Kabanata 13 (Part 1)

1409 Words

Papa Nanginginig pa ang mga tuhod ko habang papunta sa Dining Room ng Concordancia. Mabilis akong tumabi kay Chef Maria na nakatayo sa dulong gilid ng hall habang sine-serve ang mga pagkain. Sinuklay-suklay ko pa ang magulo ko yatang buhok. Tumingin sa akin si Chef Maria at bahagyang naningkit ang mga mata. "Bakit ngayon ka lang?" tanong niya at pinasadahan ako ng tingin. Inayos ko ang pagkakabutones ng damit ko. Sabay-sabay kaming napatingin kay Principe Reneesh na kakapasok lang sa Dining Hall. Nagtama ang tingin namin at nakita ko ang pagngisi niya. Para saan ang ngiti niya? Dahil ba nakuha na naman niya ako? Bakit kasi gusto niyang ginagawa namin iyon? "May pinagawa lang sa akin ang Reina. Tutulong na lang ako sa pagsi-serve," sagot ko at lumapit sa isang waiter. Ayoko na ng marami

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD