HEIANA Nakita niya ang kanyang ama na papasok sa kusina na ikinagulat niya. P-Paano? P-Paano ito nalaman na nandito siya sa pamamahay ng binata? "Heiana... " "A-ama... " Nilapitan niya ito at binigyan nang halik sa pisngi. "Who told you I was here?" "We have a connection, Princess." Ngumiti ito at masuyo siyang hinaplos sa buhok. " Federick... " Napalingon siya kay Spencer nang marinig niya ang malamig at mapanganib na boses nito. Kinabahan siya sa klase ng boses ng binata. Ngayon lang niya narinig ang ganito. Sobra siyang kabado. Parang lalabas ang puso niya sa kaba. Sana walang mangyayaring masama. "Mr. Hughes... " ma-awtoridad na pagtawag sa pangalan ng binata. "You really got under my skin. You insulted me." He chuckled sarcastically. "As far as I recall, I did nothing wrong

