Salita Ilang beses akong huminga nang malalim habang pumapasok sa loob ng palasyo. Kailangan ko ng bumalik dahil isang araw lang ang paalam ko. Ayoko pa sanang umalis dahil sa mukha ng anak kong ayaw akong paalisin. Natagalan pa ako at muntik nang maiwan ng tren dahil nahirapan pa akong kumbinsihin si Irish. "Hello, Chef Muriel!" bati sa akin ni Chef Maria at tinapik ako sa braso. "Hello! Kumusta pala dito?" Nilingon ko siya at nginitian. "Gano'n pa rin naman, pero hinanap ka ng Reina at oo nga pala! Pinapasabi niya na papuntahin kita sa kwarto niya kapag dumating ka," sabi niya habang naghuhugas ng kamay para masimulan na ang pagluluto. "Bakit daw?" Kumunot ang noo ko. Anong kailangan ng Reina sa akin? Nagkibit-balikat lang siya. Kaya naman bago ako magsimula sa kusina ay tinahak k

