Bumaba agad ako sa likod ni Nazz at tuwid na tumayo. Muntik pa namin silang lagpasan kung hindi lang nagsalita si Ace. Ni hindi man lang namin napansin na nandito na kami sa harap ng arcade kaka-asar ko sa kanya. "Nakagat ko lang ang dila ko kaya nakalabas," pagdadahilan ko at pinandilatan ng mata ang kapatid. Baka kung anu-ano na naman ang lumabas sa bibig ng batang 'to at hindi ko matansya. "Paningkitan mo pa ako ng mata, dudukutin ko iyan." Dumila lang siya at pinag-cross ang kamay sa dibdib. "Nagsawa na kami't lahat-lahat pero hindi pa rin kayo nakakabalik. Hindi naman halatang—" bago pa niya matapos ang sasabihin ay tinakpan ko na ang bibig. "Ace, bibig mo ha!" pinanlakihan ko siya ng mata. "Gutom kana ba? Kumain muna tayo. Ako kasi gutom na." Pag-iiba ko ng topic na ikinangiti ng

