bc

Philophobia

book_age18+
1.2K
FOLLOW
12.8K
READ
billionaire
revenge
HE
age gap
powerful
drama
sweet
bxg
city
office/work place
lies
like
intro-logo
Blurb

"Buntis ako Simon" sabi ni Angela bago napayuko, ayaw makita ang magiging reaksyon ni Simon.

"Buntis ka! Sino ang naka buntis saiyo?!" Namumula ang kaniyang mata, nag simulang dumulas ang luha sa kaniyang mukha.

-------------

"Simon, I'm sorry" dagdag ni Mark.

"Hayop ka Mark, bestfriend pa naman kita! Paano mo nagawang buntisin ang girlfriend ng bestfriend mo!" Galit na galit si Simon at pinag susuntok si Mark

------------

"sir ito ang isang daang milyong pamumuhunan, hindi ko alam kung saang kumpanya tayo makikipag tulungan"

"para lamang sa halagang isang daang milyon kailangan mo pa ng tulong ko? Ikaw na ang bahalang mag desisyon" nonchalant niyang sabi.

-------------

"Mr. Rivera Gusto kita!"

"Little lady, 39 years old na ako, diseotso ka pa lang, napakalaki ng age gap natin"

"Correction, mag di-disenueve na ako"

-------------

"Mr. Rivera, dahan-dahan, first time ko 'to"

"Kumapit ka, Little Lady, masakit talaga sa una"

-------------

chap-preview
Free preview
Return Rich
Sa isang probinsya sa Zambales, makikita sa isang maliit na bahay ang isang lalaking nakasuot ng maong na pantalon, naka-checkered na long-sleeve, nakatayo ang buhok gamit ang wax, at nakasuot siya ng salaming pang-araw. Sa harap ng salamin, gumagawa siya ng iba't ibang pose na sa tingin niya ay pogi siya. Pumasok ang isang lalaki na nasa katanghaliang gulang. "Aba, bihis na bihis si Simon Rivera, ah! Saan ang lakad ng binata namin?" tanong ng taong pumasok sa bahay. Lumingon si Simon nang marinig ang pumasok, ngumiti siya, "Tito Ricky, nag-text po kasi si Angela. Niyaya niya akong kumain sa labas, may mahalaga raw po kasi siyang sasabihin," nasasabik na sabi ni Simon, bakas ang galak sa kaniyang tinig. Ngumiti ang kaniyang tiyuhin, "Talagang in love ang binata namin, ah! Hoy, Simon, tandaan mo, disiotso anyos ka pa lang, hinay-hinay sa pag-ibig." "Tito, may pangarap pa kami ni Angela. Wala pa sa plano namin 'yang mga ganyang bagay," nakangiti niyang sabi. "Pinapaalalahanan ka lang ni Tito. Alam mo naman, anak na rin ang turing namin sa'yo ng Tita mo. Mula nang nawala si Kuya at sa amin ka na lumaki, itinuring ka na namin bilang anak namin." Saglit na tumigil si Simon bago ngumiti nang mapait, "Tito, siguro kung hindi sumama sa ibang lalaki si Inay, ano kaya ang magiging kalagayan ko?" Lumapit ang kaniyang Tito bago hinawakan ang kaniyang balikat, "Ikaw at ikaw pa rin si Simon. Huwag mo nang isipin ang iyong Inay." Bumuntong-hininga si Simon, "Si Itay kaya? Nasaan kaya ngayon si Itay? Buhay pa kaya siya?" "Huwag ka nang sumimangot, Simon. May date ka pa, papangit ka niyan, sige ka. Baka ipagpalit ka ni Angela pag nakita kang nakabusangot," pabirong wika ng kaniyang Tito. "Mahal na mahal ako ni Angela. Malabong ipagpalit ako nun," huminga siya nang malalim bago inayos ang emosyon, "Sige po, Tito, aalis na po pala ako." "Mag-ingat, umuwi nang maaga, huwag na masyadong magpagabi," paalala ng Tito niya. "Opo, Tito," sagot ni Simon bago lumabas ng bahay. Masayang naglakad si Simon. "Tricycle!" sigaw niya bago kinawayan ang nakaparadang tricycle. Lumingon ang driver bago pinaandar ang tricycle at huminto sa harap ni Simon. "Aba, may date si Simon, ah! Ganda ng pormahan. Saan ang lokasyon natin?" tanong ng driver. Ngumiti si Simon, "Sa may lugawan po, kila Aling Marie." "Lugaw date, let's go!" sabi ng driver bago nagmaneho patungo sa lugar. Pagdating sa lugar, bumaba si Simon. "Ito po bayad, keep the change," masaya niyang sabi. Lumingon-lingon si Simon bago nakita si Angela. Nakaupo si Angela sa isang lamesa, ngunit bukod kay Angela, may nakaupo pang ibang tao na nasa tabi niya. Hindi na nag-isip pa si Simon bago masayang lumapit. Masaya siyang naupo sa harapan ni Angela sa kaparehong lamesa. Ngumiti si Simon, "Oh, Mark, narito ka," sabi niya bago tinapik sa balikat ang kasama ni Angela at tumango. Hindi gaanong nag-isip si Simon kung bakit narito si Mark. Kung tutuusin, magkababata si Angela at Mark, at si Mark ang dahilan kung paano niya nakilala si Angela, kaya hindi malaking bagay sa kaniya kung sumama si Mark sa kanilang date. Hindi tumugon si Mark ngunit nagpakita ng kakaibang ekspresyon. Napansin ni Simon ang kakaibang itsura ni Mark bago tumingin siya kay Angela at nakita ang parehong ekspresyon. "Bakit ang hahaba ng mga mukha ninyo? May problema ba?" nakangiti niyang sabi, iniisip na baka magpa-prank na naman ang dalawa. Hindi sumagot ang dalawa at tila nag-aalangan na may gustong sabihin. Ngumiti si Simon bago tumingin kay Mark, "Hoy, bespren, anong pakulo na naman ito, ha?" Bago tumingin siya kay Angela, "Mahal, ano 'yong mahalagang sasabihin mo?" Nasasabik si Simon, iniisip na may inihandang sorpresa ang dalawa. Huminga nang malalim si Angela, "Simon, meron akong mahalagang sasabihin—" "Ano 'yon? Sabihin mo na, huwag mo nang patagalin. Dali, sabihin mo," nasasabik si Simon, kitang-kita ang saya sa kaniyang ngiti. Nakita ni Mark at Angela ang masayang ekspresyon ni Simon. Nakaramdam sila ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Tumingin si Mark kay Angela bago tumango. Nang makitang tumango si Mark, muling huminga nang malalim si Angela bago inilabas ang maliit na bagay mula sa kaniyang bulsa at inilagay sa lamesa. Nakangiti pa rin si Simon, "Ano 'to?" Bago kinuha ang nilapag ni Angela. Pagkakita niya sa gamit, natigilan siya, "Hoy, hoy, anong biro ito, Mark, Angela?" Nakaramdam si Simon ng kakaiba, unti-unting tumitigas ang kaniyang ngiti. "Buntis ako, Simon," sabi ni Angela bago napayuko, ayaw makita ang magiging reaksyon ni Simon. Tinitignang mabuti ni Simon ang kaniyang hawak—ito ay isang pregnancy test. Ngumiti si Simon, "Angela, huwag mo naman akong biruin ng ganyan," bago napalitan ng pait ang masaya niyang mukha. Base sa ikinikilos ni Angela, hindi ito nagbibiro. Lumamig ang boses ni Simon, galit siya, "Buntis ka?! Sino ang nakabuntis sa'yo?!" Namumula ang kaniyang mata, nagsimulang dumulas ang luha sa kaniyang mukha. "Ako ang ama, Simon," biglang sabi ni Mark. Tumawa si Simon na parang baliw, "Mark, bespren, oi! Huwag mo akong biruin. Hindi biro itong sinabi ni Angela." "I'm sorry, Simon, pero buntis talaga si Angela, at ako ang nakabuntis sa kaniya." Tumawa si Simon, "Ah, alam ko na, pina-prank n'yo na naman ako. Oo na, sige na, na-prank n'yo na ako. Ang galing ninyo, may props pa talaga," bago inangat niya ang PT, "Okay na, tama na ang pag-arte na prank—" "Simon, makinig ka! Hindi ito prank! Totoong buntis ako, isang buwan na!" sigaw ni Angela, nahihiya, nakayuko lamang siya, hindi kayang harapin si Simon. "Simon, I'm sorry," dagdag ni Mark. Pumalakpak si Simon bago tumayo sa kinauupuan. Patuloy ang agos ng luha sa kaniyang mukha. Bigla niyang sinuntok si Mark sa mukha. Bumulagta si Mark sa lupa sa lakas ng pagkakasuntok. "Hayop ka, Mark! Bestfriend pa naman kita! Paano mo nagawang buntisin ang girlfriend ng bestfriend mo?!" Galit na galit si Simon at pinagsusuntok si Mark na nakahiga sa lupa. Hindi pumalag si Mark at tinanggap ang bawat suntok na ibinibigay ni Simon. Umawat ang mga nakapaligid na kumakain at pinigilan si Simon. Gusto pang sumugod ni Simon ngunit tatlong lalaki ang humawak sa kaniya. "Porket ba galing kayo sa mayamang pamilya, Mark Reyes at Angela Santos? Ito ba?! Kaya n'yo itong gawin sa akin?! Dahil ba sa mahirap ako? Wala akong karapatang sumaya sa pag-ibig?!" Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy, "Sabihin mo, Angela! Saan ako nagkulang?!" Umiiyak si Simon habang isa-isang binanggit ang bawat kataga na may matigas na punto. Umiiyak si Angela ngunit hindi sumagot. Nakayuko lamang siya. Tumayo si Mark, duguan at namamaga ang kaniyang mukha, ngunit hindi rin siya sumagot. Tumango si Simon sa galit, "Bitawan n'yo ako!" sigaw niya sa humahawak sa kaniya bago kumalas. Itinuro niya si Angela at Mark nang may galit bago umalis nang walang sinasabi. Pag-alis ni Simon, inalalayan ni Angela si Mark, "Okay ka lang?" sambit niya, ramdam ang sakit sa kaniyang tinig. "Ayos lang ako," sagot ni Mark, nakahawak kay Angela. "Tara sa ospital, kailangan kong magpagamot," sabi ni Angela. Tumango si Mark bago naglakad papunta sa kaniyang sasakyan. .... ... Makalipas ang dalawampung taon, sa isang pinakamalaking kompanyang matatagpuan sa Quezon City, isang kompanya na nangunguna pagdating sa teknolohiya at mas kilala bilang Rivera Innovations, nakaupo sa opisina ng chairman ang isang lalaki habang hawak ang isang cellphone, tinitingnan ang mahahalagang kaganapan na nangyari sa bansa. "Chairman, sa susunod na pitong araw na gaganapin ang ika-labinglimang anibersaryo ng kumpanya, naipadala ko na rin ang mga liham ng paanyaya," sabi ng kaniyang sekretarya. "Good, huwag kalilimutan, sa charity event na ito, ilalabas rin natin ang bagong cellphone ng Rivera Innovations," sabi ng Chairman. "Yes, sir, naisagawa na lahat ang pag-aayos," tugon ng sekretarya. Tumayo ang Chairman bago lumabas ng opisina. Sumunod naman sa likod ang kaniyang sekretarya. Paglabas ng opisina, may lalaking lumapit sa chairman, bitbit ang isang kontrata. "Sir, ito ang isang daang milyong pamumuhunan. Hindi ko alam kung saang kumpanya tayo dapat makipagtulungan." Tumingin ang Chairman sa lalaki, "Para lamang sa halagang isang daang milyon, kailangan mo pa ng tulong ko? Ikaw na ang bahalang magdesisyon," nonchalant niyang sabi bago patuloy na naglakad palabas. Paglabas ng Chairman ng kumpanya, may narinig siyang tinig. "Simon Rivera, halika, may ipapakilala ako sa 'yo. Isang maganda at seksing babae, paniguradong magugustuhan mo siya." Lumingon si Simon at nakita ang lalaki na naglalakad patungo sa kaniya habang kumakaway. Sa tabi ng lalaki, isang chubby na babae na may makapal na makeup. Malayo ito sa seksing inilarawan ng lalaki at hindi sigurado sa itsura dahil sa kapal ng makeup ng babae. "Ito na naman ang makulit na taong ito," napabuntong-hininga si Simon at walang magawa. Natawa ang sekretarya ni Simon sa kaniyang tabi, "Sir, mahaba-habang lakaran na naman ito." Tumango si Simon, "Ano pa nga bang magagawa ko sa matandang ito," sabi niya nang walang magawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.9K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.4K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.5K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook