Tinampal ko ang mukha niya gamit ang palad ko. "Pakapal ng pakapal ang mukha mo 'no?" I pointed out my index finger at his forehead. "Subukan mo kayang nipisan? Baka sakaling i-consider ko pa ang pagde-demand mo." Lumabi siya na parang bata at ipinatong ang isang kamay sa tyan ko. Bumali ang leeg ko nang ipagsiksikan niya ang mukha ro'n na animo'y inaamoy na naman. Gusto ko sanang hablutin ang buhok niya para tigilan ang gingagawa kaso naalala kong may lagnat pala siya at baka may sugat o 'di kaya pasa sa ibang parte ng kanyang ulo. Makonsensiya pa ako kung dumaing na naman. "Sorry, sorry. Hatid muna ako sa taas, baby. Gusto ko nang magpahinga." Malambing nitong saad. Nahilot ko ang sentido at malalim na bumuntong hininga. Paano kami uusad kung nakayakap siya sa'kin? "Alisin mo muna ka

