rito na parehas silang maliligtas ni Tonyo. Alam niya kasi na kapag nagsalita siya, may isang lulubog sa kanila ng kaibigan niya.