Michelle
BUSY ako sa paglalagay ng disenyo sa mga cakes dahil yung iba ay kailangan ng idelivery bukas. Kailangan pang ibox ang mga 'to kaya dapat mabilis ngunit maayos.
"Ma'am tumutunog po yung telepono niyo" sabi nang isa sa mga staff ko. Tinigil ko muna panandalian ang aking ginagawa at tinanggal ko ang gloves na suot bago kinuha sa kanya ang aking cellphone.
"Salamat" ani ko at ito na muna ang nagtutuloy sa aking ginagawa.
Tinignan ko muna kung sino ang tumatawag bago ito sinagot. Si Laura, siguro tungkol 'to sa cake kaya siya tumawag.
"Mich malapit na kami, ready na ba yung cake na ipapatikim mo samin" napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Ngayon? akala ko sa susunod na araw pa pati akala ko siya lang dahil busy ang sweetheart niya. Mabuti nalang yung cake na gusto niya ay meron pang natitira dito sa bake shop dahil best seller namin yon eh. Mabilis maubos kada araw.
"Akala ko ba Laura ikaw lang ang titikim dahil busy ang future husband mo" ikakasal na kasi ito sa long time boyfriend nito, akala ko nga dati ay itutuloy nito ang pagmamadre.
Kilalang-kilala ko kasi ito dahil magkaibigan kami simula bata palang kaya alam kong gusto niya talagang magmadre pero ganun nalang ang gulat ko ng malaman kong magpapakasal na pala ito.
Si Laura ang tumulong sakin nung wala na akong mahingian ng tulong. Siya ang nagpagawa ng pastry shop na'to since kay Tita ang lupang tinitirikan nito kaya wala akong problema sa pagbabayad ng renta. Hindi maaangkin ng kamag anak ko ang bahay at ang lupang ito dahil sa akin ni Tita ipinangalan ang titulo bago ito mamatay. Matandang dalaga kasi si Tita.
Yung savings ko naman na dapat gagamitin ko sa pagpapagawa ng pastry shop ay ginamit ko sa aking pagbubuntis kay Maia noon kaya noong nanganak ako ay naubos iyun.
Marunong ako sa pagba-bake dahil dati palang naging hilig ko na'to ngunit hindi ko masyadong napagtuonan ng pansin dahil busy ako masyado. Kaya noong buntis ako kay Maia ay nag aaral ako through watching videos online at after kung manganak ay sumugal ako sa pagne-negosyo syempre sa pamamagitan ng tulong ni Laura. Madami akong natutunan dahil sa experience and from cook book that I brought.
Paunti unti kong binabayaran si Laura dahil ayoko naman na abusohin ang kabaitan ni Laura noh.
"Hindi siya busy ngayon kaya sabay na kami pupunta kasama rin namin ang dalawa niyang mga kaibigan para matikman din nila ang masarap mong cake" tumango ako kahit alam kong hindi niya nakikita. Mahaba ang naging pag uusap namin pero kailangan na namin putulin dahil kailangan ko ihanda ang cake na ipapatikim sa kanila.
"Oh sige, ingat kayo" nagpaalam na ako sakanya bago pinutol ang tawag, at ibinalik ang cellphone ko sa bag.
Ako na muli ang nagtuloy sa pagdidisenyo. Umabot ng ilang minuto bago ko natapos. Saktong pagpasok ng isa sa mga staff ko "Ma'am nandyan na po sila ma'am Laura"
"Ah sige, pakisabi saglit lang" inayos ko muna ang mga ginamit ko. Pagkalabas ko ay pinuntahan ko kung saan nakatable sila Laura.
Nakita ko si Laura na busy sa pagkain ng kanyang cake at yung tatlong lalaki na kasama niya ay hindi ko masyadong makita dahil nakatalikod ito sakin.
"Laura" tawag ko rito. Napahinto naman ito sa pagkain niya ng cake at lumapit sakin.
"Mich" niyakap ako na akala mo ilang taon na kami hindi nagkikita. Ilang araw kasi siya nagstay sa manila kaya ilang araw kami hindi nagkita. Baka nga doon na sila tumira eh.
Humiwalay ito sa pagkakayap ng may tumikhim. Humarap ito ngunit nanatiling nakayakap ang braso sa aking beywang.
"Mich, this is my fiance" sabay turo sa lalaking maraming tattoo pati rin ang leeg nito pero hindi ito nakabawas sa kanyang appeal bagkos ay mas nagpadagdag lalo ito. Kakaiba rin ang aura nito, parang nakakatakot itong kalabanin.
"Michael, this is Michael, my best friend since we were kids." pakilala nito sakin.
"Nice to meet you" bati ko rito pero hindi ako nito pinansin at nanatiling nakatitig kay Laura. Hindi naman ako na offend bagkos ay napangisi ako, mukhang nakabihag si Laura ng malaking isda na gwapo ah.
"This Michael friend, Zaus" turo doon sa lalaking patuloy parin sa pagkain ng cake at parang may sariling mundo.
"And lastly, this is Mateo" kumabog ng matindi ang aking puso ng marinig ko ang pangalan na iyun. Hindi ko mawari kung bakit. Michelle tandaan mo maraming Mateo sa mundo. Tumango ako sa aking isipan.
Sinundan ko kung saan siya nakaturo halos mabuwal ako sa aking kinakatayuan ng makita kung sinong Mateo ang tinutukoy niya.
"Tito Mateo" gulat kong sabi. Kinakabahan ako pero mas nangibabaw ang gulat dahil dito pa talaga kami magkikita sa mismong pastry shop. Grabe ang tadhana.
"Michelle" sambit nito habang matiim na nakatitig sakin. Baka naalala nito ang pag iwan ko sa kanya sa condo. Wala naman akong choice that time eh.
"Mich magkakilala kayo?"nagpalipat lipat ang tingin ni Laura samin.
"Oo,magkakilala kami" natural siya lang naman ang tatay ng anak ko at tatay ng ex boyfriend ko.
"Paano kayo nagka-" naputol ang sasabihin nito ng may pamilyar na boses ang palapit sa pwesto namin. Naalala ko na uwian na pala nila Maia ngayon kaya natural ay dito siya ididiretso ni Linda. Kung kanina ay gulat ang nangingibabaw, ngayon ay kaba na.
"Mama" tumakbo ito papunta sa pwesto namin.
"Mama, I get a five stars kasi good girl daw ako" bakas sa boses nito ang pagmamalake.
"Oh really" hindi ko pinahalata sa aking boses ang kabang nararamdaman at pilit na ngumiti.
"Yes po, Mama" ngumiti ito kaya nagsilabasan ang maliliit nitong ngipin.
"Maia" lumingon ito kay Laura nang tawagin niya ito.
"Ninang Laura" lumapit ito atsaka niyakap ang beywang nito.
"Ninang miss na po kita"tinaas nito ang kamay na animong nagpapabuhat.
"Miss na rin kita Maia, sorry hindi ka pwedeng buhatin ni Ninang eh" nanghihinayang na sabi ni Laura.
"Bakit po?" malungkot nitong tanong.
Tumayo yung fiance ni Laura at ito na mismo ang bumuhat kay Maia.
"Because your Ninang Laura is pregnant" paliwanag nito.
"Magkakaroon na po ako nang kalaro?" inosente nitong tanong
"Yes, Maia" sagot ni Laura habang hinihimas ang kanyang tiyan. Ako naman ay hindi mapakali dahil sa kabang nararamdaman. Pilit kong iniiwas ang aking mga mata sa kanya.
"Michelle, let's talk" napatingin kaming lahat pati narin yung Zaus ang pangalan kay Mateo.
"Mama, look, we have same eye color" sabi ni Maia, alam kong napansin din iyun ni Tito Mateo.
"Okay, in my office" buti nalang hindi ako nautal na labis kong pinapasalamat. Pinagkatiwala ko muna si Maia kay Laura at Linda.
Dumiretso kami sa office ko, pagkapasok namin ay namayani ang katahimikan sa aming dalawa.
Si Tito Mateo ang bumasag sa katahimikan.
"She's our daughter, right?"Imbes na sagutin ang kanyang tanong ay nagtanong ako pabalik.
"Hindi mo naman siguro siya kukunin sakin diba?" papasaan pa kung itatanggi ko pa.
Umiling ito "No, why should I do that? She's our daughter kaya may karapatan tayo parehong dalawa sakanya" parang nabunutan ako ng tinik saking dibdib ng marinig ko ang kanyang sinabi. Akala ko aabot pa sa korte 'to eh. Salamat naman at malawak ang pang unawa niya.
"Sorry" nagulat naman ako dahil hindi ko alam kung para saan siya nagsosorry dapat nga ako ang mag sorry eh dahil tinago ko sa kanya si Maia for almost 4 years.
"Sorry? para saan Tito Mateo?"tanong ko rito.
"For taking advantage of you four years ago." natigilan ako. Nahismasan naman ako noong panahon na yon at alam ko sa sarili ko na gusto ko siyang halikan.
"Parehas tayong may kasalanan doo-" naputol ang aking sasabihin ng magsalita ito.
"No, ako yung nasa tamang pag iisip ng gabing iyun dapat ay mas nagpigil ako at lasing ka non kaya mo ako na halikan"paliwanag nito. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng aking puso hindi alam kung bakit.
"I'm really sorry, honey, for taking advantage of you." bakas ang pagiging sinsero sa boses nito.
"Tito Mate-"
"Stop calling me tito"madiin nitong ani. Bakit parang galit ka?
"Bakit?" taka kong tanong.
"Because we have a daughter now, you and my son broke up four years ago, so you don't have a reason to call me Tito." Tama naman siya may anak na kami kung marinig niya na tinawag ko ang daddy niyang tito baka kung ano ang isipin niya. Ayoko rin na may hindi magandang sabihin ang ibang tao tungkol kay Mateo pati kay Maia.
"Okay" tangi kong sagot. Paano ko 'to ipapaliwanag kay Maia?
Katahimikan ulit ang namayani saming dalawa pero hindi rin nagtagal dahil binasag ito ulit ni Mateo.
"Honey, let's get married" bahagyang umawang ang aking mga labi at nanlaki ang mga mata dahil sa tinuran nito. Kasal agad? Hindi ba pwedeng boyfriend at girlfriend muna.
"W-what?"
"Kung iniisip mo kaya kita niyayang magpakasal dahil sa anak natin, isa narin yun sa mga rason ko pero kaya kita gustong pakasalan because I love you honey" hindi ko alam ang sasabihin ko, biglang na blangko ang isip ko dahil sa sinabi niya. I-I love you? kailan pa? Kaya ba ganun siya umakto dati sa akin dahil mahal niya na ako.
Lumapit ito. "Hindi kita minamadali honey, i can wait" hinalikan nito ang aking noo at pinagdikit ang mga noo namin. Kusang pumikit ang aking mga mata.
"I love you Michelle" ramdam ko ang matinding pagbilis ng t***k ng aking puso.
"K-kailan pa?" nanghihina kong tanong sa kanya. Minulat ko ang aking mga mata kung kaya't nagkasalubong ang aming mga mata.
"Matagal na" nakakatitig ito sa aking mga mata habang sinasabi iyon.
___
A/N: (ʘᴗʘ✿)