“Oy si ate hindi makasagot. Kayo na siguro ‘no?” panunudyo pa ng magaling kong kapatid. Pinandilatan ko siya ng mata. Kapag si nanay naniwala, paniguradong sermon ang aabutin ko. “Uhm, nanay kasi ano…” hindi ako makaisip ng irarason. Ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa aking noo. Nagtaka ako nang biglang lumihis ang mata nila sa aking likuran. “Hoy, Ace! Anong nangyari sa’yo?” tumulo ba naman ang tubig mula sa bibig niya. Natauhan naman siya at mabilis na pinunas ang bibig. Paniguradong basa ang pang-ibaba niya dahil sa dami ng nabuhos. Ano bang meron sa likod at para silang nakakita ng multo? “Avi,” gulat akong napa-angat ng tingin. “Baby, pakilala mo me.” Mabilis ko siyang nilingon. Saan siya dumaan? Sa shortcut? Kaya pala starstruck ‘tong dalawang kasama ko. Hindi pala multo ang nak

