Pagkatapat namin sa entrance ng mall, nagpaalam sa akin si Nazz na may kakausapin lang sandali sa phone. Wala akong idea kung anong meron. Balisa siya simula no'ng makatanggap siya ng text. Gusto ko sana siyang tanungin pero mas pinili kong manahimik na lang. Tungkol siguro sa trabaho. Alright, I was bother the whole time na papunta kami rito. Panay silip ako sa kanya, hinihintay kung magsasabi siya pero nakarating na kami't lahat-lahat, wala pa rin. Nakakabingi ang katahimikan. Iyong akala mong tatalakan ka niya tungkol sa buhay pero wala. Anong meron? Hindi ba niya kayang sabihin sa akin? Sinabi ko naman sa kanya na tanggap ko kung sino siya. I also assured him na hindi ko siya iiwan. Saan doon ang hindi niya maintindihan? Bakit parang hirap pa rin siyang sabihin sa akin ang totoo niy

