Michelle
HINDI ko namalayang sobrang haba na pala ng naitulog ko kung hindi pa ako gising ni Mateo para kumain. Nagdrive thru nalang daw siya dahil kung kakain pa daw kami sa loob ay baka mas lalo kaming abutan ng traffic. Ayos lang sa amin iyun dahil iwas hassle din. Mag gagabi narin pala, palubog na ang araw. Nang magsimula na kaming kumain, siya ay sinusubuan ko habang nagmamaneho at si Maia naman ay kumakaing mag isa sa likod.
"I love you honey" kinuha nito ang aking kamay at hinalikan ang likod ng aking palad. Kahit na kain kami ay hindi talaga mawawala sa kanya ang pagiging sweet.
"I like you too" ngumisi ako sa kanya, ngumisi din siya sa akin pabalik .Patuloy ko siyang sinusubuan, syempre nakikisalo rin ako. Naisipan kong buksan ang car stereo, para soundtrip kaming dalawa ni Mateo tutal si Maia naman ay nakatulog pagkatapos kumain.
Hindi nagtagal ay hininto ni Mateo ang sasakyan sa tapat ng isang sikat na hotel. Kumunot ang noo ko dahil akala ko ay didiretso kami sa hacienda. Lumabas ito at pinagbuksan muna si Maia sunod ako.
Buhat buhat nito si Maia ng pumasok kami sa loob ng lobby ng hotel. Sinalubong kami ng isang staff at yung secretary nito na siyang sumundo sa akin nung nakaraang araw. Pinakilala siya sa akin ni Mateo nung pumunta siya sa bahay namin para ibigay kay Mateo ang importanteng papeles.
"Here" binigay nito ang susi ng kotse sa secretary at sumunod kami sa staff patungo sa magiging kwarto namin.
Habang buhat nito si Maia ay pinagsiklop nito ang aming mga palad. "Daddy akala ko po sa malaking mansion po tayo pupunta?" inosente nitong tanong pero halata sa mukha nito ang pagtataka.
"Princess, we have something to attend this night, and our mansion is too far from the venue of the party that we need to attend." paliwanag nito sa anak. I think we were inside of Manila.
Nang maihatid kami ng staff ay ang bumungad sa amin ang maaliwalas na kwarto at magandang view sa labas. Halatang pinaggastusan niya talaga itong hotel room namin. Nalipat ang tingin ko sa King size bed na may blue na dress at pangbata na dress sa ibabaw.
"Honey, your hair stylist and make-up artist will be here; you need to be ready." tumango ako rito. Humalik muna ito sa noo namin ni Maia bago lumabas ng hotel room.
Hinalimusan ko muna si Maia bago ko binihisan ng dress na binili ng daddy niya. Naisipan kong maligo, sinigurado kong sara ang pinto bago ko simulang maligo. Mahirap na baka may biglang pumasok na hindi namin kilala at may gawing hindi maganda.
Nang matapos ay sinuot ko muna ang roba bago ako lumabas para kunin ang dress na susuotin ko. Pagkalabas ko ay naabutan ko si Maia na nanonood ng TV sa mini sala. May kinakain ito, siguro ayun ang mga inorder ni Mateo kanina sa drive thru. Maraming inorder si Mateo para raw incase na magutom kami ni Maia ay may makakain kami.
Kinuha ko ang bodycon dress sa ibabaw ng kama at pumunta sa banyo para magbihis. Pagkatapos ay bumalik ako sa may kama para isuot naman ang pointed toe slingback na sapatos na binili rin ni Mateo. Pagkasuot ay nakarinig ako ng katok galing sa pinto.
Pumunta ako sa pinto para pagbuksan ang kumakatok. Tinanong ko ito bago pinagbuksan. Sagot nila ay sila ang pinadala ni Mateo para ayusan ako. Pagbukas ko ay dalawang babae ang bumungad sa'kin. May mga bitbit sila, satingin ko ayon ang gagamitin nila para ayusan ako.
Pinapasok ko sila dahil mukhang nahihirapan sila sa mga dala nila. Nang nakapasok ay hinanda nila ang mga gamit na dala nila.
"Ma'am,let's start" sabi nang isa sa mga babae. Pinaupo nila ako sa harap ng isang salamin at sinimulan na ang pag aayos sa buhok at mukha ko. Ramdam ko ang bawat pagdampi ng brush sa aking mukha.
Nagtagal ng kalahating oras bago sila natapos, nagpaalam na sila na aalis na. Saktong pagkaalis nila ay siyang pagdating naman ni Mateo sa kwatro. Nakasuot ito ng two suit piece na lalong nagpadagdag sa kanyang appeal. Oh God, ang gwapo niya. Tumayo ako at naglakad palapit sa kanya. Nang makalapit ay hinapit nito ang beywang ko.
Pinatong ko ang dalawang kamay sa dibdib nito para hindi tuluyang mapasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Dinampian nito ng halik ang tuktok ng aking ulo hanggang sa bumababa sa ilong ko at labi. Naglapat ang aming mga labi pero makalipas ang ilang minuto ay inalis nito ang pagkalapat ng labi.
"You're so beautiful, honey but mas maganda ka pa'rin kapag nakahubad" bulong nito.
"Alam ko kaya nga may Maia tayo eh" natatawa nitong hinalikan ang magkabila kong pisingi.
"I love you honey" ngumiti ako sa kanya.
"Daddy" sabay kami napalingon kay Maia nang lumapit ito sa amin. Nagpapabuhat ito sa daddy niya kaya tinanggal muna ni Mateo ang brasong nakapulupot sa aking beywang.
Bumalik ako sa may kama para kunin ang chanel bag na binili ni Mateo para sa akin. Lagi niya akong binibilihan ng mamahaling bags, pasalubong niya sa akin kapag aalis siya kaya hindi na nagkasya sa cabinet ko eh dahil dumadami na sila. Ayoko namang ibenta dahil regalo niya sa akin iyon. Kaya nag iisip ako kung saan ko ilalagay yung iba, hindi naman kalakihan ang bahay namin para magdagdag pa ng another cabinet.
Pagkakuha ko ay tumungo ako sa pwesto nila Maia at sabay sabay kaming lumabas ng hotel room. Nang makababa kami ng lobby ay dumiretso kami sa labas ng hotel nandoon nakaparada ang sasakyan ni Mateo.
Pinagbuksan niya muna ako nang pinto, nang nakapasok ako sa sasakyan ay binaba niya si Maia at binuksan ang backseat. Nang nakasakay na kaming lahat ay nagsimula ng magmaneho si Mateo papunta sa venue ng birthday party and anniversary ng wine company niya.
*****
MEDYO traffic kaya hindi ako magtataka kung late na kami. Nakarating kami ng 7:25 sa venue. Maraming sasakyan sa labas yung iba ay luxury cars, kaya sigurado ako na bigatin ang mga kasosyo ni Mateo sa negosyo niya.
Unang lumabas ng sasakyan ay si Mateo at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya ako palabas ng sasakyan bago binuksan ang pinto ng backseat. Inalalayan niya si Maia palabas bago ito binuhat muli. Hinapit nito ang aking beywang at hinalikan ang aking noo.
Naglakad na kami papasok ng venue, pagkapasok ay sinalubong kami ng ilang mga bisita ni Mateo. Binati nila si Mateo at tinanong din kung sino kaming kasama niya. Kaya pinakilala kami ni Mateo sa kanila.
Nang makarating kami sa table na para sa amin ay nagtama ang mga mata namin ni Mathew. Walang pinagbago ang mukha niya, makapal parin.
Napatayo ito sa kanya kinauupuan. "Babe" sabi nito kaya tinaasan ko ito ng isang kilay. Oh god tinatawag niya parin ako sa dati naming endearment kahit matagal na kaming tapos. Seriously!
Mas lalo akong hinapit ni Mateo palapit sa kanya. Napatingin si Mathew sa brasong nakapulupot sa aking beywang.
"Dad, what is the meaning of this?"nagpalipat lipat ang tingin nito sa amin ni Mateo. Hindi pa ba obvious na may relasyon kami ng dad niya at stepmother niya na ako ngayon.
"Son, this is my wife, Michelle Garcia Dela Cruz, and this is our daughter, Maia Elle Dela Cruz." Hindi makapaniwalang tumingin siya sa'kin. I expect this, but I don't care.
"Bab-"hindi natuloy ang sasabihin nito ng dumating ang nanay ni Alysaa. Actually hindi ko sila kilala personally nakita ko lang sa magazines ang mukha nila.
"Balae, Kumusta?" malawak ang ngiti nito kay Mateo. Nabura ang ngiti nito ng lumipat ang tingin nito sa akin.
"Anong ginagawa mo dito babae?" halata sa boses nito ang galit pero imbes na matakot ay sinuklian ko ito ng isang mapang asar na ngiti na mas lalong nagpagalaiti sa kanya sa galit. Sa totoo lang trip ko lang asarin ang nanay ni Alysaa, Naalala ko lang kasi yung pagtawag niya sa akin na kabit. Ayokong tinatawag ako nang ganun, hindi siya maganda sa tenga.
Tumingin ito kay Mateo."Balae bakit mo kasama ang babaeng 'yan?"
"First, she's my wife, and second, stop calling her babae because she has a name." walang emosyon sabi ni Mateo.
Napasinghap naman ito pero kalaunan ay peke itong ngumiti sa akin. Grabe ang plastik ah, kanina lang parang kinasusuklaman niya ako. Hindi nalang namin ito pinansin at umupo nalang. Pinag gigitnaan namin si Maia.
Ramdam ko ang bawat titig nila pero wala akong pakialam dahil ang atensyon ko ay nasa asawa at anak ko lang.
Nilapit ni Mateo ang labi sa aking tenga. "You are so hot as hell, honey." nginisian ko naman ito at ginantihan ang pang aakit niya.
"Oh, really, Daddy?" mas pinalambing ko ang aking boses. Napalunok itong lumayo. Talo pa siya eh. Akala niya siya lang may kayang mang akit.
"Babe, can we talk?" nabaling ang atensyon namin ni Mateo ng magsalita si Mathew. Sinulyapan ko si Mateo pero nag iwas ito ng tingin sa'kin. Pinaka ayaw ko pa naman kapag pinagseselos si Mateo.
"Yeah sure pero gusto ko dito tayo mag uusap." Satingin ko nga wala na dapat kaming pag uusapan pa eh. Matagal na naman kaming tapos. Ano pa dapat ang pag usapan namin?
"Babe, let's talk privately, please." Pagsusumamo nito. Privately, my ass.
Aba ang kapal talaga ng mukha tinatawag parin ako sa dati naming endearment, Hindi ba siya nahihiya nasa harap kami ng asawa ko at yung anak niya naririnig ang pinagsasabi niya baka anong isipin ng bata. Gagawin pa akong masama sa harap ng ibang tao.
"No, Kung gusto mo ko makausap dito tayo mag uusap" pinatawag ni Mateo sa kanyang secretary si Linda para kunin si Maia at yung anak ni Mathew.
Buti nalang at inimbitahan ni Mateo si Linda para maging kadate ng secretary niya. Hindi namin nakasabay si Linda kanina dahil yung secretary ni Mateo ang sumundo sa kanya.
"Anong pag uusapan natin?" tanong ko nang makaalis ang mga bata. Ayokong marinig ng mga bata ang pag uusapan namin.
"Babe, why do you leave me?" Seriously! itatanong niya talaga yon.
"Mathew, can you please stop calling me babe?" inis kong sabi.
"Why?"napabuga nalang ako ng hangin dahil sa sobrang inis ko sa kanya.
"Really, you need to ask me that! Okay, I don't want you to call me that because we broke up 4 years ago and you disrespected my relationship with my husband in front of me. That's the thing that I don't let happen, and one more thing, why don't you ask yourself the reason why I left you?" pikon kong paliwanag sa kanya. Baka kasi nabarog ang ulo niya at nakalimutan ang katarantadohan na ginawa niya before. At sinira niya pa talaga ang birthday party ng tatay niya dahil pagiging immature niya.
Tumingin ako kay Mateo at diretso lang mga mata nitong nakatitig sa'kin. Nginitian ko ito pero nag iwas lang ito ng tingin. Lumipat ako sa upuan ni Maia kanina. Pinagsiklop ko ang mga palad namin.
Lumingon ito sa'kin halata sa reaksyon niya na nagulat ito sa ginawa ko. "Let's dance" pang aanyaya ko sa kanya. Tumayo ito at marahan akong hinila patungo sa dance flor. May mga iilan na mag partner na sumasayaw.
Mas hinapit ako ni Mateo sa beywang kaya dumikit ang noo ko sa kanyang baba. Nadagdagan ang height ko dahil sa heels na suot ko kaya umabot ako sa baba ni Mateo. Sinabit ko ang aking mga braso sa kanyang leeg at sinabayan namin ang sounds sa galaw ng aming katawan.
"I love you honey" malambot at malambing sabi. Pagganto siya alam kong may bumabagabag sa isipan niya.
"I love you too hon" Sigurado na ako sa nararamdaman ko. Mahal ko na siya. Wala akong ibang maramdaman ngayon kung hindi ang mabilis na pagtibok ng puso ko.