HEIANA Natigilan ang dalaga nang mapagtanto niya ang kanyang masakit na salitang sinasabi niya kay Spencer. Kailangan ba niyang saktan ito para lang mapalayo ang loob nito sa kanya? Napasandal siya sa sink at napatingala. Hinayaan ang sariling umiyak kahit sandali lang. Gusto niyang umiyak sa lahat ng nagpagdurusa niya. Kailan ba siya naging ganito kahina? Kailan ba siya magiging ganito na tao-tauhan lang sa mga taong nasa paligid niya? Hindi na niya kilala ang kanyang sarili. Hindi na siya ang dating Eriela na palaban at kayang ipaglaban ang taong mahal niya. Kung kaya lang niyang sawayin ang ama niya ay matagal na sana niyang kasama ang taong gustong-gusto niya, pero paano na ngayon? Paano niya maiiwasan ang taong matagal na niyang iniiwasan? Kahit na masakit ay kinakaya niya basta pa

