Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko na namalayang nasa kusina na ako. Nag-aabang si Chef Armani sa may pintuan. Lumiwanag ang kanyang mukha nang makita ako. "Salamat naman at nakita rin kita. May itatanong sana ako sa iyo," sabi niya at hinila ako sa parte ng kusina na konti lang ang tao. "Ano 'yun, Chef Armani?" Gulat naman ako sa kanya. "May relasyon ba kayo ni Principe Reneesh?" Nakakunot ang kanyang noo. Mas lalo akong nagulat sa tanong niya. Mabilis akong umiling. "Wala kaming relasyon. Paano niyo naman nasabi?" Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Nakita kong pumasok kayo sa isang kwarto, inamin niya pang nag-s*x kayo. Tapos aliw na aliw din siya sa anak mo. Muriel, alam mong bawal ang magkaroon ka ng relasyon sa isa sa mga prinsipe. Mahigpit na ipinagbabawal sa mga empleyado ang m

