Sunod-sunod ang paglunok ko nang pumihit ako paharap. So, all this time magkasama pala silang mag-ina. Sa kaba, nasamid ako sa sarili kong laway at naubo ng ilang ulit. Haru being concern, mabilis niyang hinagod ang likod ko. "Are you okay? Medyo mainit ka." Hinawi ko ang kamay niya. "I'm fine," umayos ako ng tayo at hilaw na nginitian ang dalawang nasa harapan ko. "Hi po," ngiti-ngiti kong bati sa nanay ni Nazzareth bago ibinaling ang tingin sa anak niyang salubong ang kilay. "Hello?" nagawa ko pa talagang magtaas ng kamay para kumaway. Gusto ko lang siyang asarin. Halata namang nagseselos siya dahil magkasama kami ni Haru. Bahala ka dyan, hindi ka nagpaalam tapos makikita lang kita rito? The audacity para pagsalubungan niya ako ng kilay. I deserve an explanation. Akala ko pa naman a

