“Miss kaba?” sumimangot ang mukha niya sa naging sagot ko. “Bitaw na. Kukuha ako ng ice.” Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. “Why po, baby?" dito siya magaling, eh. Magpa-baby sa'kin. Hindi pa nga ako nagkaka-anak pero parang meron na. Balak ba niyang kumapit sa'kin habang buhay? Akala mo naman mawawala ako. Kabahan siya kung tapos na ako mag-aral. Baka hindi na niya ako makita pa. “Sa tingin mo saan ko gagamitin?” salubong ang kilay kong tanong. Kailangan kong patatagin lalo ang binuo kong pader sa pagitan namin. Hindi na niya ako madadala sa ganito. Sana... sana kayanin ko kahit napakahirap. Ayokong bumigay ng gano'n kadali. Maghirap muna siya. Maghintay siya kung kinakailangan hanggang sa maghilom ang sugat na ibinaon niya sa'kin. “Saan ba?” lumukot ang noo niya. “Try natin

