Kabanata 5

2096 Words
Duchess Nag-iwas ako ng tingin at tumalikod sa kanila. Ayoko ang tingin ng lalakeng iyon. Ang creepy! "Wait there, lady!" Napahinto ako sa paglalakad at napaharap kay Principe Reneesh na tumawag sa akin. Nag-curtsy ako sa kanya bago tumingin sa kanyang mukha. "Buenas tardes, Principe Reneesh." Ngumiti siya at kinuha ang aking kamay at hinalikan ang likod nito. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Kinagat ko ang labi ko at mabilis na lumayo sa kanya. Ano bang ginagawa niya? Chef lang naman ako rito, bakit kailangan niya pang gumano'n? Lumapit sa amin ang apat prinsipe, ganun rin ang Reina at ang Rey na magkasalubong na naman ang kilay. Bakit na naman? May nagawa ba akong mali? "What is your name? And what are you doing here in the palace?" tanong ni Principe Reneesh. Gusto kong mapa-irap. Hindi ba obvious sa uniform ko. Ngumiti ako ng peke at hinawakan ang damit ko. "I'm Muriel Esperanza, the newly hired Royal Chef and Nutritionist of the Royal Kitchen," pakilala ko. Halatang nagulat siya pero ngumisi rin kaagad. "Akala ko ay isa ka na sa mga babaeng inuwi ni Rachim dito. You're too gorgeous to be a Chef, you can be my Duchess," sabi niya na nagpagkilabot sa akin. "I'm not interested," sabi ko at yumuko bago siya tinulikuran. Ngumiwi ako pagkapasok ko ng kitchen. Nagtayuan yata lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa sinabi niya. Loko 'yon, ha! Umiling-iling ako. Sa ganoong salita ako nagkaroon ng Irish. Uulit pa ba ako? "Nagpapansin ka naman sa mga Royals. Ginagamit mo iyang ganda mo para umangat, nakakahiya ka!" sabi ng isang Chef na noon pa mainit ang dugo sa akin. "Hindi ko na kasalanan kung napapansin nila ako. Kung naiingit kayo, e 'di magpapansin din kayo." Inirapan ko sila. Kainis! Hindi na ako papatol sa kahit sinong lalake. Tama na sa aking may anak ako, siya na lang ang pagtutuonan ko ng pansin. "Principe Reneesh requested that you should cook his dinner. She wants you to prepare his favorite food, bacon sandwich," bungad sa akin ni Chef Armani. Bakit hindi na lang siya? Ang dali-dali! Sandwich lang pala. "Sure," sabi ko at tumango. "You should finish it before 6, okay?" Tumango ako at ngumisi. Bacon sandwich pala, ha! Sige, pwede naman nating gawing vegetable sandwich with bacon. Natawa ako sa naisip. Tinotoo ko naman, mas marami ang gulay sa bacon. Ginawa ko na lang na presentable para hindi mahalatang puro gulay lang ang meron sa sandwich. "Saan ko po ito ilalagay?" tanong ko kay Chef Armani. "Dalhin mo daw sa kwarto niya." 'Yung totoo?! Chef ba ako rito o maid? Sa Reina lang naman dapat ako ganito. Kailangan ko lang tiisin ito dahil malaki rin ang sahod sa akin. Baka isang taon lang ay kaya ko nang suportahan ang pag-aaral ni Irish hanggang college. Imagine kung gaano kalaki ang sahod. Huminga ako nang malalim bago kumatok. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang nakangising prinsipe. "Here's your food, Your Highness." Inabot ko sa kanya ang tray. Imbis na abutin iyon ay binuksan niya lang nang malaki ang pinto. Tumikhim siya at minuwestra ang loob. Napa-irap ako. Bakit kailangan ko pang pumasok? Nilapag ko ang tray sa bakanteng lamesa doon. Nagtataka lang ako kung bakit hindi siya sumabay sa mga kapatid niyang kumakain sa dining hall. Nagtayuan ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking batok. "The sandwich looks delicious," sabi niya malapit sa tenga ko. Bumigat ang paghinga ko. Ganitong-ganito ako three years ago. Marupok, husky voice pa lang ay nanlalambot na ako. Mana ako sa nanay ko, madaling bumigay! Lumayo ako sa kanya at ngumiti. "Kung wala na kayong kailangan ay aalis na ako. Meron pa akong gagawin sa kusina." Lalagpasan ko sana siya pero hinarangan niya ako. Ano bang problema niya?! Naiinis na ako! "Pwedeng mag-stay ka kahit fifteen minutes lang. Gusto ko lang ng kakwentuhan." Ngumisi siya. Kung gusto niya pala ng may makakausap, bakit hindi ang mga kapatid niya? Halatang-halata rin ang isang ito. Manyakis. "Hindi po. Marami pa akong gagawin." Hinarangan niya ulit ako nang sinubukan kong umalis. "Ten minutes." Umiling ako. Ang kulit! Nagdire-diretso na ako sa pinto nang marinig ko ang pagpindot niya sa isang buton kasabay ng pagtunog ng lock ng pinto. "You'll go if I said so," sabi niya gamit ang seryosong tono. Tumingin ako sa kanya. Kinakain na niya ngayon ang sandwich. Nanatili akong nakatayo roon dahil kinakabahan ako. Kung pagsasamantalahan niya ako rito ay walang makakarinig kung sisigaw ako. Wala ring maniniwala kung magsusumbong ako. Bakit ko ba iniisip iyon? Hindi naman siguro niya gagawin iyon dahil prinsipe siya. Marangal siyang tao. "Have a seat, Ms. Esperanza. Mangangawit ka diyan kung tatayo ka hanggang mamaya." Tumingin siya sa akin. Ang tangin bakanteng upuan lang na nakikita ko ay yung nasa tabi niya. Wala akong choice kung hindi tumabi sa kanya. "Gusto mo?" Umiling ako sa alok niyang sandwich. Tumingin ako sa kanya. "Anong kailangan mo? Bakit ayaw mo akong paalisin?" tanong ko sa kanya. Tumawa lang siya. Lumapit siya sa akin at nagulat ako nang ilagay niya ang kanyang isang kamay sa aking tuhod. Manyakis ang isang ito! Confirmed! "Gusto ang tapang mo. Pwedeng bigyan mo si Raguel kahit konti?" Humalakhak siya. Pasimple kong inalis ang kamay niya at inusog ang aking upuan. Hindi ako nagsalita. "Isang araw mo pa lang dito ay naging Personal Nutritionist ka na ng Reina at Princesa Heredera. Na-promote ka rin kaagad bilang Assitant Head Chef. Ang galing mo!" sabi niya at pumalakpak. Bakit? Deserve ko naman iyon! "Baka balak mo ring makapangasawa ng Royal na kagaya ko? Pwedeng-pwede pa ako." Napalunok ako. Hindi na ako malayo dahil nakasagad na sa pader ang upuan ko. Lumapit pa siya sa akin kaya siniksik ko na sa pader ang sarili ko. "Ano bang ginagawa niyo, Principe Reneesh? Wala akong interest sa mga ganyang bagay, pwedeng lumayo kayo." Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pinigil ko ang panginginig ng boses ko. Sobrang lapit na niya sa akin, ang mga kamay niya ay nakatukod sa aking upuan. "Akala mo ba hindi ko alam na nakialam ka sa mga meal plan namin? Pati itong bacon sandwich ko ay punong-puno ng gulay. Ni wala nga akong malasahan na bacon," sabi niya at mas lalo pang lumapit. "Hindi naman kasi maganda sa katawan ang bacon. Bukod sa maalat na, processed food pa. Kaya nilagyan ko ng gulay para maging balance ang kinakain mo, Principe Reneesh." Sinalubong ko ang tingin niya at nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong halikan. Ang mga kamay niya na kanina lang ay nasa gilid ko, ngayon ang isa ay nasa batok ko na at ang isa ay nasa may bewang ko, hinahapit ako. Bawat ko hagod ng labi niya ay nanlalambot ako. Hindi ito pwede! Hinila ko ang tumatakbong ulirat ko at tinulak siya. Napatingin ako sa mapulang niya na bahagyan nakaawang pa dahil sa paghalik sa akin. "Sa tingin ko ay hindi na kasama sa trabaho ko iyon," sabi ko at tinignan siya nang masama. "Sampung libo para sa dalawang halik." Natigilan ako. "Ano?! Nababaliw ka na." Tinulak ko siya pero ayaw niya talagang umalis. Babayaran niya ako para sa halik ko? Ano ako? Pokpok? "Principe Reneesh, hindi na ako natutuwa. Kailangan na ako sa kusina," sabi ko. Tinitigan niya lang ako at hindi gumalaw. Mukhang wala talaga siyang balak na pakawalan ako, sampung libo para sa dalawang halik. Pambili na rin iyon ng gamit ni Irish. "Sampung libo, dalawang halik!" sabi ko. Ngumisi siya at binuhat ako. Binagsak niya ako sa kama at mabilis na pumatong sa akin. Hinalikan niya ako nang malalim at nakakabaliw. Sobrang tahimik ng kwarto at halikan lang namin ang naririnig. "Isa," sabi niya nang maghiwalay ang labi namin. Ang pangalawang halik niya mapusok. Ang dila niya ay nasa akin na at ginugulo ang sistema ko. Tinulak ko siya nang masyado ng nagiging mapusok ang mga halik niya. Napatingin ako sa uniform ko na nakabukas na ang mga butones. Paanong nangyari ito?! "Aalis na ako, akin na ang bayad mo!" Tinulak ko siya. "Isang milyon para sa isang gabi," bulong niya. Doon ko na siya nasampal. Anong tingin niya sa akin? Bayarang babae? Bumangon ako at inayos ang damit ko. Hinarap ko ulit siya. "Ang sampung libo ko?" Tumawa siya at inabot ang checkbook. Inabot niya sa akin ang pirmadong cheke. Mabilis akong lumabas nang makuha iyon. Bad trip siya! Pagsamantalahan ba ako? Sa daan ko patungong kitchen ay nasalubong ang apat na prinsipe. Unang lumapit sa akin si Principe Raguel na malaki ang ngiti. "Buti na lang at hindi ikaw naghanda ng pagkain namin. Ang dami kong nakain!" sabi niya at inirapan ako. Mabilis kong binulsa ang cheke dahil baka makita pa nila. "Saan ka nga pala galing?" tanong ni Principe Rachim. "H-Ha? Sa ano, kay Principe Reneesh. Hinatid ko yung pagkain niya," sagot ko. "Teka, ang sabi ni Chef Armani ay kanina pa raw iyon. Natapos na kaming kumain at ngayon ka pa lang babalik. Anong ginawa niyo ni Reneesh?" Naningkit ang mga mata ni Raviro sa akin. "Oo nga!" Segunda ni Raguel. "Sa nakita ko kanina, mukhang type ka ni Reneesh." Nagtaas ng kilay si Rafaelle. Halos takasan na ako ng dugo dahil sa mga sinsabi nila. Isang maling salita lang ay mahuhuli nila ako. "Nag-usap lang kami. Ayaw niya daw kasi kayong kausap kaya sa akin sa akin siya nagkwento." "Aba! Loko 'yon, ha! Kami kaya ang mga best friends niya tapos ayaw niya kaming kausap! Masugod nga!" sabi ni Raguel at umalis na. Sumunod ang tatlo sa kanya. Sana lang ay hindi magsalita si Reneesh tungkol sa nangyari kanina. Bumuntong-hininga ako at bumalik na sa aming cabin. "Ang tagal mo, girl. Anong ginawa niyo ni Principe Reneesh?" tanong ni Chef Maria pagkakita sa akin. "Ang kulit pala ng prinsipeng iyon. Ayaw akong tigilan hanggang hindi nakukuha ang gusto." Kumunot ang noo niya at kalauna'y ngumisi. "Ano ba kasi ang gusto niya? Type kaya yata, eh." Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Umiling ako. "Magpapahinga na ako, Chef Maria. Huwag mo na akong guluhin." sabi ko at pinikit ang mga mata. "Sus! Ayaw mag-share. Type mo rin siguro si Principe Reneesh." Naningkit ang mga mata niya. Napamulagat ako sa sinabi niya. Tinampal ko ang braso niya. "Hindi kaya! Ayoko sa manyakis na iyon!" sabi ko kaya lalong lumaki ang ngisi niya. "Paano mo naman nasabing manyakis siya? Ano bang ginawa sa iyo? Kaya ba kayo nagtagal kasi..." Nanlaki ang mga mata ko at pinaghahampas ang braso niya. "Hindi! Wala kaming ginawa! Ayoko lang talaga sa kanya." "Ouch! Napaka-defensive mo naman! E 'di wala!" Lumayo siya sa akin pero nandoon pa rin yung ngisi. "Bahala ka kung anong gusto mong isipin. Matutulog na ako!" Nagtalukbong ako ng kumot pero hindi naman ako nakatulog kaagad. Hinawakan ko ang labi ko na hanggang ngayon ay ramdam pa rin ang halik ng prinsipe. Kumabog nang malakas ang dibdib ko nang maisip na natupad na ang isa sa mga childhood dream ko. Ang makahalik ng isang prinsipe. Dati ay napapanood ko lang sila sa telebisyon ngayon ay nandito na ako sa palasyo at nahalikan ko pa ang isa. Ngayon na yata dumarating ang mga swerte ko na matagal ding hindi nagparamdam. Pagkatapos ko kasing malaman na buntis ako ay sa tingin ko ay minalas na talaga ako. Ang swerte ko lang yata noon nang manganak ako kay Irish. Siya na lang ang nagpapasaya sa akin tuwing naiisip kong napakapangit ng buhay ko. Buti na lang at nandyan pa ang mama ko na tinutulungan ako sa pagpapalaki ng tama kay Irish. Kahit papano ay nagpapasalamat rin ako sa lalakeng nakabuntis sa akin. Binigyan niya ako ng isang napakagandang anak. Siguro kung mauulit ang gabing iyon at alam ko na ang mangyayari ay hindi ko iyon pipigilan dahil alam kong darating ang magbibigay ng kabuluhan sa buhay ko. Iniisip ko pa lang na wala si Irish ay nalulungkot na ako nang sobra. Hindi kaagad ako nakatulog ng gabing iyon. Maraming tumatakbo sa isipan ko. Una ay pangungulila ko sa anak ko. Pangalawa ay yung tatay ni Irish at pangatlo ang pinapakitang motibo ni Reneesh. Sinabi ko na sa sarili ko na hindi na ako papatol sa kung sinong lalake hanggang hindi ko nalalaman kung sino ba talaga ang ama ni Irish. Pero kasi, paano kung hindi ko mapigilan ang sarili ko? Paano kung mahulog na lang ako bigla nang hindi ko nalalaman? Paano kung pinapaasa lang ako nang prinsipeng manyakis na iyon? Paano kung pumayag nga akong maging Duchess niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD