SPENCER TAHIMIK na pinagmasdan ng binata ang buong kapaligiran ng eskwelahan. Nakatayo siya sa rooftop ng gusali, kung saan malaya niyang tingman ang mga estudyanteng nagkakasiyahan, naglalaro, kakapasok lang o papalabas ng eskwelahan. Napabaling ang atensiyon niya sa gym at ang track and field, napangiti siyang napatitig doon. Noon, abot-kamay pa niya ang dalaga. Kung anu-anong pumapasok sa isipan niya tungkol dito. Ang mga memoryang kasama pa niya ang dalaga. Si Eriela lang ang nagpagulo sa mundo niya na tahimik. Akala niya’y wala na talagang nagpapasaya sa kanya. Buong buhay niya’y ginugol iya ang kanyang sarili sa negosyo at paaralan. Sa dalaga lang niya naranasan kung paano magiging masaya na walang iniisip na iba. Ang sakit sa dibdib na ang lapit na niya sa dalaga, pero ang lay

