TWELVE

2329 Words
Michelle HABANG tinatapos ang pagdidisenyo sa cake ay nakarinig ako ng ugong ng sasakyan. Isa lang ang ibig sabihin niyan nandito na siya. Pumunta ito sa opisina dahil may kailangan siyang kunin. Akala ko matatagal pa siya dahil malayo ang opisina niya mula dito, ilang oras ang byahe niya kapag pumupunta siya doon. Bakit ang bilis niya? Mga dalawang oras palang noong umalis siya. Wala akong choice ngayon kundi bilisan sa pagdidisenyo dahil alam ko maya maya ay papasok na siya sa bahay. Mabuti nalamang ay konting disenyo nalang ang kulang at tapos na. Nang matapos ay nakahinga ako nang maluwag dahil maganda naman ang kinalabasan. Mabilis kaming nagtago ni Maia sa ilalim ng kitchen countertop. Iniwan namin sa ibabaw ng countertop ang cake dahil baka dumulas sa kamay ko at masayang pa. Nang marinig namin ang pagbukas ng pinto ay napahagikgik kami pareho ni Maia. "Honey, where are you?" rinig namin ang bawat yabak niya patungo sa pwesto namin. Kaya nagkatinginan kami ni Maia. "Mama labas na po tayo" mahina nito bulong. Tumango ako at sabay kaming lumabas. "HAPPY BIRTHDAY MATEO" "HAPPY BIRTHDAY DADDY" magkasabay naming bati ni Maia. Ang gulat na ekspresyon nito sa mukha ay napalitan ng saya. Kinuha ko ang kandila sa gilid ng cake at sindihan. "Make a wish" nakangiti kong sabi habang tinatakpan ang gilid ng kandila para hindi mamatay. Pumikit ito at pinagsiklop ang mga kamay. Nang matapos ang pagwish nito ay minulat nito ang mga mata at hinipan ang kandila. Nagtama ang aming mata halata parin sa mukha nito ang saya. Hindi ako magsasawa na makita ang asul nitong mga mata na may saya. "Daddy buhat" binuhat nito si Maia at lumapit sakin. Hinalik- halikan nito ang tuktok ng ulo ko habang paulit ulit na nagpapasalamat. "You're welcome, sige na pumunta na kayo doon" Iniwan nila ako sa kusina at pumunta patungo sa sala. Kumuha ako nang mga platito bago hiwain ang ube cake na isa sa mga paborito na pagkain ni Mateo. Mabuti nga natatandaan ko ang mga kuwento sakin ni Mathew tungkol kay Mateo kasama na roon ang mga paborito nitong pagkain. Tuwing may celebration sa hacienda ay bumibili si Mathew ng pasalubong na pagkain para kay Mateo, na nakukuwento niya sa akin. Nalaman ko na birthday ni Mateo ngayon ng magmessage sa akin si Laura kung anong daw ang handa. Nagcrave raw siya bigla sa cake na galing sa birthday-yan. Mamaya ay ipagtatabi ko siya para makuha ng fiance niya yung cake. Habang naghihiwa sa pangatlong slices ay may yumakap sa aking beywang. "Mateo bakit mo iniwan si maia doon?" pinatong nito ang baba sa aking balikat. "She watches Tom and Jerry on my cellphone, and I make sure the door is locked before I go here." "Honey gusto mo bang mag aral ulit?"natigilan ako sa tanong niya. It's been eight years since I stopped. Pumasok sa isip ko ang mag aral ulit pero nandoon ang pagdadalawang isip lalo na ang top priority ko ay si Maia, pati mahal magculinary school hindi kaya nang budget. "Mateo matanda na ako para mag aral" sagot ko rito pero isang talaga sa mga pangarap ko ang makapagtapos ng pag aaral dahil ayun ang pangako ko sa mga magulang bago sila mamatay sa aksidente at siyempre pangarap ko rin sa sarili ko ang makahawak ng diploma. "No, that's not true! You're just 28 years old; you can still go to university to take the courses you want and wala sa edad iyun honey kahit sino pwedeng mag aral matanda man o bata" napabuntong hininga nalang ako kasi alam kong talo ako pagdating sa kanya. Sa halos na dalawang buwan na magkasama kami ay paunti unti ko siya nakikilala. Hindi ko naman masasabi na kilalang kilala ko siya pero may alam na ako tungkol sa kanya. Ayon ang importante. "Paano si Maia kung mag aaral ako ulit?" tanong ko. Tinanggal nito ang pagkakapatong ng kanyang baba sa aking balikat at pinihit ako paharap sa kanya. "You don't have to worry, honey; I can take care of Maia while you're studying, and I want you to focus, okay?" napangiti ako sa mga sinabi niya. Tama talaga ang desisyon kong pakasalan siya. Grabe sobra ko bang bait para bigyan ng gantong kabait at understanding na asawa. Kahit 18 years ang gap ng age namin ay hindi yon naging hadlang para magustuhan ko siya. Feeling ko ang love language ko ay words of affirmation dahil mas nahuhulog ako sa kanya lalo na sa mabulaklak nitong mga salita. Dumukwang ako palapit sa kanya at hinalikan siya sa labi. "Thank you so much Mateo." "You're always welcome honey" hinalikan nito ang aking noo. "I think I should buy more cond-ms starting today" pakiramdam ko parang nagkulay kamatis ang mukha ko sa sinabi niya. Wala pa sa plano namin ni Mateo na sundan si Maia sa ngayon dahil ang gusto namin ni Mateo ay mapunan ni Mateo ng mas maraming atensyon si Maia lalo na apat na taon siya wala sa tabi namin. Kaya para hindi ako mabuntis ay gumagamit na si Mateo ng condom. Nahihirapan pa nga raw siya maghanap dahil wala raw siyang mapagbilihan ng extra large na condom sa mga drug store kaya online nalang siya bumibili. Natawa naman ito sa hitsura ko na namumula ang buong mukha. Inirapan ko ito at nagpatuloy sa paghihiwa. "Honey, we have a party celebration right?" napatampal ako sa noo, ay shocks ngayon ko lang naalala na may party celebration pala siya mamayang 7pm. Bakit ko ba nakalimutan, Kainis! "Sorry nakalimutan ko, hindi tuloy ako nakabili ng susuotin natin" ilang araw na kasi ang lumipas ng sinabi niya ang tungkol doon, sa sobrang busy ko sa shop ay kaya nakalimutan ko. "Don't worry, honey, I got you" kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "What do you mean?" "I know you are busy these few days; that's why I decided to buy a sexy dress for you, and for our daughter, I bought a cute dress, so yeah, you don't have to worry." Dati ba siyang boy scout? Lagi siyang ready eh. Simula sa wedding ring and engagement ring, plus ngayon. Nang matapos ako sa paghihiwa ay inilagay ko yung tira sa loob ng refrigerator at inaya na si Mateo patungo sa sala. Nanatiling nakayakap ang kanyang mga braso sa aking beywang. Kaya mukha kaming ewan habang naglalakad. Nang marating namin ang sala ay nakita namin si Maia na busy pa rin kakapanood ng Tom and Jerry sa phone ng daddy niya. "Maia tama na yan" suway ko rito dahil baka maagang lumabo ang mga mata nito. Sumunod naman ito at lumapit sa daddy niya sabay abot ng cellphone. "Thank you daddy" anito pagkatapos maiabot ang cellphone sa daddy niya. Kinuha nito ang tray na hawak ko at nilapag sa mesa. "Mateo bitiw na" pilit ko inaalis ang braso nito ngunit mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakayap ng braso. Umiling ito "No" hay nako ang tigas talaga ng ulo nitong gurang na'to. "Daddy bitiwan niyo po si mama ko" ani ni Maia sa daddy niya habang kumakain ng ube cake. Bumitaw ito sa pagkakayap at padabog umupo sa single sofa, nakanguso ito habang nakakrus ang mga braso. Isip bata talaga. Siya yung gurang na may pag isip bata. Umupo ako sa tabi ni Maia at kumuha ng isang sa mga platito na may lamang ube cake. Pagkatikim ko ay masarap naman, sakto lang ang lasa hindi sobrang tamis. Pasok siya sa pang lasa ko dahil gusto ko yung cake na kakainin ko ay sakto lang ang lasa. "Mateo dito ka" aya ko sa kanya. May konti pang space sa sofa, siguro kakasya pa siya. Tumayo ito sa pagkaupo at lumapit sa akin. Tinuro ko ang konting space sa sofa. Uupo sana ito pero hindi siya kasya. Sasusunod ay bibili na ako nang malaking sofa para kasya kaming tatlo. Wala itong nagawa kung hindi umupo sa sahig. Tumapat siya sa harap ko. "Say Ah" ngumanga naman ito kaya sinubukan ko ng ube cake. Lagi niya akong binibaby kaya ngayon siya naman tutal birthday niya. "Masarap?" nakangiti itong tumango. Nakuha ko ang pang lasa niya. Pagkatapos naming kumain ay nagpresinta si Mateo na siya na ang maghuhugas ng pinaggamitan ko sa pagluluto at ang mga pinagkainan namin. Habang nasa sofa ay nag message si Laura sakin na kukunin ng fiance niya na yung cake. Tumayo ako at pumunta sa kusina. Naghanap ako nang pwedeng paglagyan ng cake. Wala akong mahanap na container na pwedeng lagyan, except sa baonan ni Maia na barbie. Bibilihan ko nalang si Maia ng bago. Kinuha ko sa ref ang cake, at naghiwa ako nang tatlo. Nilagay ko sa baonan ang cake na hiniwa ko. "Honey, para sa akin ba yan hmm?" tanong nito at bahagyang inaamoy ang buhok ko. "Hindi" sagot ko, Tumigil ito sa pag amoy sa buhok ko at tumingin sa akin ng may pagtataka. "Para 'to kay Laura" tumango ito at bumalik sa pag amoy sa buhok ko. Nang marinig namin na may kumakatok ay umalis si Mateo para pagbuksan ang kumakatok. Naghanap ako nang pwedeng lagyan nitong baonan. "Honey" tawag sa akin ni Mateo. "Hmm?" tugon ko habang busy sa paghahanap ng paper bag. Nang makahanap ako ay chineck ko kung may dumi or may something sa loob pero wala naman. Mukhang bago rin naman. Nilagay ko sa loob ng paper bag ang baonan na may lamang cake. Nag angat ako nang tingin at doon ko nakita na may kasama siya. Yung fiance ni Laura. "Laura told me that you had a cake for her." tumango ako at inabot sa kanya ang paper bag. "Nag message kasi sakin ang asawa mo, ang sabi nagcrave raw siya sa cake na galing sa birthday-yan kaya naisipan ko na ipagtabi siya" paliwanag ko ngunit ganun nalang ang gulat ng ngumiti ito. "I've got to go, guys. Thank you for the cake, Michelle." tipid na ngiti ang sinukli ko. **** NAG IIMPAKE ako nang mga damit na nagagamitin namin ni Maia para ilang araw namin na pananatili sa hacienda. Napag usapan kasi namin ni Mateo na sa hacienda muna kami tutuloy ng ilang araw. Para hindi mahirapan siya samin mamaya, especially malayo pa ang byahe simula dito hanggang hacienda kaya naisipan namin na maaga umalis. Baka kasi maabutan kami ng traffic at magcause pa nang delay. Kaya pumayag din ako para makapag enjoy kami ni Maia sa paglilibot sa hacienda. Namiss ko ang hacienda lalo na ang magandang kapaligiran nito. Mas lalo kaming makakapag relax dahil preskong hangin na galing sa mga pananim ni Mateo. Nakarinig ako nang katok sa pinto kaya napalingon ako. "Done honey?" buhat-buhat ni Mateo si Maia, bukas ang pinto kaya kitang kita ko silang mag ama. Kung kanina ay nakapolo siya, Ngayon ay naka white t-shirt with black joggers pants siya. Bakat ang magandang katawan nito sa suot na t-shirt. He's so hot. Dapat ako lang makakita niyan. "Honey, are you okay?" Lumapit ito sakin at nilagay ang kanyang palad sa noo ko. Inalis ko ang palad nito sa noo ko. "Ayos lang ako" sagot ko. Bago ipinagpatuloy ang paglalagay ng mga damit namin sa isang bagahe na ipinabili ni Mateo sa kanyang secretary kanina. "Are you sure? Namumula ang buong mukha mo. Gusto mo ako nalang dyan at magpahinga ka nalang." "H'wag na, ayos lang ako" humarap ako sa kanya at masuyo kong hinaplos ang kanyang pisingi pababa sa baba niya. May patubo na naman siyang bigote. Hinalikan ko ang magkabila nitong pisingi. "Okay, but please tell me if you're tired." "Yes po daddy" natatawa kong wika at sinara ang bagahe. "What do you say?" seryoso ang tono ng boses nito. This is my time to shine. Lumingon ako sa kanya at mapang akit siyang tinignan. "I don't like the t-shirt you wore; I'm the only one who can see your body. You're mine, Mateo. You're mine, right, daddy?" nilagay ko ang kamay ko sa dibdib niya at dahan dahan ibinaba hanggang sa abs niya. Halata sa itsura nito na nagtitimpi siya dahil ayaw niyang magising si Maia. Yumuko ito at hinalikan ako sa pisingi hanggang papuntang tenga. "Of course, honey, I'm yours, but prepare yourself for being tied to my bed." napakagat ako sa labi ko. Lumayo ito at tinignan ako nang may pagnanasa sa mga mata, bumaba ang mata nito sa labi ko. "f**k this" hinablot nito ang batok at siniil ako nang isang malalim na halik. Sinadya kong iawang ang aking labi para maipasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko. "Hmm" daing ko ng sipsipin nito ang dila ko. Ako ang pumutol sa halikan namin dahil baka magising si Maia. Umalma ito ngunit pinandilatan ko siya ng mga mata. Pigil ngiti ako na tumalikod sa kanya para kunin ang shoulder bag ko. Nagantihan ko rin siya sa wakas. "Tara na" aya ko sa kanya at kinuha ko ang bagahe sa may kama. Lalabas na sana ako habang hila-hila ang bagahe ng pigilan ako ni Mateo. "Ako na dyan, alam kong mabigat yan" siya na ang naghila palabas. Gentleman talaga ang asawa ko. Nagising si Maia saktong paglabas namin ng bahay, nagpababa ito sa daddy niya at kumapit sakin. We make sure na bunot lahat ng appliances at patay ang gasul. Mahirap na baka wala na kaming bahay na uwian dito. Si Mateo na ang nagsara ng bahay at gate. Pinagbuksan niya ng pinto sa backseat si Maia at pinasakay sa loob, sinuotan niya rin ng seatbelt. Sumakay naman ako sa passenger seat at sinuot ang seatbelt. Nilagay ni Mateo ang bagahe sa car trunk bago sumakay. Nagsimula na itong magmaneho, nilingon ko saglit si Maia at nakita kong nanonood siya sa cellphone ng daddy niya. Habang nasa biyahe ay nakaramdam ako ng antok. "Here, I think you need that, honey." inabot niya sa akin ang isang neck pillow. Tinanggap ko ito at sinuot sa leeg. May pinindot ito sa may gilid kaya na-adjust ng unti ang inuupuan ko. Naging mas komportable ang pag upo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD