HEIANA Hindi mapakali na napatingin ang dalaga sa relo niya. Gusto niyang hilahin ang oras para makauwi na siya. Gusto niyang umuwi. Ang dahilan ay ipagluluto siya ng binata. Hindi niya maitatanggi sa sarili na gusto niya pa rin ang binata kahit anong iwas niya rito. Alam niyang hindi niya mapipilit ang damdamin niya na hindi ito mahalin. Gusto pa rin niya ang binata kahit anong sinasabi ng isip niya na iwasan niya ito dahil nakaya naman niya na wala ito sa panahon na kailan niya ng makakaramay. Sa bandang huli ay ang puso talaga niya ang nagwagi. She tried so hard to stop her feelings towards Spencer but she couldn't. When it comes to love, kahit nasasaktan ka na ay kumakapit ka pa rin sa taong bumitaw na sa’yo dahil kapag mahal mo ang hirap bitiwan. Kapag may makikita ka pang pag-asa

