Sugal
Maaga akong bumangon dahil hindi rin ako nakatulog nang maayos. Nagulat pa si Chef Armani nang makita akong naghahanda ng mga lulutuin sa araw na iyon.
"Ang aga! Buenos dias," bungad niya sa akin.
"Buenos dias! Maaga akong nagising kaya naghanda na rin ako. Sayang ang oras," sabi ko at ngumiti.
"Sige, dadalhin ko lang itong gatas sa asawa ko. Buntis, eh," sabi niya at dinala ang isang basong gatas na may kasamang cherries.
Buntis si Lady Charlene? Hindi naman halata.
Pinanood ko siyang umalis hanggang maisara niya ang pinto. Mga ilang minuto lang ay bumukas ulit iyon. Akala ko ay si Chef Armani ulit pero nagkamali ako. Kumabog nang malakas ang dibdib ko at na-estatwa ako sa kinatatayuan ko.
Yumuko ako at binati siya. "Buenos dias, Principe Reneesh."
Lumapit siya habang nakangisi sa akin. Trip yata ako ng isang ito!
"Ang aga mo yata? Siguro hindi ka rin nakatulog kagaya ko. Hindi ako pinatulog ng mga labi mo," sabi niya at hinapit ako.
Iniwas ko ang mukha ko sa kanya. Ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko kaya nangilabot talaga ako.
"Ganoon ka rin ba?" bulong niya.
Hinila ko ang natitira ko pang pag-iisip at itinulak siya. "Maaga lang talaga akong nagising at ganoon naman dapat dahil kaming mga Chef ang nagluluto sa pagkain niyo."
Tinalikuran ko siya at pinagpatuloy ang ginagawa. Humalakhak siya at pumunta sa gilid ko para panoorin ang ginagawa ko.
"Hindi mo naisip ang halikan natin kahapon? Swerte mo nga dahil maraming magbubuwis ng buhay para lang sa halik ko. Ikaw ay binayaran ko pa."
Damn you! Wala akong pake sa mga pinagsasasabi mo!
Dahil sa presensya niya ay hindi ako makapagtrabaho nang maayos. 'Yung mga hiwa ko ay hindi na pantay-pantay!
"Anong nga palang ginagawa niyo rito? Hindi kayo pwede rito sa pagkakaalam ko. Pwedeng maghintay na lang kayo sa labas kung gusto niyo nang kumain." Hindi ko siya tinitignan habang nagsasalita ako.
"Ayoko nga! Bakit mo ako pinagbabawalan? Gusto ko ngang panoorin ka kaya dito lang ako," sabi niya at hinaplos ang braso ko.
Padabog kong binagsak ang hawak kong kutsilyo. Hinarap ko siya at tinitigan siya sa mga mata.
"Ano bang gusto mo? Bakit mo ako ginugulo? Gusto mo ba ako?"
Imbis na sumagot ay tumawa lang siya nang malakas. Nag-init ang ulo ko at dinampot ang kutsilyo at itinutok sa kanya.
"Woah! Relax ka lang! Natawa lang naman kasi ako dahil tinanong mo pa ang sobrang obvious. Oo, gusto kita. Anong masama roon?"
Mas lalo kong dinuro sa kanya ang kutsilyo. "Anong masama? Bawal kang magkagusto sa akin dahil empleyado ako ng Royal Palace, nasa kontrata namin iyon."
Ngumisi siya. "Pero wala sa kontrata ko iyon. Akin ka, Muriel!"
Sabay kaming napatingin sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Chef Armani kasama si Chef Maria at iba pa.
Gulat ang mga mukha nila dahil kitang-kita nila kung paano nakatutok kay Principe Reneesh ang kutsilyo. Kaagad ko iyong binaba at ngumiti.
"Nandito na pala kayo! Hehe!" sabi ko at nakagat ang labi.
Naningkit ang mata ni Chef Armani. "Pinagtatangkaan mo ang Principe?" Kunot-noong tanong niya.
Todo iling ako. "Hindi, mali kayo ng nakita."
Tumingin ako kay Principe Reneesh para humingin ng tulong pero para wala siyang balak magsalita. He's enjoying this, huh!
"Paanong mali? Kitang-kita naming nakatutok kay Principe Reneesh ang kutsilyong hawak mo. Alam mo bang may parusa ang ginawa mo dahil nakasaad iyan sa kontratang pinirmahan mo?"
Napapikit ako nang mariin. Nag-iinit talaga ang dugo sa prinsipeng ito! Lagi na lang akong pinapahamak.
"Ang alam mo kay suspension ng tatlong araw ang parusa, hindi ba?" tanong ni Reneesh at ngumisi.
"Tama po kayo. Pero sa kaso po kasi ni Chef Muriel ay--" Naputol ang dapat na sasabihin ni Chef Armani nang magsalita si Reneesh.
"Ako na ang bahala sa parusa niya. Huwag mo nang iparating ito sa kapatid kong hari," sabi niya at ngumisi sa akin.
"S-Sige po pero hindi muna siya pwedeng magluto sa loob ng tatlong araw. Ano pong gagawin niyo sa kanya?" Nagkatinginan kami ni Chef Armani.
"Magiging maid ko muna siya ng tatlong araw. Siya ang magluluto ng pagkain ko, maglilinis ng kwarto ko at ang magiging utusan ko. Kung tutuusin ay ayos pa nga ang parusa niyang iyon dahil susweldo pa rin siya, hindi ba?" Mas lalong lumaki ang ngisi niya.
Napa-irap ako. Talaga lang ha? Maid? Ano naman kaya ang ipapagawa niya sa akin? Halikan siya buong araw? Kung kaskasin ko ng steel wool ang bibig niya.
"Narinig mo ba iyon, Chef Muriel? Walang lalabas sa usapang ito, Cher Armani," sabi pa niya at tumingin sa iba.
Nagtama ang tingin namin ni Reneesh. Naglalaro ang malaking ngisi sa mukha niya. "Naintindihan mo ba ang sinabi ko? Akin ka ngayon." Halos bulong na ang huling salita niya.
Huminga ako nang malalim at pilit na ngumiti. I hate this day!
"Naiintindihan ko, Principe Reneesh." Umirap ako.
"Mabuti kung ganoon. Halika na at magsisimula na ang araw mo," sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
Hinila niya ako at nilagpasan ang mga kasamahan ko. Ang ibang babae ay umirap pa sa akin.
Ano? Naiingit sila?! Palit kaya kami ng kalagayan!
"Anong balak mo?" tanong ko nang huminto kami sa harap ng kanyang kwarto.
"Ipapalinis ko ang kwarto ko," sagot niya.
"Bakit ako pa?"
Tumingin siya sa akin. "Kasi tuwing nakikita kita, kama ang naiisip ko."
"Manyakis ka! Anong kama?! May balak ka talaga sa akin! Many--mmm!"
Tinakpan niya ang bibig ko at mabilis na pinasok sa kwarto. Pumiglas ako pero sobrang malakas siya.
"Wala naman akong balak sa iyo! Ipapalinis ko lang talaga ang kwarto ko. Huwag kang mag-aalala, hihintayin ko hanggang sa gusto mo na ring mag-ano tayo." Tinaas-baba niya ang kanyang kilay.
Napatingin ako sa kamay ko nang may mahawakang kung ano. Napasigaw ako nang makitang brief iyon. Kadiri!
"Nakakadiri ka! Kung saan-saan nakalagay ang mga underwear mo! Principe ka pa naman din!"
Binato ko iyon sa kanya at tumawa lang siya. Tumayo ako sa kanyang kama at kinuha ang basket na lalagyan ng kanyang maruming damit. Habang abala ako sa paglilinis ay pinagmamasdan niya lang ako.
Matapos ang kalahating oras ay nagmukha ng kwarto ang buong paligid.
"Tapos na, alam mo naiisip ko na mabuting na-suspend na lang ako. At least, makakauwi pa ako sa amin kaysa naman ganito! Chef, degree holder at Nutritionist pa pero ginawa mo akong alila!"
Tumawa lang siya sa sinabi ko. Tumingin siya sa akin at mabilis na lumapit sa kinatatayuan ko. Muntik pa akong matumba pero nahawakan niya ako.
"Anong gusto mo? Ganito o doon tayo maghapon." Tinuro niya ang kanyang kama.
"Gago ka! Anong pinagsasasabi mo?! Manyakis ka! Alam mo, sasabihin mo ko ito sa hari. Mapagsamantala ka."
Tumawa siya nang mahina. "Sige, magsumbong ka. Ang tanong, paniniwalaan ka ba? Tandaan mo na Principe ako at nakukuha ko lahat ng gusto ko."
Nanlambot ako at napabuntong-hininga. Alam ko naman iyon. "Pero mali na gamitin mo ang kapanyarihan mo para manamantala. Patunayan mo naman na karapat-dapat kang maging prinsipe," sabi ko at tinulak siya.
Lumabas ako ng kwarto niya at kahit ilang beses niya pa akong tinawag ay hindi ako lumingon. Napunta ako sa Queen's Garden at namataan ko roon si Reina Iesha na pinapakain ng solid food Princesa Risha. May isa pang bata roon na may kandong na gray na pusa.
Lumapit ako sa kanila at kaagad na napangiti si Iesha nang makita ako.
"Gustong-gustong ni Risha itong ginawa mong pagkain sa kanya. Pati itong si Duke Darius ay sarap na sarap din sa pagkain. Naiingit na nga itong si Alex, eh," sabi niya habang tinuturo ang bata.
Nagtaas ako ng kilay. "Duke? Duke na siya, eh napakabata pa niya."
"Ah! Hindi pa, tagapagmana ng Perene ang batang ito. Magiging ganap na duke siya kapag naging 18 years old na siya."
Tumango ako. Ganun pala. Tumingin sa akin ang bata at ngumiti. Mukhang kaedad lang nito ang aking Irish.
"Ilang taon na siya?" tanong ko sa Reina.
"Tatlo, mag-aapat."
Ngumiti ako. "Halos kaedad po ng anak ko."
"Miss mo na? Bakit hindi mo kasi papuntahin rito para magkasama kayo?"
May bigla akong naisip na ideya. Humarap ako sa Reina at ngumiti.
"Pwede po ba silang pumunta sa Concordancia? Sa birthday party ng prinsesa?" tanong ko.
"Oo naman, mas maraming bata ay mas masaya. Sinabi ko nga kay Richart na kung maaari ay puro bata ang imbitahin dahil para naman iyon kay Risha. Bihira siyang makakita ng maraming kalaro kaya dapat sulit ang araw na iyon. Bibigyan kita ng invitation para makapunta ang anak mo."
"Salamat, Reina Iesha. Napakabait niyo."
Umiling siya. "Wala iyon, kahit naman na prinsesa si Risha ay gusto kong ma-enjoy niya ang childhood niya. Hahayaan ko siyang gawin kung ano man ang gusto niya. Hahayaan ko siyang magtatakbo sa loob at labas ng palasyo hanggang mapagod siya. Hahayaan ko siyang magtampisaw sa ulan. Kung ano man ang gusto niyang gawin ay nakasuporta at nakagabay lang ako sa kanya. Minsan lang sila bata at doon nila malalaman kung ano ba talaga ang gusto nila. Kaya ikaw, samahan mo lagi ang anak mo. Yakapin mo siya hanggang nagpapayakap pa, halikan hanggang gusto niya pa. Kasi kapag lumaki iyan, baka hindi na iyan magpalambing. Oh, bakit umiiyak ka na?"
Tumawa ako at pinunasan ang luha ko. "Kayo naman kasi, miss na miss ko lang ang anak ko. Ngayon lang kasi kami naghiwalay nang ganito katagal simula noong pinanganak siya. Gusto ko na nga siyang puntahan, ang kaso ay magiging abala na kami para sa birthday ng prinsesa. Sana maintindihan rin ni Irish na para ito sa kanya, na gagawin ng mama niya ang lahat, magkaroon lang siya ng magandang buhay. Next year kasi ay kailangan na niyang pumasok sa school kaya kailangan kong kumita ng malaki-laki. Salamat at natanggap ako rito sa palasyo."
Tumango siya. "You know, we're good parents in our own way. Siguro kaya ko rin nasabi iyon dahil napo-provide ni Richart lahat ng pangangailangan ni Risha, wala akong problema sa pera. Samantalang ikaw ay kailangang kumayod dahil ikaw lang ang inaasahan niya. I'm proud of you." Tinapik niya ang balikat ko.
"Thank you."
Lumapit sa akin ang batang si Darius at hinawakan ang kamay ko. "Proud of you!" sabi niya gamit ang cute na boses.
"Thank you, little man!" sabi ko at kinurot nang marahan ang pisngi niya.
"Muriel!"
Pareho kaming napatingin ni Iesha kay Principe Reneesh na papalapit sa amin.
Na-bad trip na naman ako dahil sa pagmumukha niya. Umirap ako at binalik ang tingin kay Darius.
"Muriel, sorry."
Gulat akong napatingin sa kanya at alam kong ganoon rin si Iesha. Si Principe Reneesh ba talaga ito?
"Ano? Narinig ko bang sinabi mo ang salitang sorry?" tanong ko.
Rinig ko ang tawa ni Iesha. Nag-ingay si Risha at paulit-ulit na binanggit ang salitang 'sorry' pero bulol naman.
"Anak naman, parrot ka ba?" sabi ni Iesha sa anak.
Bumuntong-hininga si Reneesh at tumikhim kaya naagaw niya ang atensyon ko.
"Sorry sa inasal ko. Nakalimutan kong babae ka pala at kailangang respetuhin. From now on, hindi na ako masyadong mang-aabala sa iyo. Gusto ko lang naman kasing mapansin mo ako," sabi niya at kinamot ang batok.
"Sus! Nagbibinata na si Reneesh! Kapag nalaman iyan ng mga kapatid mo ay pagpepiyestahan ka, humanda ka na," sabi ni Iesha habang inaalalayang lumakad si Risha na panay pa rin ang pagdaldal.
Si Darius naman ay nakatingin lang sa amin ni Reneesh.
"Sasabihin ko na rin kay Chef Armani na kasalanan ko kung bakit mo itinutok ang kutsilyo sa akin. Naisip ko na baka dahil doon ay matanggal ka. Patawad." Yumuko siya.
"Sincere ba iyan? Baka mamaya ay niloloko mo lang ako." Naningkit ang mga mata ko.
"Promise, mas malasa pa sa kamatis. Tama ka, I should act like a Prince. Nakalimutan kong itinuro sa amin iyon ng dating Reina. Baka multuhin niya ako kapag nakalimutan ko. Buti at dumating ka para ipaalala."
Tumango ako. "Huwag mo na lang akong guguluhin. Gusto kong makapagtrabaho in peace. Huwag na tayong magpapansinan mula ngayon. Kung gusto mong magpa-request ng pagkain ay ipadaan mo na iyon kay Chef Armani."
Umiling siya. "Paano ako?"
Kumunot ang noo ko. "Anong paano ka?"
Napalunok siya. "Paano ako? Eh, gusto kita palaging nakikita. Tsaka, paano ako makakadiskarte sa iyo kung hindi tayo magpapansinan?"
"Makakadiskarte? Para saan? May ibebenta ka ba?"
Umiling siya at napangiti. Namula pa ang kanyang tenga.
"May isusugal lang ako," sabi niya at tinignan ako nang diretso.
Kinilabutan ako. Parang alam ko na ang susunod niyang sasabihin.
"Isusugal ko lang puso ko sa iyo."