HEIANA "E-riela... " Hindi makapaniwalang nakatitig ito sa kanya. Gulat ang ekspresyon ng mukha nito nang makita siya ni Tita Estefania. Pati naman siya ay hindi siya makapaniwala na ngayon sila magtagpo ng landas. Hindi niya inaasahan ang araw na ito. "T-tita... " Ang kaninang malambot na ekspresyon na tumingin sa binata at ang ngiti nito sa labi ay naging mabagsik na anyo at seryoso siyang tiningnan nito. Nakita niya kanina ang gulat sa mga mata nito, pero mabilis lang iyon napalitan. Napalitan ito ng galit. "Why are you here? Buhay ka pa pala. Akala ko patay ka na," malamig na tanong nito sa kanya. She deserved to be treated coldly. "T-tita Estefania..." Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin sa ginang dahil sa totoo lang na blangko ang utak niya. "Ang kapal naman ng m

