Papakasalan Natatawa pa rin ako tuwing naalala ko ang sinabi ni Principe Reneesh. Pick-up lines ba iyon? "You're back, Principe Reneesh already told me what happened. You can back to your work and don't worry, the King doesn't know anything about this." Tumango ako kay Chef Armani. Kumunot ang noo nang may inabot siyang magandang envelope sa akin. "Ano po ito?" tanong ko at binuksan iyon. "Royal Invitation for the Crown Princess's First Birthday Celebration. Ang sabi ng Reina ay ibigay ko sa iyo para sa anak mo. I'm giving you a day para puntahan ang anak mo because the day after tomorrow ay maghahanda na tayo para sa pagsampa natin sa Concordancia." Tumalon ang puso ko sa tuwa. Napangiti ako nang malaki. "Talaga? Pwede akong umuwi ngayon?" Kinagat ko ang labi ko. "But you need t

