"Scary," napapikit na sambit ni Seno nang ipagduldulan ko ang bar1l sa noo nito. "Interesting, Avi. Interesting." Pag-uulit pa niya na ikinadilim lalo ng paningin ko. I might pull the trigger if he doesn't stop mumbling words. Baka imbes na sa noo ko itutok ang hawak ko ay bumaba 'yon sa bibig niya para lang tumigil. I was fuming mad. Gusto ko siyang tapusin ngayon pero naiisip ko rin ang consequences no'n pagkatapos lalo na kay Nazzareth. Hindi ko pa naman nakakalimutan na magkasosyo ang ama nila. Gusto kong ipakita sa kanila na hindi nag-iisa si Nazz sa lahat ng laban niya. Na handa akong makipag-agawan ng buhay para lang ipagtanggol at protektahan siya. Nag-iwas ng tingin si Jenna nang lumipat ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kanya o ano dahil sa tinatamo

