Alas kwatro ng hapon no'ng ihatid ni Paul si nanay. Ngayon, kami na lang ng kapatid ko ang naiwan dito sa aking kwarto habang nagkakape. Kape is life kapag umuulan. "Kailan balik ni Kuya Nazz? Atat na ako mag-mall ate ko," nakalabing sambit ni Ace. Humarap siya sa akin at inilapag sa kama ang phone. Kanina pa niya hawak iyon at walang pagod na nagse-selfie. "Tawagan mo kaya?" Marahas akong umiling at ipinatong ang tasa sa bedside table. "Hindi puwede, busy iyon ngayon at saka umuulan. Pangit magmall kapag ganito ang panahon." Umirap siya. "Arte mo talaga ate. Parang hindi ko alam na nalalagkitan ka sa tuwing umuulan lalo na kapag namamalengke. Sus, ano bang number niya at ako na ang tatawag. Huwag kang sumama kapag pumayag ha?" Inikutan niya ako ng mata. Bago pa niya makuha ang selpon,

