Chapter 74

1127 Words
Pagkatapos ng ilang araw ay nagpaalam na si Delsin kay Tonyo. Kahit na hindi niya alam kung saan siya makikitira ay desidido na siyang umalis talaga sa bahay ng kanyang kaibigan. Kumatok siya sa pinto nito para tuluyan nang magpaalam. ‘’Tonyo, gising ka na ba? May sasabihin sana ako,’’ sabi ni Delsin. Buti na lang at gising na si Tonyo noon kaya nakasagot agad siya at pinapasok niya si Delsin sa kwarto niya. ‘’Oo, gising na ako. Pumasok ka na,’’ sabi ni Tonyo, dahan-dahang binuksan ni Delsin ang pinto para hindi siya labis na makaistorbo sa kanyang kaibigan. Agad na umupo si Delsin sa tabi ng kanyang kaibigan. Tiningnan niya ito nang matagal at saka siya muling nagsalita. ‘’Tonyo, sobra naman akong nagpapasalamat sa iyo dahil sa tulong na binigay mo sa akin. Matagal mo na rin akong kinupkop. Sobrang dami nating pinagdaanan,’’ nakangiti si Delsin pero halata mo ang lungkot sa mga mata niya. ‘’Oo, alam ko naman iyon. Bakit? May problema ba tayo na hindi ko alam? Tungkol ba ito sa-‘’ napatigil sa pagsasalita si Tonyo nang magsalita ulit si Delsin. ‘’Tonyo, gusto ko na sanang umalis sa poder mo. Hayaan mo na ako, kaya ko naman na ang sarili ko eh. Sa tingin ko kasi, sa bawat araw na kasama natin ang isa’t isa ay nahihirapan tayo sa buhay. Alam mo naman na siguro ang ibig kong sabihin, hindi ba?’’ malumanay na sabi ni Delsin. ‘’A-Ah, nahihirapan ka na sa akin? Iyon ba? Dahil sa nagalit si Cynthia sa atin dahil sa pagbisita ko kau Ysmael? Kaya mo ako iiwan?’’ may pagtataray sa boses ni Tonyo nang sabihin niya iyon. ‘’Huwag ka namang magalit sa akin. Hindi ko naman ito ginusto eh. Sadyang mukhang kailangan na lang talaga na ito na ang mangyari sa atin. Huwag kang mag-alala, dadalawin naman kita rito eh,’’ sabi na lang ni Delsin para hindi magalit nang tuluyan si Tonyo sa kanya. ‘’Hindi ako galit sa iyo, Delsin. Galit ako sa sarili ko dahil ako ang may kasalanan kung bakit iiwan mo na ako sa ere. Naiintindihan ko naman ang desisyon mo kaya lang ay kailangan mo ba talagang gawin iyan? Kung aalis ka sa poder ko, saan ka naman titira?’’ sabi ni Tonyo. ‘’Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan pa ako makikitira. Sigurado naman ako na hindi na ako pwede sa bahay ni Maám Cynthia, kaya bahala na kung saan,’’ sabi ni Delsin. ‘’Eh di, huwag ka munang umalis. Wala ka pa palang malilipatan eh. Pwede ka naman rito ah. Saka, sino na ang mag-aalaga sa akin kapag wala ka na?’’ sagot naman ni Tonyo. ‘’Eh, nandyan naman si Nanay Miling ah. Ayo slang na siya muna ang mag-alaga sa iyo. Isa pa, dadalawin naman kita kapag may oras ako,’’ sabi ni Delsin. Sa huli, walang nagawa si Tonyo kundi ang paalisin na nang tuluyan si Delsin. Ayaw naman niyang pilitin ang isang tao na ayaw na sa kanya. Tama rin naman kasi si Delsin, panay problema na lang ang binibigay ni Tonyo sa kanya at dumating na siya sa punto na hindi na niya kaya. Ano pa ang ipaglalaban niya? Eh di, bitaw na. Magkaibigan pa rin naman sila kahit na ganoon ang nangyari, e. Nang umalis na si Delsin sa bahay ni Tonyo ay hindi talaga niya alam kung saan siya makikitira pansamantala. Hindi naman niya alam kung taga saan si Mikay kaya hindi niya ito ma-text kung pwede ba na makitira muna siya sa bahay nito. Habang siya ay naglalakad ay nakita niya bigla si Alexis. Gulat na gulat ang dalawa nang magkita. Hindi alam ni Delsin kung matutuwa ba siya o kung ano ang mararamdaman niya dahil nakita niya ang dating kaibigan. Hindi na kasi niya alam kung ano na ang nararamdaman ni Alexis sa kanya. Baka mamaya, galit na pala ito dahil sa nangyari kay Oryang nang hindi niya alam. ‘’Oh, ikaw pala iyan, Delsin. Kumusta ka na? Aba, ang tagal na nating hindi nagkikita ah. Ayos ka lang ba roon sa pinagya-trabahuhan mo ngayon? Parang mayaman rin iyon ah,’’ bati ni Alexis nang makasalubong na niya nang tuluyan si Delsin. ‘’A-Ah, si Maám Cynthia ba? ‘Yong nakita mo sa mall noonhg nakaraan? Naku, hindi na ako nagta-trabaho sa kanya. Medyo nagka-problema eh. Sa katunayan niyan, naghahanap nga ako ng trabaho at matutuluyan ngayon eh,’’ sagot naman ni Delsin kay Alexis. ‘’Ah, ganoon ba? Eh sige, doon ka na lang sa amin muna tumira. Alam mo naman, nasa kulungan si Oryang,’’ may lungkot sa boses ni Alexis nang sabihin niya iyon. ‘’Ah, naku. Huwag na, nakakahiya naman sa iyo. Ayos lang naman sa akin. Ako na lang ang gagawa ng paraan para makahanap ng trabaho. May naipon naman ako dahil ayos naman ang nagging sweldo ko kay Maám Cynthia kahit na hindi ako nagtagal doon,’’ nahihiyang sagot naman ni Delsin. ‘’Ano ka ba naman, Delsin? Sa akin ka pa talaga nahiya? Parang hindi mo ako kaibigan, ah. Ayos lang naman iyon dahil wala naman si Oryang sa bahay,’’nakangiti si Alexis nang sabihin niya iyon. ‘’Ha? Eh, saan ka na ba nakatira? Hindi na ba roon sa dati?’’ nagtatakang tanong ni Delsin kay Alexis. ‘’Naku, hindi na roon. Ang daming kwento na di naman totoo ang nalabas roon kaya umalis ako. Baka kung ano pa kasi ang sabihin nila tungkol sa anak ko eh baka kung ano pa ang gawin ko sa kanila kapag nangyari iyon,’’ sabi naman ni Alexis. Nang malaman iyon ni Delsin ay ilang minuto pa niyang tiningnan si Alexis bago tuluyang sumagot. Nahihiya kasi talaga siya rito dahil alam naman niya na isa siya sa mga dahilan kung bakit nakakulong ang asawa ni Alexis. ‘’Huwag na lang, Alexis. Hayaan mo na ako. Ayos lang naman talaga para sa akin eh. Ako na lang ang gagawa ng paraan, ha?’’ sabi ni Delsin, nahihiya pa rin kay Alexis. ‘’Ah, ganito na lang Delsin. Samahan mo ako, bibigyan kita ng trabaho. May alam ako. Legal naman ito kaya walang problema. Maniwala ka lang sa akin,’’ sabi ni Alexis. Wala nang nagawa si Delsin kundi ang sumama na rin dahil kailangan naman niya talaga nang matutuluyan eh. Ang tanong lang ngayon ay kung hanggang kailan na naman siya tatagal roon sa trabaho na ibibigay ni Alexis sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD