FOURTEEN

2528 Words
Michelle TATLONG araw na ang nakakalipas ng mag usap kami ni Mathew at celebration ng 47th birthday ni Mateo. Napapansin kong iniiwasan ako ni Mateo. Pag nakikita niya ako ay kung hindi iiwasan ay hindi ako kinikibo. Paggabi naman lagi siya nauunang matulog pero halata namang hindi pa siya inaantok. Nasa hacienda kami pansamantalang tumutuloy dahil ayun talaga ang plano namin. Nagulat si Nanang ng makita niya kami ni Mateo magkasama at may anak na, hindi ito makapaniwalang magkakatuluyan kami ni Mateo. Ang huli kasi nitong alam ay magpapakasal na kami ni Mathew. "Iha may problema ba kayong mag asawa?"tanong ni Nanang habang tinutulungan akong mag ayos ng pinagkainan namin kanina. "Wala naman po" sigurado ako dahil wala akong maalala na nag away kaming dalawa. Pati walang rason para mag away kami. "Ay bakit parang iniiwasan ka ng asawa mo?" hindi lang pala ako ang nakapansin pati narin si Nanang. "Iha dapat pag usapan niyo kung anong problema para masolusyunan niyo na kaagad" Bumuntong hininga ako. Paano naman kami makakapag usap eh iniwasan ako ni Mateo. Instead na sabihin niya sa akin kung anong problema para mapag usapan namin ng masinsinan, ang gagawin niya bibigyan niya ako nang silent treatment. Pagkatapos namin ni Nanang sa pag aayos ny pinagkainan ay dumiretso ako sa master bedroom kung saan kami natutulog ni Mateo. Pina renovate ni Mateo itong mansion kaya mas lalo gumanda. Pagkapasok ko ay naabutan ko siyang sinusuot ang necktie na regalo ko sa kanya para birthday niya. Nilapitan ko siya "Ako na" hininto nito ang pag aayos at hinayaan akong magtuloy. "Mateo may problema ba tayo?" tanong ko habang patuloy sa pag aayos sa necktie niya. Hindi ito umimik kaya napabuntong hininga nalang ako. Nang matapos ay tumingala ako dahil ang tangkad niya. Umiwas ito ng tingin ng magtama ang mata namin. "Mateo anong bang problema?" hinawakan ko ang magkabila nitong pisingi. "Nothing" naninibago ako pag ganyan siya. "Hindi ako naniniwala Mateo, asawa mo ako kaya alam kong may problema" marahan kong hinahaplos ang magkabila niyang pisingi. "Honey, do you really love me?" tumingin ito ng diretso sa mga mata ko. Seryoso ang tono ng boses nito. Is this about sa nangyari sa party? "Of course I love you; I always love you, Mateo."malambing kong tugon. Bumigat ang paghinga nito at pumula ng bahagya ang pisingi. Mahina akong natawa. "Kilig ka noh?"nang aasar kong wika. Mas lalong pumula ang pisingi nito. Napalitan iyun ng seryoso ng maalala ko kung ano ang problema. "Iniisip mo ba na kaya ko na sabi na mahal kita kasi nandoon si Mathew o nadala lang ako nang emosyon?" seryoso kong tanong sa kanya. Gusto kong linawin sa kanya na wala na akong nararamdaman para kay Mathew. It's been four years, kilala ko ang sarili ko. Alam kong naka move on na ako sa nangyari sa amin ni Mathew. Tumikhim ito at tumingin sa'kin. "Mateo mahal kita kaya please lang sabihin mo sa akin kung naguguluhan ka sa mga bagay- bagay hindi yung iiwasan mo ako" sinamaan ko ito ng tingin. After niya akong iwasan na para bang may sakit ako na nakakahawa. Akala niya hindi iyon masakit. "I'm sorry, honey. I was just thinking like you don't really love me; you're just here with me because of Maia." tumingkayad ako para dampian ng halik ang kanyang labi. Sinong hindi ma iinlove sa kagaya mong husband material? "It's okay, just next time, Mateo sasabihin mo sa'kin yung problema, okay" nginitian ko 'to habang masuyong hinahaplos ang magkabila niyang pisingi. "Okay! I love you so much, honey" paos na usal nito. Siniil niya ako ng mapusok na halik tila sabik na sabik ito. Pigil ngiti ko ito tinugon. Alam kong matatanggal din ang necktie na sinuot ko sa kanya. ***** "MAMA" naalimpungatan ako nang may naramdaman kong parang umaalog ang kama. "Princess stop jumping baka magising ang mama mo " rinig kong saway ni Mateo. "Okay po" dahan-dahan ko minulat ang aking mga mata. "Mama" bumungad sa'kin ang nakangiting mukha ni Maia. Nanlaki ang mata ko dahil baka makita ni Maia na nakahubad ako. Dali-dali kong sinilip ang katawan ko sa ilalim ng kumot. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong nakasuot na ako ng pajama at t-shirt. Binihisan niya siguro ako habang tulog, masyado niya akong pinagod kanina kaya hindi ako nakapagbihis. "Kumusta ang paglilibot niyo ng Ate Linda mo" tanong ko rito habang marahang sinusuklay ang mahaba nitong buhok. Hinahanap ng mata ko si Mateo at natagpuan ko siya sa may gilid, nakasuot na ito ng sandong itim habang ang mga mata nito ay nasa laptop ang tingin. "Ayos lang po mama, nag enjoy po kami ni Ate Linda" malawak ang ngiti nito habang nagkukuwento, buti nalamang ay hinayaan namin ito maglibot sa farm kasama si Linda at yung secretary ni Mateo kaninang umaga kung hindi ay baka maabutan niya kami ng daddy niya. Naramdaman kong parang may nakatingin sa akin at tama nga ako dahil nakatingin si Mateo sa akin. Kinindatan ako nito ng magtama ang mga mata namin. Gwapo talaga ng asawa ko. Nag init ang pisingi ko at huramentado ang puso ko dahil lang sa simpleng kindat nito. Palibhasa alam niya kung paano ako kunin eh. Simpleng kindat at ngiti niya, feeling ko tinawag ako sa recitation tapos hindi ko alam ang sagot. Ganun kabilis ang t***k ng puso ko. Nang matapos si Maia magkuwento ay nagpaalam na ito na matutulog na kanyang kwarto. Napangiwi ako sa kirot ng tumayo ako, mukhang mahihirapan akong pumunta ng banyo. Pumunta sa kinatatayuan ko si Mateo ay maingat akong binuhat papunta sa banyo. "Thank you" pagpapasalamat ko ng maingat niya akong binaba sa toilet bowl. Dinampian nito ng halik ang aking sentido. "You're always welcome honey." Hindi ito umalis sa banyo bagkos ay tumalikod ito upang hindi ako makitang umiihi. Pagkatapos kong umihi ay maingat niya akong binuhat ulit patungo sa kama. Pagkababa niya sa akin sa kama ay humiga ito sa tabi ko."Mateo" tawag ko sa atensyon nito. "Hmm?" pinasok nito ang ulo sa loob ng t-shirt na suot ko. "Pwede mo ba akong ikuha ng salamin?" sabi ko dito baka kasi marami na namang kissmark ang iiwan niya sa leeg ko kagaya nung nakaraan na halos buong katawan ko meron. Buti nalang meron akong concealer sa bag kung hindi ay nakakahiya kapag may nakakita non. Inalis nito ang pagkakapasok ng ulo sa loob ng aking t-shirt at tumungon sa working table. Nang makuha ang salamin ay mabilis itong bumalik sa tabi ko at binigay ang salamin bago binalik ulit ang ulo sa loob ng aking t-shirt. Tinignan ko ang leeg ko sa salamin at labis kong ipinagpasalamat na kaunti lang ang kiss mark sa leeg ko pero sa may bandang dibdib ay halos mapuno ito. Huminto ako sa pagtingin sa aking leeg ng magring ang cellphone ni Mateo na nasa side table. Kinuha nito ang cellphone ng hindi inaalis ang mukha sa loob ng aking t-shirt. Ni-loud speaker nito ang tawag kaya parehas naming naririnig kung sino ang tumawag. "Good evening Tito Mateo" pamilyar sa akin ang boses. Inalis nito ang ulo sa loob ng aking t-shirt. "Good evening din, ah Bakit ka pala napatawag Alysaa?" halata sa boses ni Mateo ang pagtataka. "Tito pwede po ba kayo pumunta dito?" may pag aalinlangan at takot sa boses nito. "Why?" hindi ko maiwasang di kabahan. Pakiramdam ko may hindi magandang nangyari. "Si Mathew po kasi nag wawala, Wala pong nakakaawat sa kanya kaya halos po masira niya na ang lahat ng gamit dito sa bahay "napabalikwas si Mateo ng bangon. Ganyan ba lagi si Mathew? Nakaramdam ako nang matinding awa kina Alysaa pati sa anak niya. "Don't worry pupunta ako kaagad diyan, just keep safe" pinatay nito ang tawag at tumungon ito sa cabinet para kumuha ng pajama dahil nakaboxer siya. Nilapitan ako nito habang sinusuot nito ang pajama. "Honey, can you come with me?" may pagsusumamo ang boses nito. Sinenyasan ko itong lumapit. Umupo ito sa gilid ng kama na malapit sa kinahihigaan ko. Hinaplos ko ang kanyang pisingi at nakatingin sa kanya ng diretso. "Sigurado ka bang gusto mong sumama ako sa'yo?" tumango ito kaya wala akong magawa kung hindi sumama sa kanya. ***** NANG makarating kami sa bahay na tinutuluyan nila Alysaa ay naabutan namin sila ng anak niya na nasa sala at bakas sa mukha nila ang takot at pangamba. Hindi ko akalain na ganyan ang trato ni Mathew sa asawa't anak niya. "Alysaa" tawag ni Mateo mabilis ito tumingin sa direksyon namin pero satingin ko ay hindi niya ako napansin dahil nasa likod ako ni Mateo. "Tito pwede niyo po bang puntahan si Mathew sa loob ng kwarto namin kanina ko pa po naririnig ang pagwawala niya" nagulat ito ng makita ako. Sasagot na sana si Mateo ng unahan ko ito. "Ako ang kakausap sa kanya" halata sa mukha ni Mateo ang hindi pagsang ayon pero wala din ito magagawa dahil alam nito kapag seryoso ako. Pinuntahan namin kung saan ng gagaling ang ingay. Hindi nahirapan si Mateo sa pagbukas ng pinto dahil hindi ito kalock. Pagkapasok namin ang bumungad sa amin ang makalat at basag basag na bote. "Son" nilingon nito si Mateo at tinignan ng masama. Tumayo ito at lumapit kay Mateo. "Dad hindi ko akalain na magagawa mong agawin at landiin ang girlfriend ko" may halong hinanakit at galit ang boses nito. "Hindi ko alam na may pagkasulitero ka pala d-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito ng sinampal ko ito ng malakas. Rinig sa bawat sulok ng kwarto ang tunog ng sampal ko sa kanya. Napagilid ang mukha nito dahil sa sampal ko. "Pinalampas kita no'ng party pero ngayon hindi na" bumilis ang paghinga ko dahil sa galit. Bakas sa mukha nito ang gulat ng humarap ito sa'kin "Babe why do you sla-"hindi ko ito pinatapos magsalita ng sinampal ko ulit ito sa pangalawang pagkakataon. "Alam mo Mathew hindi ko alam kung saan ka nakakakuha ng kapal ng mukha" wala akong pakielam kung nasa bahay man nila ako. Nangangati ang palad ko na sampalin siya. "You disrespect my relationship with my husband again in front of me, but this time I won't let you, and you still call me babe even though you have a wife and a son and even though I'm married to your dad." Nangagalaiti sa galit kong wika. "I still love you, Michelle" may tumulong mga luha sa mga mata nito. Wala akong pakielam kung anak pa siya ni Mateo. Binastos niya ang asawa ko sa harap ko, ayun ang bagay na hindi ko papalampasin. Tinalikuran ko ito at Hinila si Alysaa palabas ng kwarto na nakasunod pala sa amin kanina. "Ano ba bitiwan mo nga ako" nagpupumiglas ito kaya para hindi ito masaktan ay binitawan ko ang pulso nitong hawak ko. "Ano ba satingin mo ang ginagawa mo?" bulyaw nito sa'kin. "Alysaa iwan niyo na si Mathew" seryoso kong sabi. Baka magkaroon ng trauma ang bata kapag lagi niyang nakikita ang tatay niya na nagwawala. Pagak itong tumawa "Sino ka ba para utusan ako?"nakataas ang isang kilay nito. Hindi ako makapaniwala na hahayaan niyang nasa ganto silang sitwasyon. Maraming pwedeng mangyari kapag nanatili sila dito. "Alysaa isipin mo naman this time ang anak mo, gusto mo bang lumaki siya na nakikita kayo ni Mathew na ganto huh?"segunda ko rito. "Mahal ko siya Michelle, hindi ko kayang iwan siya" nangingilid ang mga luha nito. "Alam ko pero sana isipin mo naman ang sarili at ang anak mo" naaawa ako sa kanila ng anak niya. Walang magagawa ang pagmamahal niya sa gantong sitwasyon. "Pag isipan mong mabuti Alysaa" binigay ko ang cellphone number ko sa kanya bago ito iniwan at pumunta sa pwesto kung saan naghihintay si Mateo sa akin. "Tara na" pag aya ko rito at pinagsiklop ko ang aming mga kamay at sabay na umalis. PAG UWI namin ay naisipan ko munang tumambay sa terrace para magpahangin saglit at si Mateo ay tinuloy ang ginagawa niya sa laptop kanina. Habang dinadama ang hangin ay may yumakap sa akin galing sa likuran. "Mateo pasensya kung ginawa ko yun" paumanhin ko, Alam kong mali ang pagsampal ko kay Mathew pero hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Kung satingin niya papalampasin ko lang pagsasalita niya ng ganun sa asawa ko, Duon siya nagkakamali. Mas humigpit ang yakap nito sa akin habang nakasiksik ang ulo nito sa aking leeg. "I love you" sambit ko sa malambing na boses. Gumagaan ang pakiramdam ko kapag nasa tabi ko si Mateo. "I love you so much honey" paos nitong tugon at pinasok ang kamay sa loob ng aking t-shirt. Nakangiti kong sinusuklayan ang malambot nitong buhok sa likuran habang tinitignan namin ang mga bituwin sa kalangitan. Sayang yung pagsuot ko sa kanya ng necktie kanina. ***** ISANG buwan na ang nakalipas ng mangyari ang pagsampal ko kay Mathew at sa isang buwan na yun ay bumalik sa normal ang lahat. Bumalik na ulit kami ni Maia sa bahay ni Tita at pinagpatuloy ang buhay kasama si Mateo at si Maia. Tinutulungan ako ni Mateo sa lahat ng bagay lalo na sa pastry shop ko since nagsisimula ulit ako mag aral ang kaso ay online class dahil ang gusto ko kahit nag aaral ako ay natutukan ko sila. Labis akong nagpapasalamat sa diyos na binigyan niya ako nang isang napakabuting asawa. "Ate may tao po sa labas" parehas kami nagkatinginan sa isa't isa ni Mateo bago lumabas. Nakasunod sa amin si Linda buhat nito si Maia na nakatulog dahil sa sobrang pagod. Nang nakalabas kami galing sa kusina ay nakita namin si Mathew sa sala. Halata sa hitsura nito na hindi ito nakakatulog ng maayos. Mukhang hindi niya kami napansin dahil nakatulala ito at nakatingin sa kung saan. Tumikhim si Mateo kaya napalingon ito sa amin. "Dad" sabay kaming pumunta sa malaking sofa at umupo. Sinenyasan ko muna si Linda na ipasok na si Maia sa kwarto nito. "I am really sorry, dad and Michelle. I know I'm such a jerk to say those words and keep pushing myself to believe that you still loved me." nakayuko ito habang sinasabi iyun. Mukha namang sincere siya. Nag angat ito ng tingin sa amin. "Alam ko na ayaw niyo ko dito pero gusto ko lang itanong kung may alam kayo kung nasaan si Alysaa at ang anak namin" may pagsusumamo nitong ani. Sinagot namin ito ng may halong kasinungalingan dahil ayaw namin pangunahan si Alysaa sa mga desisyon niya. Humingi siya ng tulong sa amin ni Mateo na kung pwede ihanap siya ng pwede nila pagtirahan ng anak nito dahil wala itong mapaghihingian ng tulong lalo na ang Ina nito. Hindi ko alam ang buong kuwento pero sang ayon ako sa desisyon niya na iwan si Mathew dahil walang sino mang ang babae ang deserved ng ganung treatment. Nang makahanap kami ng malayong lugar na pwedeng tirahan nila ay nagpasalamat at humingi ng tawad ito sa amin ni Mateo. At simula non ay lagi itong tumatawag sa akin para sa kumustahin kami kaya naging magkaibigan kami kahit saglit na panahon lang kami nagkakilala. Magaan ang loob ko sa kanya. Nagpaalam na sa'min si Mathew at umalis. Mukhang nahulog na rin ang loob nito kay Alysaa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD