Chapter 73

1214 Words
Hihinga na sanang malalim si Delsin dahil akala niya at tapos na ang tanong ni Maám Cynthia ngunit gulat na gulat siya nang may itanong na ito tungkol kay Tonyo. ‘’Eh, nasaan si Tonyo noong mga oras na pumunta ka rito? Sino ang nagbabantay sa kanya sa bahay niya?’’ Noong mga oras na iyon, ang gusto na lang ni Delsin ay lamunin na lang siya ng lupa dahil sa takot mula sa tanong ni Maám Cynthia. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya rito na parehas silang maliligtas ni Tonyo. Alam niya kasi na kapag nagsalita siya, may isang lulubog sa kanila ng kaibigan niya. ‘’Ah, ýong isa po niyang kapitbahay. Si Nanay Miling, pinasamahan ko po muna siya roon,’’ pagsisinungaling ni Delsin kay Cynthia. Sa totoo lang, gusto na lang niyang maglaho ngayon dahil sa nangyayari sa kanya. Alam niya na tawa na nang tawa si Oryang sa loob-loob nito dahil sa nangyayari. Tahimik na lang si Delsin, pinapanalangin na sana ay huwag lumabas si Tonyo mula roon sa kung nasaan si Ysmael. Dahil kung mangyari iyon, katapusan na nila ni Tonyo. Sa di inaasahan ay lumabas na nga si Tonyo mula roon sa kung saan siya galling mula kay Ysmael. Tinulungan siya ng isa sa mga pulis para makalakad dahil hindi pa naman talaga okay ang paglalakad ni Tonyo. ‘’Halika na, Delsin. Tapos ko nang kausapin si Ysmael-‘’ hindi na natapos ni Tonyo ang kanyang sasabihin dahil nakita niya agad si Cynthia. Gulat na gulat silang pareho. ‘’Delsin at Tonyo. Ano ito? Niloloko niyo ako?! Bakit?!’’ galit na galit na sabi ni Cynthia sa kanila. Napanganga na lang sa gulat ang dalawa. Ni hindi na sila makagalaw sa pwesto nila. Si Oryang naman ay tawang-tawa sa nangyayari pero hindi niya ýon pinapakita sa harapan ni Cynthia. Baka kasi kapag nakita siya nito ay sa kanya naman magalit ang ginang. ‘’Ah, eh. Binisita ko lang naman si Ysmael, mare. Pasensya ka na sa akin at hindi ko agad nasabi sa iyo. Wala naman kaming ginagawang masama, talagang binisita lang namin,’’ paliwanag pa ni Tonyo, iniiwasan niya na magalit si Cynthia sa kanila ni Delsin. ‘’Halina kayo at isasama ko kayo sa bahay. Doon tayo mag-uusap,’’ seryosong sagot ni Cynthia sa kanila. Alam na alam ni Tonyo na talagang galit si Cynthia sa kanila dahil hindi ito tumingin sa kanila noong nagsalita ito. Seryoso at deretso lang siyang naglakad papunta sa kanyang kotse. Si Oryang naman ay tumayo na sa kung saan siya nakaupo. Tawang-tawa siya. Habang ýong ibang pulis na nakabantay ay tahimik lang sa tabi at nakikinig sa nangyayari. May ilan pa nga na handa nang umawat kung sakali man lumala ang tensyon sa kanila. Ang iba rin na nakakulong ay nagtitinginan dahil nga sa nangyayari. Nang makaupo na sa loob ng kotse ni Cynthia ay tahimik sina Delsin at Tonyo. Sinabihan na rin kasi ni Tonyo si Delsin na huwag na lang munang magsalita habang nasa byahe pa sila dahil alam niyang mas lalala ang inis ni Cynthia kung biglang magsasalita si Delsin. Ilang minuto pa ay nakauwi na sila sa bahay ni Cynthia. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Delsin nang bumalik siya sa bahay ng dati niyang pinagtrabahuhan. Doon niya naisip ang lahat ng nagawa niyang mali sa kanyang dating amo. Umupo na si Cynthia sa sofa, tahimik pa rin at seryoso ang mukha. Ilang minuto pa ang lumipas nang magsalita talaga si Cynthia sa kanila. Kinalma niya kasi muna ang sarili dahil ayaw niya rin naman na magalit kay Delsin dahil anak na ang turin niya rito. ‘’S-Sige, sabihin niyo sa akin kung ano talaga ang nnagyari para maintindihan ko lahat,’’ may inis sa boses ni Cynthia nang sabihin niya iyon kina Delsin at Tonyo. ‘’Mare, pinuntahan ko lang naman kasi gusto ko lang kumustahin. Ilang araw at linggo na kasi siya roon. Kawawa naman,’’ sagot ni Tonyo, ang tono niya ay awang-awa siya kay y/smael, kaya inis na inis si Cynthia sa kanya. ‘’Kawawa naman? Eh siya ba, naawa sa iyo noong binugbog ka niya? Haynaku, inaalis ko nga ang mga bagay na makakasira sa iyo tapos ngayon naman ay hinahabol mo ýon. At ikaw Delsin, bakit mo pinayagan? Saka, sabihin niyo nga sa akin ang totoo, ilang beses na ninyong dinalaw iyong si Ysmael?’’ puro tanong na si Cynthia sa kanila. ‘’Pangalawa na po naming punta roon. Ang kulit po kasi niya, e. Sinabihan ko na po iyan na huwag nang puntahan si Ysmael pero nagagalit naman sa akin kaya hindi ko po magawang hindi siya sundin,’’ sabi ni Delsin, medyo nakahinga na siyang maluwag dahil nakapagsalita na siya. ‘’Kaya ako naman ang hindi mo sinunod? Bakit? Kapag ba ako ang hindi mo sinunod ay hindi ako magagalit tulad ni Tonyo?’’ mataray na sabi ni Cynthia kay Selsin, napatahimik lang si Delsin sa isang sulok. Ilang minuto pa ang nakalipas nang sagutin siya ni Delsn dahil hindi niya talaga malaman kung ano ang sasabihin kay Cynthia. Ngayon niya lang kasi nakita ito na medyo galit sa kanya kaya nanginginig talaga siya sa takot. ‘’Hindi naman po sa ganoon. Pasensya na po talaga, Maám Cynthia. Hindi ko po dapat ginawa iyon. Nawala po tuloy ang tiwala niyo sa akin,’’ malungkot na sagot ni Delsin, hindi siya makatingin sa Maám Cynthia niya sa sobrang hiya niya rito. ‘’Cynthia, baka naman pwedeng ako na lang ang pagalitan mo at huwag na si Delsin, hindi naman niya ginusto na tulungan ako eh. Pinilit ko lang siya. Pinagalitan pa nga niya ako noong una pero ako itong hindi na talaga nakinig,’’ hiling ni Tonyo sa kanyang kaibigan. ‘’Hindi ka nakinig, dahil?’’ tanong ni Cynthia kay Tonyo. ‘’D-Dahil, puso na naman ang pinairal ko at hindi ang utak na meron ako,’’ pag-amin naman ni Tonyo. ‘’Buti alam mo. Pasensya na rin kayo kung paghihigpitan ko na kayong dalawa mula ngayon. Tonyo, pagprotekta ko lang naman sa iyo ‘to kaya ko gagawin ito. Sana maintindihan mo ako,’’ sabi ni Cynthia at nagpasya na itong lagyan ng bodyguards ang bahay ni Tonyo. Wala naman nang magawa ang dalawa dahil alam nilang galit pa sa kanila si Cynthia. Sinunod na lang nila muna ito para wala ng gulo pa ang mamagitan sa kanila. Habang nangyayari iyon ay iba ang nasa isip ni Tonyo. Ang nasa isip niya ay tutulungan pa rin niya si Ysmael kahit na ganito ang nangyari sa kanila. Hihintayin lang ni Tonyo na maging maayos na ulit ang kanilang relasyon sa isa’t isa ni Cynthia para magawa ang plano niya. Si Delsin naman ay nag-iisip nang umalis sa tabi ni Tonyo para magsimula siya ng bagong buhay. Hindi man niya alam kung saan niya makukuha iyon pero ang importante sa kanya ay mapayapa na buhay. Isa pa, alam niyang hindi na rin siya papayagan ni Maám Cynthia niya na roon ulit manirahan sa kanya, kahit pa sabihin na close si Albert at Delsin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD