Sumilip muna kami sa labas ng restroom kung may taong dadaan pero dahil wala naman pinauna ko siyang lumabas saka ako sumunod. Mabilis niyang sinalag ang kamay ko nang kilitiin ko siya sa tagiliran. "Baby naman isa." Natatawa niyang untag. Nginusuan niya ako. Tumingkad ako para abutin ang kanyang labi at pinatakan iyon ng halik. "Sabihin mo na kasi kung saan sa bahay." Pangungulit ko pa. Umakbay siya sa akin nang magsimula na kaming maglakad. Patungo ata kami ng arcade para puntahan si Ace at Paul. Paniguradong enjoy na enjoy ang mga iyon to the point na hindi na nila kami maisip. Ang problema ko lang dito ngayon ay kapag napansin ng kapatid ko ang sugat sa aking binti. Uulanin ako no'n ng tanong. Bahala na nga, magpapaliwanag na lang ako saka kasama ko naman si Nazzareth para i-assur

