Michelle
AFTER no'ng nangyari sa office ay napagkasunduan namin na ipapakilala ko siya kay Maia. Hindi ako nahirapan sa pagpapakilala sa kanya lalo na matalinong bata si Maia, naintindihan niya kaagad ang mga bagay-bagay kapag pinaliwanag mo sa kanya nang maayos.
Nang makilala ni Maia ang daddy niya sa tuwing dadalaw ito sa bahay ay halos hindi niya ito pauwian. Umiiyak ito kapag uuwi na ang daddy niya, bilang Ina niya hindi ko naman kayang tiisin ang anak ko. Kaya napagdesisyunan namin ni Mateo na magsama sa iisang bubong, bilang isang pamilya. Binabawi ko na yung sinabi ko na para ko na siyang tatay.
Tinanong niya ako kung gusto kong tumira kami sa hacienda pero hindi ako pumayag dahil yung pastry shop ko ay nandito. Masyadong malayo ang hacienda. Tinanong ko rin siya kung ayos lang bang malayo siya sa kanyang opisina, ang sabi niya ayos lang daw dahil mas importante kami. Kakaiba talaga siya.
Habang nagluluto ako nang hapunan namin ay may matigas na mga braso ang yumakap sa aking beywang. Ramdam ko ang mainit nitong hininga.sa aking tenga. "Honey, we're hungry" sinubsob nito ang mukha sakin leeg. Simula ng tumira kami sa iisang bubong ay ganto siya, no'ng una ay hindi ako komportable hanggang sa masanay na ako. Hinayaan ko nalang din siya baka kasi ang love language niya ay physical touch.
"Malapit na'tong matapos, Pumunta ka ulit doon baka hanapin ka ni maia" malumanay kong wika. Naiwan kasi si Maia sa dining area, wala siyang kasama doon.
"Okay" tinanggal nito ang pagkakayakap sa akin at pagkakasubsob ng mukha saking leeg. Pero bago siya umalis sa kusina ay hinalikan niya muna ang pisingi.
Napahawak ako sa dibdib, nang maramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng aking puso sa hindi malamang dahilan. Bakit ganto ang nararamdaman ko? Gusto ko na ba siya o baka mas higit pa doon. Malalaman ko rin kung ano 'to, hindi pa siguro ngayon.
Nang matapos akong magluto ay kumain na kami, Habang kumakain ay nagkukuwento si Maia tungkol sa crush niya raw sa school kaya ang mukha ni Mateo ay hindi maipinta. Kalaunan ay napuno ng tawanan ang hapag kainan dahil sa corny jokes ni Mateo.
Pagkatapos naming kumain ay inayos ko ang mga pinagkainan namin at pinatulog naman ni Mateo si Maia sapagkat maaga pa ang pasok nito sa school bukas.
At dahil dalawa lang kwartong available sa bahay namin, yung isa ay para kay Maia at yung isa para sakin kaya nagdesisyon ako na tabi kaming matutulog ni Mateo dahil ayoko ko siyang matulog sa papag at sofa kasi alam kong hindi siya komportable kapag doon siya natulog.
Naghilamos muna ako nang katawan bago humiga at si Mateo naman ay naliligo dahil napawisan ito kakalaro nila ni Maia. Pinipilit ko ang sarili ko na matulog ang kaso hindi talaga kaya naisipan kong basahin ang recipe book para sa bagong recipe ng cake na gagawin ko.
Habang nagbabasa ay rinig ko ang pagbukas ng pinto dito sa kwarto, Tapos na itong maligo. Kumalat sa buong kwarto ang mabango nitong body wash.
Tumigil ako sa pagbabasa at nag angat ng tingin. Nagtama ang aming mga mata pero dahan dahan bumababa ang aking tingin sa katawan nito. Wala paring nagbago sa katawan nito, Malaki at matigas parin. Kitang kita ko ng malinaw ang tattoo nito sa tagiliran dahil nakatopless ito.
Nakasuot ito ng boxer sa pang iibaba. Nung una kaming nagkasama sa kwarto ay naiilang pa ako dahil wala itong suot sa pang itaas at tanging boxer ang suot. Kalaunan nang ilang araw na kaming natutulog ng magkasama ay nasanay na ako. Hinayaan ko narin dahil alam kong komportable siya ng nakahubad. Kaya nga naging pamilyar na ako sa mga nunal nito sa katawan dahil nakakasama ko siya sa kama.
Tumikhim ito kaya mabilis akong nag iwas ng tingin sa katawan nito. Baka mamaya ay isipin niya pinagnanasahan ko siya.
Lumapit ito sa kama at hihiga na sana ng magsalita ako. "Matutulog ka nang basa ang buhok mo Mateo baka sumakit ang ulo mo niyan paggising mo bukas" tumayo ako at kinuha ang blower sa cabinet.
"Halika rito, Tumalikod ka" sinunod nito ang utos ko. Sinaksak ko muna ang blower at pagkasaksak ay sinimulang ko ng iblower ang kanyang buhok habang sinusuklayan. Nang matuyo ay binunot ko ang pagkakasaksak ng blower at binalik sa cabinet.
Pagbalik ko sa kama ay umupo ako habang nakahaba ang mga paa. Mas komportable ako kapag ganto. Hindi ko pa tapos basahin yung recipe book. Kukunin ko na sana ang recipe book na sana side table ng humiga si Mateo sa aking mga hita at sinubsob ang mukha sa aking tiyan.
"May problema ba?" tanong ko rito dahil napapansin kong kanina pa siya tahimik. Hindi ako sanay na ganyan siya.
Inalis nito ang pagkakasubsob ng mukha sa tiyan ko. "Honey, we have a party celebration for my birthday, and for our 5th year of company, I want you and our daughter to come with me. It's that okay with you?" Tumango ako habang sinusuklayan ang malambot nitong buhok.
"Ayos lang sakin" Binalik nito ang pagkakasubsob ng mukha sa aking tiyan at niyakap ang beywang ko .
"Mateo" tawag ko rito.
"Hmm?"
"Pumapayag na ako" Ilang linggo ko nang pinag iisipan ang alok niyang kasal. Gusto kong itry kung magw-work ba ang saamin ni Mateo. Alam kong may posibilidad na hindi magwork pero atleast I tried, wala akong pagsisisihan sa huli dahil hindi ko sinubukan. Gusto ko rin makumpirma ang nararamdaman ko sa kanya. Alam ko masyado pang maaga para makaramdam ako nang pagkagusto o pagmamahal sa kanya pero anong magagawa ko. Hindi ko naman kontrolado ang puso ko.
Inalis nito ang mukha sa aking tiyan at nagugulahan akong tinignan. "Pumapayag na akong magpakasal tayo" nanlaki ang mga mata nito at bahagyang umawang ang kanyang labi na para bang hindi siya makapaniwala.
"Really?"bakas sa boses nito ang saya.
"Oo" napabalikwas ito ng bangon at niyakap ako nang mahigpit.
"Wala nang bawian" napakunot ang noo ko nang umalis ito sa kama.
"Saan ka pupunta?"pumunta ito sa study table at may kinuha. Bumalik ito ngunit may hawak ng cellphone at dalawang maliit na box.
Umupo ito sa kama sa may bandang gilid ko, Binuksan nito ang isa sa mga box at bumungad sakin ang isang singsing na may pink na diyamente sa gitna. Kinuha nito ang kamay ko atsaka sinuot ang singsing sa aking daliri. Nang maisuot niya na sakin ay hinalikan nito ang likod ng palad ko habang nakatingin sakin ng may pagmamahal.
"Thank you, honey" sambit nito.
Ngumiti ako sa kanya. "You're always welcome."
Binababa muna nito ang isang box at may kung anong pinindot sa kanyang cellphone. Tumayo ito at lumayo kaya hindi ko rinig ang pinag uusapan nila ng kausap niya.
"Sino yung tinawagan mo?"tanong ko rito pagkaupo nito sa kama.
"Just someone, honey." Someone? Sino namang someone yun?
"Don't worry, it's just my friend." nakangiti nito ani. Awtomatiko na kumunot ang noo ko nang tumayo ito at marahan akong hinila patayo.
"Saan tayo pupunta?"hindi ako nito sinagot bagkos ay hinila ako papunta palabas ng kwarto.
Nang makarating kami sa sala ay pinaupo niya ako sa sofa at dumiretso siya sa pinto. Mas lalong Ikinagitla ng aking noo. Parang may kinausap ito sa labas. Sinulyapan ako nito at nginitian bago pinapasok ang isang lalaking nakasuot ng suit.
Tinignan ko ito ng naguguluhan. "Honey, this is my friend Rasell Monticello." pakilala nito sa lalaking naka suit.
Ngumiti ako rito. "Nice to meet you, Mr. Rasell Monticello." May iba pa pala siyang kaibigan, akala ko kasi si Zaus at yung fiance ni Laura lang kaibigan niya. Siguro dahil yung dalawa palang ang nakikita ko sa mga kaibigan niya.
Sinuklian ako nito ng tipid na ngiti. "Nice to meet you too, soon to be Mrs. Dela Cruz." base sa awra nito ay bakas ang pagiging seryoso sa mga bagay at hindi ko rin maipagkakaila na may angkin itong kakisigan kagaya ng dalawa pang kaibigan ni Mateo pero mas lamang si Mateo sa kanila.
"Honey, he's a lawyer. I called him because I want us to get married." nagulat ako sa kanyang tinuran dahil anong oras na alas nuwebe na ng gabi baka nga matutulog na si Attorney, inistorbo niya pa. Kaka-Oo ko palang sa proposal niya, kasal agad- agad.
Lumapit ito sa akin at hinapit ang aking beywang sabay halik sa aking sintido. "I am sorry, honey, if I called my friend this late at night and let him in without your permission. I'm just excited. Sorry again, honey."
"Ayos lang pero next time h'wag mo nang ulitin" tumango ito.
Tumikhim si attorney. "So let's start" sabay kaming tatlo umupo. Pagkaupo namin ay may nilabas na papel si Attorney sa kanyang attache case. Nilapag ni attorney ang papel sa lamesa at marahang itulak papunta sa amin.
Marriage Contract basa ko sa papel na inabot ni Attorney. May binigay si Attorney na ballpen kay Mateo. Nakafill up na lahat ng impormasyon na kailangan, perma nalang ang kulang. Mabilis na tinanggap ito ni Mateo at pinermahan ang marriage contract. Wala nang atrasan 'to.
Ako naman ang sunod, nang ibinigay ni Mateo sakin ang ballpen ay mawalang pagdadalawang isip ko ito pinermahan. Maingat ko ibinigay pabalik kay Attorney ang marriage contract.
Binalik ko ang tingin kay Mateo, nakita ko sa mga mata nito ang labis na saya. Ganun niya ba kagusto na maikasal kami. Hindi ko mapigilan ang sarili na ngumiti.
___
A/N: (◠‿・)