Parehong napatingin ang dalawa kay Nazz pero nanatili akong nakatungo sa harap. Na-blangko ko ang utak ko, hindi alam kung anong susunod na gagawin. Bumuga ako ng hangin at nagkibit-balikat. Haharapin ko ang tatay ko at magkukunwareng walang alam sa nangyayari kesa naman sa takbuhan ko. I'll play innocent kung 'yon ang kinakailangan kong gawin. I don't know if he knew something tungkol sa mga pinagagawa namin ni Nazzareth pero tingin ko ay wala naman. Pinalis ko agad ang luhang tumulo sa aking pisngi at patay malisyang ngumiti. "No, bakit naman ako iiyak? Napuwing lang ako." Pinaharap ko ang dalawa at inakbayan bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. "Avi?" Tita Nadia's voice is laced with concern. "Your friends?" I was hesitant kung mag-aangat ba ako ng tingin o ano pero sa huli, sin

